Liar
Two days. Two days na akong nakaleave sa work ko. Ngayon pa kasi ako nilagnat. Tsk, ang bago bago ko sa trabaho tapos ganito pa nangyari.
Hinigit ko ang kumot ko at mas iniyakap iyon sa akin. Hindi naman na ako gumagamit ng kahit anong pampahangin pero ang lamig lamig parin.
Tumunog ang cellphone ko, hirap mang gumalaw ay kinuha ko 'yon. I received a text from Doctor Craine,
Siya:
Mr. Jaime, you're patient is looking for you. Are you feeling better now?Hindi ako makapag isip nang ire-reply. Wala na din kasi akong masabi dahil 'don. Ano kayang reaksyon ni Mr. Castro? Hindi ko natupad yung pangako ko kaya siguradong maraming bagay ang pwedeng gawin 'non.
Binalot ako ng kaba, gusto ko mang pumasok na talaga ngunit hindi talaga kinakaya ng katawan ko. Ang bigat sobra.
Napatingin ako sa pinto nang magbukas iyon. Nakita ko si Nanay na papunta sa akin at may dalang gamot.
Hinipo niya ang leeg ko, "Ang taas parin ng lagnat mo. Dalhin na kaya kita sa hospital?" Nag aalala ang tono niya.
Umiling ako, "Hindi na, Nay. Pangkain na lang po natin iyon. Nasaan na sina Butchoy?"
Umupo siya sa gilid ng manipis na higaan ko tapos ay hinaplos niya ang aking buhok, ngumiti siya ng malungkot. "Pasensya na, anak. Nahihiya na ako kasi ikaw na ang tumatayong tatay sa bahay na ito.
Kumunot ang noo ko, "Nay, lalo lang niyo pong pinapabigat ang pakiramdam ko 'e." Bumuntong hininga ako, "Ilang beses ko bang sasabihin sayo, 'Nay? Pamilya tayo... at ang pamilya nagtutulungan. Ang importante ay magkakasama tayo, kahit wala na si tatay." Napaluha siya at agad ding pinunasan 'yon.
Ngumiti siya ng mapait, "Nakakainis kasi iyang tatay mo, iniwan tayo agad." Suminghot siya at muling pinunasan ang luha. "Pasensya na, 'nak, kung ang drama ko 'ha? 'O ito, kumain kana, nagluto ako ng sinabawang isda. Gusto mo bang subuan kita?"
Umiling ako at ngumiti, "Wag na, 'nay. May lagnat lang po ako at hindi baldado." Pinilit kong umupo at kinuha ang dala niyang pagkain. "Sige na, 'Nay. Pwede na kayong bumaba, bantayan niyo na po si Butchoy."
Sumimangot siya, "Pinapaalis mo lang ako 'e."
"Oo, 'nay. Paano mo nalaman?" Tumawa ako, imbes na magalit siya ay nakitawa siya sa akin bago halikan ang noo ko.
"Sige na, aalis na 'ko. Mag pagaling ka ha? Babalik ako mamaya. Wag mo kami masyado pinagaalala."
"Opo." Tuluyan ng lumabas ang nanay ko sa kwarto.
Bumuntong hininga ako at inumpisahang kumain, wala akong gana pero pinilit ko kesa naman itapon ang inihanda sa akin ni Inay.
Si Inay na lang ang tumatayong magulang sa aming magkapatid. Dalawang taon narin ang nakalipas simula nang iwan kami ni Tatay. Namatay siya dahil sa kanyang malalang sakit na stage 4 cancer.
Wala kaming nagawa 'non para maipagaling siya dahil walang wala din kami. Si Tatay lang ang bumubuhay sa amin. Wala din kaming ibang kamag anak dito.
Sana kasi noong una pa ay sinabi na ni Tatay ang karamdaman niya para may nagawa kami ngunit huli na kasi, hindi pa namin malalaman kung hindi siya nahimatay sa harap namin.
Sinugod namin siya sa hospital ngunit dead on arrival na siya at doon na nga namin nalaman na hindi na kinaya ng katawan niya ang stage 4 cancer.
Isang buwan kami naghinagpis sa kanyang pagkawala, lalo na si Nanay na araw araw nagkulong sa kwarto pagkatapos ng burol ni Tatay.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...