Chapter 32

19.3K 597 26
                                    

Trust

"Kuya, bakit hindi na po bumibisita si amo niyo?" Tanong ng aking kapatid. Bumaling ako sa kanya at hinaplos ang ulo niyo.

"Kuya Casthaniel ang tawag mo sa kaniya, Butchoy. Ilang beses ko na 'yang sinabi sayo?" Tanong ko at tumawa. Kita ko ang kanyang pag nguso na lalong nagpatambok sa matatabang pisngi nito.

Kunot ang noo niya ng sumagot sa akin. "Ayoko nga kasi, kuya. Ang kulit niyo po. Mas maganda nga po yung amo." Sagot niya na nakapagpatawa sa akin. Ako pa talaga ang makulit. "Pero bakit nga po hindi na siya bumibisita? Namimiss ko na po pasalubong niya." Muli akong natawa at pinisil ang pisngi niya.

"Ang kulit kulit mo! Ang takaw takaw pa. Paano ka papayat? Akala ko ba diet ka?"

Lalong humaba ang nguso niya at ang sama sama na ng tingin sa akin. "Ayoko ng mag diet! Saka hindi ako matakaw. Masarap lang talagang kumain!" I can't help but to laugh harder. Halos maluha ako dahil sa paraan ng pagsagot niya sa 'kin. "Kuya nga kasi, asan na amo niyo?" Ulit na naman niya. Nawala ang ngiti ko at bumagsak ang tingin sa aking cellphone.

It's been three days since I saw Casthan. Nagpaalam siya na may isang linggong business trip daw sila sa ibang bansa at kailangan niyang daluhan iyon.

Noong unang araw niya 'don ay walang palya niya akong lagi pinapadalhan ng text messages, tumawag pa siya noong gabi at nag video call kami.

Bumili ako ng smart phone simula noong bumalik ako sa bahay. Para sana hindi na niya kailangang laging pumunta dito para lang makita ako at para rin magamit tuwing nalalayo siya.

Ngunit nagtataka ako dahil pagkatapos ng unang araw niya 'don ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Hindi na siya nagmemensahe ma pinagalala ko. Palagi ko siyang tinatawagan ngunit walang sumasagot at minsan ay out of reach pa. I even bombarded him with messages ngunit kahit isang reply ay wala akong natanggap.

I even texted Nathan to ask if he's with Casthan. Ngunit wala din daw siyang alam, ang tatay lang niya at si Casthan ang magkasama.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa sobrang pag-aalala o dahil naalala ko yung ama ni Casthan. Baka kasi gumagawa na siya ng paraan upang mapaghiwalay na kami ni Casthan.

"Kuya?" Muling bumalik ang mata ko sa kapatid nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Tinitigan ko siya at mukhang gusto talagang malaman kung bakit wala si Casthan.

"Nasa trabaho siya, Butchoy. Pero wag kang mag-alala, bibisita din iyon."

Lumungkot ang mukha niya at bumaba ang tingin, "Kailan, Kuya?"

Ngumiti ako at hinaplos ang ulo niya. "Bukas o kaya sa susunod na bukas. Wag ka nang malungkot, nandito naman si kuya 'e. Ayaw mo na ba sa 'kin?"

Agad naman siyang umiling at niyakap ako. "Syempre hindi po! Ikaw lang kaya kuya ko." Napangiti na lang ako at niyakao siya pagbalik. Nakarinig kami ng tikhim kaya napalingon kami. Nakita namin si Nanay na nakasandal sa pinto na mukhang kanina pa kami pinagmamasdan.

"Tama na nga iyang lambingan niyong dalawa. Oras na ng pagkain, halina kayo." Aya ni Inay at lumapit para kunin si Butchoy tapos ay nauna na sa lamesa.

Bumuntong hininga ako at muling tinignan ang phone ko, nagbabakasakaling may message na. Bagsak ang balikat ko nang makitang walang notification.

Binulsa ko ito at sumunod na sa lamesa. Pagkaupo ko ay nilagyan ako agad ni Nanay ng pagkain sa plato.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Thank you, 'nay."

She smiled back at me. There is a warm in her eyes. "It's okay, anak. Ngiti kana. Hindi ako sanay na ganyan ka. Bibisita din si Casthan, hintayin mo lang."

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon