Chapter 31

20.7K 675 48
                                    

Dedicated to @crazyrose20, @Miya_25 and @ccriselleamor. Thank you for your lovely comments and messages! Haha! Luvlots! 💙

Resign

Kulang ang aking tulog sa buong magdamag dahil sa sinabi ng ama ni Casthan. Kaya tinanghali na ako ng gising. Agad kong kinapa ang katabi ko at nalaman kong wala si Casthan.

Agad akong bumalikwas ng bangon at dumiretso ng banyo upang maligo.

Pagkababa ko ay nakita ko ang magaama sa lamesa na mukhang may pinaguusapan.

Agad akong napahinto nang dumako sa akin ang paningin ng kanilang ama.

Isang ngisi ang iginawad niya sa akin, "Our special guest is awake," Malakas nitong wika kaya napalingon din sa akin ang dalawa.

Uminit ang pisngi ko sa hiya. Si Casthan naman ay agad lumapit sa akin at iginiya ako paupo sa tabi niya.

"Good morning..." Bulong niya sa akin at hinalikan ang noo ko. Isang pagbagsak ang naramdaman namin.

"Respect the food. You're disgusting." Mariing wika nito. Napayuko ako at naramdaman ko ang paghawak ni Casthan sa aking kamay.

Pinisil niya ito, "Don't mind him, babe." Aniya at ngumiti lang ako ng pilit.

"What do you want to eat?" Tanong ni Casthan habang nilalagyan ako ng kanin. Bago pa ako makasagot ay muling nagsalita ang kanyang ama.

"And when did you start to be his maid, Casthan? Ang alam ko, siya ang pinapasahod dito. Bakit ikaw ang naninilbihan?" Marahas na tanong ng ama at nanlilisik na matang tumingin sa akin.

"You! I don't know why are you still staying here. Magaling na ang anak ko at hindi na niya kailangan ang walang kwentang katulad mo. Palamunin ka namin?" Agad kong naramdaman ang pag-iinit sa gilid ng mata ko. Hindi ako kumibo at pigil ang luhang tinitigan na lamang ang pagkain na nasa harapan.

Kahit kailan ay hindi ako napahiya ng ganito. Pero kakayanin ko para sa amin ni Casthan. Kahit na gustong gusto kong ipaglaban ang sarili ko, hindi ko gagawin dahil gusto ko ang matanggap niya ang relasyon namin.

Umpisa pa lang 'to, tapos sumusuko ka na, Jaime?

"Casthan is not still fully healed, dad. And they are in relationship now, its normal if they live here together." Sabi ni Nathan.

Napapikit ako ng mariin dahil sa paghampas ng ama nila. "It's not! This is my fucking house and you dared to let that disgusting boy live in this house? Isa ka pa, Nathan, I thought you were different from your twin. I'm so disappointed." Matigas nitong sabi at umalis na hindi man lang nakakalahati ang kinakain.

"I'm really sorry for my father, Jaime. Wag mo na lang siyang pansinin." Ilang sandali ng katahimikan ay nagsalita si Nathan. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Okay lang, I understand. Una palang, alam ko nang magiging mahirap 'to. And... I want to resign. Tama ang ama niyo, hindi ko din alam kung bakit nandito pa ako sa pamamahay niyo. My work is done. Magaling na si Casthan, hindi na niya ako kailangan." Mahina kong sinabi at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Casthan.

"What are you saying? You will not resigning and you will not go home." Mariin nitong sabi at muling kinuha ang kamay ko.

I stared at him blankly. Wow. Sa wakas at nagsalita din siya. I never expected that Nathan would save me. Akala ko si Casthan ang ipagtatanggol ako mula sa mga sinabi ng kanyang ama ngunit kahit isang salita kanina ay wala akong narinig. Hinayaan niya lang akong insultuhin ng ama niya sa harapan niya.

I'm not being a demanding here. Gusto ko lang naman na may magsasalita para sa akin. Umasa kasi ako na ipagtatanggol niya ako, pero ayon, umasa lang ako.

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon