Confused
Lumipas ang isang linggo at ngayon ay nag-simula na akong mag-trabaho bilang personal ni Casthan. Nahirapan ako noong nagpaalam ako kina Inay na hindi na ako makakauwi, every sunday na lang talaga.
Naalala ko pa ang sobrang pag-iyak ni Butchoy 'non. Alalang alala kami dahil inatake ng asthma ang kapatid ko.
Dinala namin ito sa hospital kaya napaliban ako sa trabaho. Galit na galit noon sa 'kin si Casthan dahil sa biglang pag-absent ko.
Hindi kasi ako nakapag-paalam sa kanya noon. Nalaman ko nga kay Mr. Craine na nagwala na naman ito at hinahanap ako.
Sa halip na mag-alala ay parang... natuwa pa ako.
Ito ba 'yong tinatawag nilang kilig?
Inamin ko na sa sarili ko na mayroon na talaga akong nararamdaman kay Casthan. But for sure, I'm just attracted to him. Yes, just attracted.
Dahil ayokong tanggapin sa sarili ko na nagiging homosexual na ako. Ayokong mahulog kay Casthan dahil ayokong bumaba ang tingin sa akin ng ibang tao. Ayokong pandirihan ako ng sariling kapatid ko at ma-disappoint ang nanay ko.
Pero siguro... hindi iyon talaga ang rason ko. Siguro natatakot akong mahulog sa isang taong may mahal ng iba. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong hindi mahalin pabalik. Natatakot akong mahalin si Casthan.
"Hey, you okay?" Natigil ako sa pag-iisip at napatingin sa nagsalita.
Umayos agad ako ng tayo sa counter nang makita ko si Nathan sa may bungad ng pinto. Bahagya akong ngumiti sa kanya.
"Oo, may iniisip lang. Kanina ka pa ba diyan?"
"Hindi naman," Aniya tapos ay naglakad patungo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang kumukuha ito ng maiinom.
Sumandal ito sa sink at sumulyap sa wrist watch niya tapos ay muling bumaling sa akin. "It's already late, you can't sleep?" Tanong niya sa akin.
"Hmmm... medyo naninibago pa kasi ako." Kahit kasi na mag-iisang linggo na 'ko dito ay hindi parin ako nasasanay. This is my first time to work as a personal nurse at ito rin ang unang pagkakataon na titira ako sa ibang bahay bukod sa amin.
"Home sick?" He asked and I nodded.
Tumango-tango ito, "I see..." Anito tapos ay ibinaba ang basong wala ng laman. Lumapit ito sa akin at umupo sa tapat ng kinauupuan ko.
"Tulog na ba si Casthan?" Tanong niya.
"Oo, kaya nga nakatakas ako 'e." His eyes twinkled in amusement and let out a laugh.
"He's really clingy at you, huh?" He stated. Umiling na lang ako tumawa.
Binigyan ako ni Nathan ng sariling matutulugan dito sa bahay nila. Kaso hindi ko rin na-eenjoy at nagagamit dahil ayaw ni Casthan.
Gusto niyang doon ako sa kwarto niya matulog. Dapat daw hindi ako humihiwalay sa tabi niya at hindi daw dapat ako nawawala sa paningin niya.
Pinapalipat niya pa nga ang gamit ko doon kaso umayaw ako. Kaya ayon, nagalit siya at hindi ako pinansin. Hindi ko narin naman sinuyo dahil baka lumaki ang ulo at nais na lamang na lagi siyang masusunod..
But I admit... may saya akong nararamdaman pag ginagawa niya ang mga bagay na 'yon. Minsan hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan na ako pero ayoko pang hanapin ang sagot sa mga nararamdaman ko.
"What if... Casthan fall for you? Sasaluhin mo ba siya?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Nathan. Hindi ako naka-imik pero iba ang naging reaksyon ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...