Jane
Dumating ang umaga ng Lunes ay maaga akong nagising upang mamalengke sa bayan bago pumasok sa trabaho.
Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit ay lumabas na ako ng bahay namin.
Bumungad sa akin ang malamig na hangin mula sa dagat. Madilim pa ang langit ngunit ang kahel ay unti unting kumakalat dahil sa papasikat na araw. Napangiti ako, I love this mornings.
Medyo marami na ang tao dahil may mga mangingisda na aalis na. Ang mga turista ay nasa daungan pinapanuod ang pagsikat ng araw. Ganoon din ang nagbebenta ng mga shells, nag-aayos na ito ng mga pwesto nila.
"Magandang umaga, Jaime!" Bati sa akin ng mga kalapit bahay namin.
Ngumiti ako. "Magandang umaga din po sa inyo. Ingat po kayo sa pag-alis."
"Salamat, iho. Pupunta ka sa bayan?"
"Opo, mamimili lang ng pagkain namin para mamaya."
"Swerte naman ng mapapangasawa mo. Ayaw mo ba talaga kay Phania?" Tukoy nito sa anak na babae.
Tumawa ako, "Kuya Ruben naman, ang bata pa ng anak niyo." 17 years old palang kasi iyon at nangungulit din pag nakikita ako. Parang si Jusa. Ngayon ay minsan ko na lang siya makita dahil nag-aaral ito sa manila.
Nagkamot ng ulo ang kaharap ko. "Oo nga pala. Pero hindi ba may kasabihan, 'Age doesn't meter'?"
Lumakas ang tawa ko na naka-agaw pansin sa ibang turista at kinagulat ni Kuya Ruben "Age doesn't matter po. Pero dapat pag-aaral muna atupagin ni Phania. Matalino siya at masipag, siguradong malayo mararating 'non.'
"Malayo nga. Nakapunta sa Maynila 'e." Sabay kaming tumawa. Tinawag siya ng kasamahan sapagkat aalis na sila. Nagpaalam kami sa isa't isa. Ako ay dumiretso na sa sakayan ng jeep.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako ng bayan. Naglakad na ako papuntang wet market, medyo kaunti palang ang mga tao dahil maaga pa. Magandang mamili tuwing umaga dahil hindi siksikan at maayos pa ang tinitinda nila.
"Suki!" Tawag sa akin ni Manang Arlene ng makita ako. "Anong gusto mo? Galunggong? Hito? Bangus? Tilapia? Ano?"
Natatawang itinuro ko ang bangus. "Isang kilo lang po."
"Pang ihaw?"
"Hindi po. Pang paksiw, Manang." Hinati niya ang mga bangus sa apat at ibinigay na sa akin. Nagbayad na ako at ako'y nag paalam na para bumili ng panghalo sa paksiw.
Ginugol ko ang kalahating oras sa pamimili. Bumili narin ako ng pandesal bago umuwi.
Pagkarating ko sa bahay ay gising na si Nanay. Kasalukuyan nitong inilalagay ang kaldero sa de uling na kalan.
Binaba ko ang pinamili ko at nagbuntong hininga, "'Nay naman, ang kulit niyo po talaga." Mukhang nagulat ito sa biglaan kong pagsasalita mula sa likod niya sapagkat napatalon ito ng bahagya at hawak ang kaliwang dibdib tapos ay nanlalaking matang humarap sa akin.
"Jusko kang bata ka. Papatayin mo ba ako sa gulat?" Halos pasigaw niyang sabi. Tumawa ako at nilapitan siya. Kinuha ko ang kamay niya at nagmano.
"Magandang umaga din po sa inyo, 'Nay. Bakit po kasi kayo nagsaing? Kaya ko naman po 'yan."
Nalukot ang mukha niya. "Ikaw, Jaime. Alam kong matanda na ako pero hindi pa ako lumpo. Kaya ko din magsaing kaya manahimik ka diyan at maligo kana." Pinanlakihan niya pa ako ng mata. Ngumuso ako para pigilan ang tawa. Ang aga aga, nagsusungit.
"Pero magluluto pa ako ng ulam." Sumulyap siya sa lamesa kung saan ko binaba ang mga binili ko.
"Ako na lang magluluto. Ano bang binili mo?" Aniya habang naglalakad papunta 'don.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...