Monster
"Totoo ba 'yon, anak?" I snapped out from my reverie when I heard my mother spoke.
Napakurap-kurap ako at hindi alam kung tatango o iiling, ngunit mas pinili ko na lang ang huli. Hilaw akong tumawa, "Hindi po, 'Nay. Ganyan lang po talaga ang amo ko, palabiro." Kahit hindi ko tignan si Casthaniel ay alam kong naka-kunot na ang noo nito.
"Ganoon ba? S-Sige. Jaime, umupo muna kayo sa sala. Ihahanda ko na ang pagkain." Ani nito at tinalikuran kami.
"Kuya! Baba! Gusto ko pong tulungan si Nanay." Sumabat ang aking kapatid. Ngumiti ako sa kanya bago siya ibaba.
"Ang bait naman ng kapatid ko," Panunukso ko at tumawa lang siya tapos ay tumakbo para sumunod kay Nanay.
Nang mawala na siya sa aking paningin ay tinignan ko si Casthan. Halos manlamig ako ng masalubong ko ang tingin nito.
Tumikhim ako, "T-Tara, upo muna tayo."
Hindi siya kumilos at nanatili lang ang madilim na titig sa akin. "Are you ashamed of me, Jaime?" Seryosong tanong nito.
"O-Of course not!" Utal kong sagot. Nagtiim ang bagang nito at nilapitan ako lalo. Hinapit niya ako sa bewang at niyuko ang ulo. Naamoy ko ang mabango niyang hininga.
"I already told you that I will court you, then you told to your Mom that I was just joking. What the hell was that? Are you fucking with me, Jaime?" Naduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa ramdam ko ang init ng katawan niya.
Umiling ako, "I-I'm sorry, akala ko kasi nagbibiro ka lang kanina."
He tsk-ed, "Stupid. I already said too that I'm falling for you, isn't that enough proof to show you that I'm serious?"
Kumabog ang dibdib ko at bumaba ang tingin sa mapula niyang labi. Pumikit ako ng mariin at lakas loob na dinampian iyon ng halik.
"S-Sorry, b-babe. I'll just explain this later to my Mom. Is that okay to you?" Lumiit ang boses ko. Pinanuod ko ang pag-awang ng labi niya at ang pagdila niya sa pang-ibaba nito. Pumungay ang mata niya at siniil ako ng magaan na halik.
"Yeah, that's good, babe." Aniya tapos ay hinalikan pa ang noo ko. Uminit ang puso ko at hindi maalis ang ngiti sa labi.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa maliit na sala namin. Pinaupo ko siya at kinuha ang hawak niyang mga plastik. Nakalimutan kong sabihin kayna Nanay na may dala pala kaming pagkain.
Mamaya maya pa ay bumalik na sina Mama, tinulungan ko na rin silang maghain at kumuha ako ng maiinom sa kusina at bumalik sa tabi ni Casthan.
Akmang hahawakan na ni Casthan ang kutsara nang kurutin ko ang hita niya, napatingin siya sa akin at kumunot ang noo.
"Anak, lead the prayer." Ani ni Inay kay Butchoy na mukhang kain na kain na.
Pumikit si Butchoy at nag-sign of the cross, ganoon din kami, sinulyapan ko si Casthan at nakita ko ang mangha sa mata nito. Nang matapos ang kapatid ko ay kinuha ko ang plastik na dala namin ni Casthan at inilabas ang laman 'non.
"Wow, mcdo!" Tuwang tuwa na sigaw ni Butchoy, sinaway naman siya ni Nanay dahil sa ingay niya.
"Binili ni Casthan, 'Nay. Para daw po sa inyo," Paliwanag ko dahil sa nagtataka niyang tingin sa akin.
"Naku, nag-abala ka pa, Sir Casthan. Pero salamat po." Bahagya pa itong yumukod. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Casthan.
"You can call me by my name, Tita. You can treat me as your son, because I'm courting Jaime. And he will be my husband soon." Dire-diretsong saad ni Casthan at inumpisahan ng kumain.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...