Courting
"Kaya mo pa bang mag-drive?" Tanong ko kay Casthan nang makasakay siya sa driver seat.
Bumaling siya sa akin, iritado. "Of course. You don't trust me?" Aniya at lumapit sa akin.
Suminghap ako at tinitigan ang ginagawa niya. Nalasing ako sa kanyang mabangong amoy habang inaayos ang seatbelt ko.
Halos magkanda-duling na ako sa lapit ng mukha niya sa 'kin. Umangat ang paningin niya para salubungin ang akin. He smiled at me at nagulat ako ng halikan niya ako sa labi.
He patted my head, "Safety first, babe." Aniya. Tulala akong tumango at namamangha pa rin sa ginawa niya. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.
Pinaandar na niya ang kotse habang ako naman ay ibinaling ang tingin sa harapan. Nakalabas na kami ng village nila nang maramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa palad ko.
Napangiti ako at napasulyap sa kanya. "Hm?"
"I'm hungry, we didn't take breakfast earlier. Mag drive-thru na lang tayo. Is it okay with you?" Tumango ako. Kanina ko pa din kasi nararamdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi na ako nakakain ng almusal dahil mas inuna kong isipin kung paano ako makakapag-paalam sa kaniya.
Pinakawalan niya ang kamay ko at inilagay sa hita niya. He maneuvered the car, then I saw that we're going to Mcdo Drive-thru.
May dalawang sasakyan pa sa unahan bago kami kaya naisipan kong i-text ang nanay ko.
Inalis ko ang kamay ko sa hita ni Casthan at narinig ko ang mahina niya pagreklamo. Hindi ko siya pinansin at inilabas ang phone ko. I started to type a message kahit ramdam ko ang mainit na titig sa akin ni Casthan.
Ako:
Magandang umaga, 'Nay! Pauwi po ako ngayon at may kasama po ako."Who are you texting?" Rinig kong tanong ni Casthan. Iritado na naman. Bago pa ako makasagot ay tumunog ang phone ko.
Nanay:
Sino? Naku! Buti na lang nakapaglinis ako. Mag-ingat kayo sa biyahe, anak. Si Butchoy, excited ng makita ka.Napangiti ako habang nagre-reply.
Ako:
Yung amo ko, 'Nay. Miss ko na din kayo. Text na lang po ako pag malapit na kami.Ibinalik ko na ang cellphone ko at bumaling kay Casthan. Halos mapaurong ako sa upuan dahil sa sama ng tingin niya sa akin.
Tumawa ako nang mapagtanto kung bakit ganito ang reaksyon niya. Agad kong kinuha ang kamay ni Casthan at hinawakan.
"Si Nanay 'yon, Casthan! Bakit ba ang sama ng tingin mo?" Ani ko at tumawa ulit.
Umirap siya. "Make sure of it or else..."
"Ang seloso mo!"
"Whatever. Anyway, what do you want to order?"
Ngumiti ako, "Bahala ka na, Casthan."
He frowned at me, "Ano nga?"
"Ito naman, galit agad. I want rice,"
"Tss." Nag-react pa siya bago buksan ang bintana. Umiling ako at napatawa sa kanya.
Kita ko ang kinang sa mata ng staff habang kinukuha ang order namin. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
I tried to smile at her at nakita ko ang pagkatulala nito sa akin. Samantalang si Casthan naman ay humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Hello, Miss? Are you listening?" Iritadong tanong ni Casthan. Napakurap-kurap ang babae at humingi ng pasensya.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...