Chapter 6

24.6K 919 54
                                    

Triggered

"Casthan..." Hindi niya ako pinansin kaya napailing ako. Sinabi ko kasing uuwi ako, hindi pa kasi ako nagpapaalam kay Nanay yung gagawin kong pag s-stay dito aa hospital.

"I thought you're gonna stay with me?" Mahinang sinabi niya.

"I will, okay? Kailangan ko lang magpaalam sa pamilya ko."

"Why don't you just call them?"

"Bakit hindi ka muna humarap sa'kin? Ano, nakikipag usap ako sa likod mo?" Sarkastikong wika ko. Grabe, ang matampuhin pala nitong si Mr. Castro.

Hindi siya umimik. Inangat ko ang kamay ko at humawak sa balikat niya. Pinilit ko siyang ipaharap kaso pinapatigas niya lang ang katawan niya. Inalis niya pa ang kamay ko.

Napagpalatak ako, "Casthan, ang tigas ng ulo mo."

"Then leave me." I sighed. Umikot ako papunta sa isang side ng bed. Kung saan siya nakaharap. Nakita ko siyang nakatingin lang sa bintana at malungkot ang mukha.

"Fine." Biglang sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "I'll stay tonight but I need to go home tomorrow."

"I want you to stay here everyday," Ang kulit niya! Hindi niya ba maintindihan ang sinasabi ko?

"Casthan, hindi nga pwede. May pamilya ako, magaalala sila sa akin."

"You can text them."

Tumalim ang tingin ko sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. "Paikot ikot lang tayo 'e!" Inirapan niya lang ako. Swear, ang sarap sarap niyang ingudngod ngayon sa pader. Kung pwede lang talaga!

"Fine! Ganito ang mangyayari, I'll go to the head nurse and I will make my shift, night and day. Pero pag sa umaga ay kailangan kong umuwi para maligo, magbihis at mabisita ang pamilya ko. Babalik din ako ng 10am. Ayos na 'yon?" Paliwanag ko. Lumiwanag ang mukha niya.

"It's fine with me." Masungit niyang sinabi. Napairap tuloy ako. Parang napipilitan pa siya 'e.

Umikot ang mata ko sa silid. Naghahanap ng paglilibangan, ang boring kasi. Tapos itong si Casthan, hindi magsasalita kung hindi ko kakausapin.

"Gusto mo manuod ng TV?" Tanong ko kay Casthan na nakatihaya na ng higa. Sumulyap siya sa akin tapos sa TV.

"Do what you want. I'm 'gonna sleep." Aniya at ipinikit ang mata.

"Go sleep! Wag kana magising," Bulong ko. Nagulat ako ng magmulat siya ng mata at tumalim ang tingin sa akin.

"I heard you, stupid." Sabi niya tapos pinikit ulit ang mata.

Umirap lang ako. Pasalamat talaga siya na nag-aral kami ng 'patience' dahil kung hindi kanina pa nakatahi bunganga nito ni Casthan.

Tumayo ako para buksan ang TV. Pagkakuha ng remote ay bumalik ako sa kaninang upuan ko.

Boring na boring ako habang naglilipat. Puro cartoons, anime, balita tapos mga sports! Wala bang movie diyan?

Ngunit napahinto ako sa isang channel ng makita ko ang pangalan na 'Caius' sa headline. Nilakasan ko ang TV at itinutok ang pansin doon.

"Balitang balita ngayon ang paghahanap ng anak ng isa sa mga nagmamay ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa na si Gaea Zeus Dark." Tapos ay lumabas ang isang picute ng pinakamagandang lalaki na nakita ko. We have the same eyes. Pero mas maliwanag ang mata niya, maputi at talagang pwede mong mapagkamalan na isang babae.

"Siya si Caius Hera Xaveria, kasalukuyang siyang pinaghahanap at hindi pa namin alam kung bakit." Agad akong napatingin sa tabi ko ng may narinig akong suminghot.

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon