Father
Nanlalabo ang aking mata na tumakbo pabalik sa kwarto ni Casthan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Manang sa akin ngunit hindi ako lumingon dahil sa luhang papalabas.
Isinarado ko ang pinto at umupo sa kama. Tulala ako habang ang inggit at sakit ay nilalamon ang buong pagkatao ko.
Casthan knows all about this?
Tinakpan ko ang mukha nang bumuhos ang mga luha. Hindi ba't kami na? Why the hell he let himself hold her? Ibig bang sabihin 'non ay gusto niya ang babae?
Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko, natigil lamang iyon ng marinig kong bumukas ang pinto. Agad kong pinunasan ang mukha at tinignan kung sino iyon.
Nakita ko ang taranta na si Casthan na papalapit sa akin. Nagpeke ako ng ngiti. "May problema ba?"
Natigilan ito at tumitig sa akin, lalo na sa mga mata ko. Agad akong umiwas at tumayo, tatalikuran ko na sana siya ngunit agad niyang nahila ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.
"I'm sorry..." Panimula niya. Muling humapdi ang aking mata ngunit pinigilan ko ang pagluha.
Tumawa ako at bahagya siyang tinulak. "B-Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko at hindi napigilan ang pagbasag ng boses.
Are you breaking up with me?
Natatakot akong isatinig iyon, iniiwasan ko din ang kanyang mata.
"I didn't know too. I swear, I don't know her. Please, believe me..." Nagsusumamong sabi niya at itinaas ang mukha ko para masalubong ang tingin niya.
Sumabog ang mga luha kaya sinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib.
"I-I believe you, C-Casthan... I trust you..." Nanginig ang aking tinig, humigpit naman ang hawak niya sa akin. "P-Pero paano na? M-May magiging asawa ka na p-pala--" Pinutol niya ang aking sinsabi nang muli niyang itinangala ang aking mukha at halikan ako ng madiin sa labi.
Isinandal niya ang noo sa akin, umiling siya doon at agad sinapo ang aking pisngi. "You're not breaking up with me. Never." Mariin niyang sinabi. "I will not let you."
Nanlaki ang mata ko. "I'm not. Nagtatanong lang ako kung paano na tayo. May fiancèe kana, h-hindi na tayo pwede..."
Kita ko ang pagpikit niya ng mariin na parang nagpipigil. Pagmulat niya ay pulang pula ang mata niya. "Stop thinking about it. Walang mangyayaring hiwalayan, naiintindihan mo? Sila ang magpapakasal sa babae na 'yon at hindi ako. I love you and you're the only one for me. You are the who I will get marry." Pinal niyang sinabi. Lalong bumuhos ang aking luha at napahikbi. Uminit ang aking puso sa sinabi niya.
"Even Caius?" Binuhos ko ang lakas na loob sa tanong na iyon ngunit hindi ako tumingin, natatakot akong tignan ang kanyang reaksyon.
Hindi siya sumagot bagkus ay humiwalay sa akin. Kinagat ko ang labi para pigilan ang malakas na iyak. Akala ko...
"Look at me," Utos niya. Umiling ako at itinulak pa siya palayo.
"Lumabas ka na lang..." Pagod kong sinabi at umupo sa kama.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya kahit lumuluha ang mata ay sinamaan ko siya ng tingin. "Masaya ka pa na pinaglaruan mo lang ako?"
Natigilan siya at kumunot ang noo. Lumuhod siya sa harap ko at ikinulong ang mukha ko sa malaki ang mainit niyang palad. "What the fuck are you saying?" Ani niya at hindi alam kung magagalit o matatawa.
Hindi ko mapigilan ang hampas sa kanyang dibdib. "Paasa ka! Gago ka! Tangina mo! Shit ka! Bobo ka! Hindi mo ako pwedeng mahalin kung may mahal ka pang iba! Ano 'yon, dalawa puso mo? Ano? Niloloko mo lang ba ako, Casthan? Aminin mo na dahil ang sakit sakit na ha!" Halos humagulhol ako habang sinasabi 'yon habang siya naman ay natatawa habang pinapanuod ako.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...