Last time
Nang tumapat ang taxi sa harapan ng building kung saan nakatira si Casthan ay bumaba na ako.
Hindi ko pa malalaman na mayroon na pala siyang condo kung hindi ako nagtanong kay Nathan kanina. Hindi pa daw pala ito umuuwi sa bahay mula noong business trip at dito na nga daw nags-stay. Buti na lang talaga ay nagtanong ako sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga bago humakbang papasok doon at dumiretso sa reception para magtanong.
"Good evening, Sir!" Bati sa akin nito nang makita akong papalapit. Maliit akong ngumiti at binigay ang I.D ko.
"May I know where is the unit of Casthan Castro?" I asked politely.
"Of course, Sir. I'll just check it." Anito at tumingin sa isang list. After a few minutes, bumaling muli ito sa akin. "Unit 16, 4th floor po."
Tumango at ngumiti ulit. "Thank you." Naglakad na ako papasok sa elevator at tulad ng sinabi kanina ng receptionist ay pumunta ako sa fourth floor.
Agad bumungad sa akin ang unit number na 16 pagkabukas ng lift. I inhaled before I pressed the buzzer. Naghinatay ako ng ilang minuto upang magbukas ang pinto ngunit walang nangyari.
Muli akong pumindot ngunit ganoon parin. Bagsak ang balikat ko at napaupo sa gilid ng pinto. Hindi ko natanong sa receptionist kung nandito ngayon si Casthan.
Hihintayin ko na lang siyang magbukas ng pinto o kaya ay dumating. Baka kasi hanggang ngayon ay kasama parin nito ang babae.
Ano kayang ginagawa nila ngayon?
Piniga ang puso ko sa naisip. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at sinubukang tawagan ang number ni Casthan ngunit walang sumasagot dito. Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Casthan, nasa labas ako ng unit mo. Let's talk, please.I hit send. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghintay sa reply niya, basta ang alam ko ay unti-unti akong nakatulog habang nakadukdok sa tuhod ko.
NAGISING ako sa tunog ng elevator. Agad akong tumingin kung sino ang nandoon at nakita ko ang dalawang magkasintahan na papalabas. Sa ikalawang pagkakataon ay bumagsak ang balikat ko. Akala ko si Casthan na.
Tumingin ako sa phone at bahagyang nanlaki ang mata ko dahil ala-una na pala ng madaling araw. Apat na oras akong naka-idlip? Kaya pala ang sakit ng katawan ko pagkagising.
Umayos ako ng upo at niyakap ang binti ko. Wala parin siyang reply hanggang ngayon.
Nasaan ka na ba, Casthan?
Kinagat ko ang labi nang maramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng mata ko.
Muling tumunog ang elevator kaya agad akong bumaling doon. Parang bumagal ang oras habang dahan dahang bumubukas iyon at bumungad sa akin si Casthan... na kahalikan si Sabrina.
Para silang sabik na sabik sa isa. Hawak ni Casthan ang batok ng babae habang ang isang kamay ay humahaplos sa bewang nito pababa.
"Hmm, Casthan..." Ungol ng babae. Dinurog ng pinong pino ang puso ko at naninikip ang dibdib ko.
Pigil ang luha ay tumayo ako at naagaw ng atensyon nila iyon. Gulat ang rumehistro sa mga mukha nila ngunit agad din nawala ang kay Casthan. Wala na naman itong emosyon habang nakatingin sa akin.
Lumapit silang dalawa, nanatiling magkadikit ang katawan.
"What are you doing here?" Malamig na sabi ni Casthan. Humagikhik naman ang babae sa tabi niya. Parehas na pula ang mukha nila kaya panigurado akong nakainom sila.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
Genel KurguCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...