Kuya Jaime
Dumating ang umaga at nakapag-ayos na ako para sa trabaho. Bumalik ulit kasi ako sa hospital, at sa ngayon ay puro bata na may OCD ang binabantayan ko.
Nakita ko si Jusa na nakaupo sa rocking chair ni Nanay habang nakatulala at hawak ang tiyan.
Lumapit ako sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Agad siyang tumayo at ngumiti, "M-Magandang umaga, Jaime. Pasensya na kung nakiupo ako sa--"
"Ayos lang. Feel at home, Jusa." Putol ko sa sinasabi niya at natawa. Nasaan na ang Jusa na malakas ang loob at masayahin?
Pumula ang mukha niya at umiwas ng tingin. "B-Bakit ka tumatawa?"
"Hindi lang ako sanay na ganyan ka. Namiss ko yung dating Jusa. Yung lagi ako sinasalubong ng yakap at isisigaw na asawa ako." Sumimangot siya at nagulat ako dahil naiiyak na siya habang nakatingin sa akin.
"P-Paasa ka! Kung sinagot mo na ako dati, hindi ako magkakaganito! E 'di sana naging tayo at ikaw ang nakabuntis sa akin! Nakakainis ka! Nakakainis kayo ng boyfriend mo!" Umiiyak na sabi niya at pinaghahampas ang dibdib ko. Natawa ako sa sinabi niya, ganoon din sa itsura niya. Ganito ba talaga pag buntis?
"Sorry, Jusa. Sa kanya nahulog puso ko 'e. May mas better pa naman na lalaki para sayo. Saka bakla ako, gusto mo parin ba ako?"
Suminghot siya at pinunasan ang mata, ang sama ng tingin niya sa akin. "Oo! Anong tingin mo sa feelings ko sa 'yo? Isang malaking joke?! Ang bobo ng puso mo! Bakit sa iba pa nahulog 'e nandito naman ako!" Muli akong tumawa at ginulo ang buhok niya. Pinunasan ko ang mukha niyang puno na naman ng luha.
"Para na kitang kapatid, Jusa, ganoon din si Butchoy. Mabait ka kahit luka-luka ka minsan. Maraming nagkakagusto sayo na mas deserve ang feelings mo, ang ganda mo at ang ugali mo. Naiintindihan mo ba ako?"
Umirap siya. "Oo, ang dami mo pang sinasabi. Pwede mo namang ideretso na ayaw mo talaga sa akin."
Pinisil ko ang ilong niya. "Ang kulit mom Ganyan ba talaga pag buntis?" Muli lang siyang umirap sa 'kin na ikinatawa ko. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya na hindi halata dahil malaki ang t-shirt na suot niya.
"Pwede ko bang hawakan ang tiyan mo?" Napatitig siya sa akin bago tumango. Dahan dahan ko namang nilapat ang kamay ko sa tiyan niya. Ngumiti ako nang maramdaman ko ang baby bump niya.
"Ilang months na 'to?"
Umiling siya, "Hind ko pa alam 'e. Hindi pa kasi ako nagpapacheck up."
"Gusto mo bang samahan kita? Magpacheck-up tayo bukas, day off ko din naman."
Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga?" Tumango ako at natawa sa parang batang reaksyon niya.
Tumalon siya na ikinagulat ko tapos ay yumakap sa akin. "Thank you, K-Kuya." Natigilan ako at nakaramdam ako ng saya sa sinabi niya.
Niyakap ko siya pabalik. "That's better. Simula ngayon, tatawagin mo na akong kuya ha?" Humiwalay an ako ng yakap at tinignan siyang umiiwas ng tingin sa akin. Ang pula na naman ng mukha niya.
"A-Ang awkward. Yung gusto kong lalaki, ngayon kuya ko na." Parehas kaming natawa sa sinabi niya. "Aalis ka naba?" Tanong niya.
Tumingin ako sa oras tapos ay bumaling sa kanya. "Oo, oras na pala. Bakit?"
"May sasabihin sana ako pero mamaya na lang pagkauwi mo." Tumingkayad siya at hinalikan ang pisngi ko. "Ingat ka, K-Kuya." She shyly said. Napangiti naman ako.
"Thank you. May phone ka ba?" Tumango siya kaya nilabas ko din ang cellphone ko. "Lagay mo number mo." Ani ko at hinayaan siyang magtype ng number niya. Pagkatapos 'non ay tinawagan ko siya. Nagulat naman siya at agad kinuha ang phone sa bulsa.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...