The truth
I force myself not to cry with him, instead I hugged him back that made him stop for a minute. "This is not an illusion, Casthan... I'm real." I said gently. Natigil siya sa pagsinghot at dahan-dahang humiwalay ng yakap at tinignan ang mukha ko.
I can't read his face, parang naninigurado ito, parang hindi parin siya naniniwala. He held my face, paulit ulit niyang hinaplos iyon, mula mata pababa ng ilong at pati ang aking labi ay binakas niya gamit ang kaniyang daliri. Halos mapapikit ako sa gaan nito. He's touching me like I'm the most fragile thing in the world.
"J-Jaime..." Bulong niya. "B-Bakit ngayon ka lang?" Pumiyok siya sa kaniyang tanong, I can feel his pain. Parang bata siyang nagtatanong ngayon sa akin.
Hindi ako sumagot at tahimik naring lumuluha habang nakatingin kami sa isa't isa.
Suminghot siya at pinunasan ng paulit-ulit ang mga luha ko. "D-Don't cry... I don't want to see you crying..." Malambing niyang sinasabi. Mas lalo lang akong naiyak, kinukurot ang puso ko habang tinitignan siyang pilit na ngumingiti habang pinapatahan ako sa pag-iyak.
Gusto niya akong matigil sa pag-iyak, siya nga itong halos basa na ang mukha sa pagluha.
Umangat ang kamay ko upang punasan ang mukha niya, pumikit siya at dinama ang dampi ng kamay ko. "Stop crying too. Nandito na ako." I said sweetly but he just cried more. Parang gripo ang kaniyang luha.
He pouted at me. "B-Bakit ang tagal mong nawala? Araw araw kitang h-hinihintay!"
I stared at him and caressed his hair, ignoring his question. "Ang haba na ng buhok mo. Pinapabayaan mo sa ang sarili mo?" Mahinahon kong tanong. He pouted more as more tears sprouted from his eyes.
"It's your fault. Kung hindi mo ako iniwan, hindi ko mapapabayaan ang sarili ko. A-Are you mad at me 'cuz I'm not handsome anymore?" He asked like a kid. Napangiti ako, where did you get this side, Casthan?
"Oo, I'm mad. Kaya lilinisan kita. Maglilinis tayo ng kwarto mo. Tignan mo ang gulo-gulo!" Pinakunot ko ang noo ko at nagkunwaring kalat.
Yumuko siya, parang nagpapaawa. "B-But... I want us to talk..."
"We'll talk later. Ayaw ko sa magulong kwarto at baka umalis ulit ako--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay halos mapa-atras na ako sa sama ng tingin niya sa akin.
"No!" He growled and held my arm tightly. "You will not leave me." Mariin niyang sabi habang nag ngingitngit ang mga ngipin. His eyes were red. Bigla ay nag-iba ang kaniyang itsura. Kung kanina ay sobrang amo, now, he's like a monster that can hurt anybody... even me.
Kumurap-kurap ako. "N-Nasasaktan ako..." And in a second, muli na naman itong bumalik kanina. Parang bigla siyang nagising at napadapo ang mata niya sa braso kong mahigpit niyang hinahawakan. Napatingin din ako doon at nagulat ako sa itsura ng braso ko. Agad itong nagkulay lila at medyo namumula-mula pa. Ang kaniyang mga tila-bakal na daliri ay nakabakat 'don.
Agad niya itong binitawan at napapasong lumayo sa akin. He looked shock. Parang gulat na gulat siya sa kaniyang ginawa. Parang hindi siya makapaniwala na ginawa niya sa akin iyon.
Nanginig ang kaniyang labi at panibagong luha ang umahon sa kaniyang mata. "I've hurted you..." Aniya at sinabunutan ang sarili. His eyes were dilated. "FUCK!" Napasigaw ako ng pagsusuntukin nito ang pader. Parang pinaparusahan ang kamay sa ginawa.
Agad akong lumapit sa kaniya at inawat siya. "Stop it, Casthan!" Ngunit hindi parin siya tumigil, natulak niya pa ako. "P-Please..." Nabasag ang tinig ko kaya doon siya napatigil. Hingal na hingal siya at hindi man lang niya nararamdaman ang tumutulong dugo sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...