Medyo SPG.
Drunk
Nagising ako nang makarinig ako ng kalabog. Masakit man sa ulo ay pinilit kong umupo sa kama at kinusot kusot ang mata ko para makita ng malinaw ang oras.
Nanlaki ang mata ko sa nakita, it's already 3am!
Nagsimula akong kabahan dahil wala si Casthan sa tabu ko. Tumayo ako at mabilis na naglakad palabas ng kwarto.
Ngunit natigilan ako at napasinghap nang makita ko si Casthan na halos gumagapang na paakyat ng hagdan!
He looks like a mess! A beautiful mess!
Napailing ako sa inisip. Pati ba naman sa ganitong kalagayan ay humahanga parin ako?
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya. Unfocus ang mata nito nang tumingala sa akin, kumunot ang noo nito at tila kinikilala kung sino ako.
Ilang segundo pa ay bumilog ang mata nito at kumurba ang labi para sa isang malaking ngisi.
"Jaime!" Sigaw pa nito tapos ay biglang dumiretso nang tayo ngunit bago pa ako nito mahawakan ay nabuwal ito.
Agad akong kumilos para masalo siya. Sa laki niyang tao ay halos hindi ko makaya. Muntik pa kaming matumba!
At ito namang si Casthan tumawa lang tapos ay sumubsob sa leeg ko. Paulit ulit niya pang tinatawag ang pangalan ko.
Umiling ako. Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maiinis ako sa ginagawa ni Casthan.
His drunk state is too far than the Casthan I know. Para siyang bata! Parang naka-drugs!
Nang maka-pasok kami sa kwarto ay agad ko siyang idineretso sa banyo. His smell is so awful!
"J-Jaime... where are we going? A-Are you 'gonna rape me?" Tanong niya tapos ay tumawa. Kumunot ang noo ko. Rape? 'E siya nga yung kanina pa pinapapak ang leeg ko!
Pinigilan ko ang pagsinghal sa kanya at tinapat siya sa dutsa. He groaned so loud when I turn it on.
Ayaw ko man ay nasama ako sa pagkabasa dahil ayaw niyang pakawalan ang katawan ko. Talagang sinadya niyang mabasa ako.
"Casthan! Umayos ka nga!" Iritadong suway ko dahil ang kulit kulit niya, baka mamaya pa ay madulas kaming dalawa dito.
Humagikhik siya at hinaplos ang mukha ko, "What?" Hinampas ko ang kamay niya paalis at sinamaan siya ng tingin. Inabot ko ang hem ng damit niya at sinubukang ihubad.
"Casthan, itaas mo nga 'yang kamay mo!" Utos ko. Pumikit ito at sinunod ang sinabi ko. Hindi pa nakatakas sa tenga ko ang bulong niya.
"Be gentle, Jaime..." Ngali ngali ko siyang batukan pero nagpigil ako. Nang mahubad ko ang damit niya ay tiningala ko siya. Hanggang ngayon ay nakapikit parin at may ngiti sa labi na parang may na-iimagine.
Tinapik ko ang pisngi niya para mapamulat siya. "Take off your pajama, Casthan. Pag hindi mo tinanggal 'yan, magagalit ako."
Ngumisi siya sa akin, "Fine, babe... Fine..." Tinignan ko lang siyang maghubad sa harapan ko, bahagya ko pa siyang inalalayan dahil parang natutumba na siya.
Kinuha ko ang shampoo at bath soap niya. Pagkaharap ko ay halos mapasigaw ako dahil nakabungad na sa akin ang pagkalakaki niya!
Sabi ko pajama lang ang tanggalin! Bakit sinama ang underwear?
Napahilamos ako sa mukha dahil problemadong problemado na ako kay Casthan. Sinusumpa ko, ito na ang huling beses na makikita ko si Casthan na lasing.
"Babe..." Malambing niyang sinabi sa akin at napasinghap ako ng haplusin niya ang braso ko. Bolta-boltaheng kuryente ang nararamdaman ko sa haplos niya. Fuck this shit! I'm affected by his touch!
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...