Chapter 13

23.1K 815 38
                                    

Nathaniel

Dumating ang order namin at gumugulo parin sa isipan ko ang tanong na 'yon. Ipinilig ko ang ulo, nagbabakasakaling maalis iyon.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko siyang tumikhim. Nakita ko si Mr. Craine na nagtatakang nakatingin sa akin.

"You okay?" He asked. Tumango lamang ako ibinagsak ang tingin muli sa pagkain. Nawalan ako ng gana pero pinilit kong sumubo para hindi makabastos sa kanya.

"You seems not." Then he sighed, "Don't tell me, you got affected to what I said earlier?" Tanong niya pa.

Kumunot ang noo ko at umiling lamang. Ayokong magsalita dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko. Pero tama siya, naapektuhan ako kaya ngayon ay gulong gulo ang isipan ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana at tumingala para tignan ang silid ni Casthan mula dito. Gising na kaya siya?

Bumalot sa katawan ko ang pag-aalala. Baka kasi magwala na naman 'yon dahil hindi ko tinupad ang usapan naming dalawa.

Binagsak ko ang tingin sa pagkain at pinilit na bilisan ang ubusin ito. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Mr. Craine kaya hindi ko mapigilang mag-angat ng tingin sa kanya.

Tumaas ang kilay niya, "Nagmamadali ka?" Tanong niya at tumango lamang ako.

Nagulat ako ng humagalpak siya ng tawa. "You're so cold! What happened?" Nalukot ang aking mukha sa reaksyon niya. Ano nakakatawa sa pagiging cold ko?

Humigop ako ng kape at umayos ng upo, tinignan ko siya ng seryoso kaya unti unting napawi ang tuwa sa mukha niya.

Tumikhim ako at tumayo na, bahagya akong yumuko, "I'm sorry, Mr. Craine, but I need to go." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dire-diretso nang lumabas ng Pancake House.

Narinig ko pa ang ilang beses niyang pagtawag sa pangalan ko pero nagbingibingihan ako at mas binilisan ang paglalakad. Halos tumakbo na 'ko para hindi ko na siya marinig. Naiirita ako sa kanya!

Pagkasakay ko ng elevator ay agad kong pinagpipindot ang button para masarado 'to, baka kasi makahabol pa si Mr. Craine at kulitin na naman ako.

"Easy there, boy..." Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng boses. Hindi ko siguro napansin na may kasama pala ako sa sobrang pagkainis ko.

Humarap ako dito parang humingi ng paumanhin ngunit nabitin ang aking pagsasalita at naiwang nakanganga ang aking bibig sa nakita.

Namutla ako at nanginig ang kamay habang tinuturo siya, "C-Casthan?"

Kumunot ang noo nito at hindi umimik, tinitigan nito ang mukha ko, ganoon din ako sa kanya. Umiling ako sa sarili at agad na ibinaba ang kamay ng may napagtanto.

"You're not Casthan." Sabi ko. Ngumisi 'to at humalakhak sa sinabi ko.

Humakbang siya palapit sa akin at mas inilapit ang mukha sa akin. Nalukot ang aking mukha sa disgusto at umatras. Iniharang ko agad ang aking kamay sa pagitan namin. Lalong lumakas ang tawa niya.

"How did you know?" Anito at pinagisipan ko pa kung sasagutin ko ang estrangherong katulad niya pero sa huli ay 'ganon ang ginawa ko.

"You have this playful aura and Casthan is not. He's cold and snob." Kinontrol ko ang sarili na magsabi pa ng marami lalo na nang makita ko ang kanyang malawak na ngisi.

"Well... that's new. The other people is having a hard time to describe who's Casthan and who is me. But then... there is you... just like our friend Caius." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi nito. Muli akong nakaramdam ng inis. Bakit ba nila ako ikinukumpara sa Caius na 'yon?

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon