Chapter 5

781 23 0
                                    

Ilang buwan na ang nagdaan at sobrang busy namin dahil malapit na ang exam namin. Ang bilis talaga ng panahon, kailan lang first day of school pa lang pero ngayon malapit na ang exams. Kailangan ko magaral ng mabuti dahil ayaw kong bumagsak sa lahat na subject ko. Sayang ang lahat na pinaghirapan ko simulang 1st year, no! Pero kailangan ko rin turuan si Dante sa mga lesson namin. Hindi kasi marunong makinig ang lalaking ito sa mga teacher namin, eh at mabuti na lang ay hindi naman niya ako pinahihirapan magturo dahil naiintidihan naman niya ang tinuturo ko. Isang araw nga ay pumunta si mr. Martinez sa library kung saan kami madalas pumupunta ni Dante para turuan siya ng lesson namin. Mas lalo tuloy akong ginanahan turuan ang lalaking ito kapag nakikita ko ang kapatid niya.

Si Mich naman ay nasa malayong table pero binabantayan niya kami ni Dante, para ko nga siyang bodyguard. Wala kasi siyang tiwala kay Dante kahit noon pa.

"Dante, let's make a deal."

"Deal? Tungkol saan naman ang deal na iyan?" Tanong niya sa akin.

"Kapag ikaw nakasali sa top ay may reward ka sa akin."

"Anong reward naman ang ibibigay mo sa akin?"

Napaisip ako bigla. Ano kaya ang reward na ibibigay ko sa kanya kapag nakasali siya sa top ngayon?

"Ikaw, ano ba ang gusto mo maging reward?"

"How about... Um, be my girlfriend."

"Excuse me?" Kumunot ang noo ko sa kanya. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito ah. "Pumayag ako maging tutor mo pero hindi ako papayag na maging girlfriend mo. Kilala kang certified playboy, Dante. At magkaibigan ang mga kuya natin."

"Ano naman kung magkaibigan ang kapatid natin? I don't consider him as my brother, after all."

"Kahit na. Kapatid mo pa rin si mr. Martinez."

"Mahirap ba akong mahalin?"

"Yes, dahil isa kang playboy. Araw-araw ay iba-iba palagi ang kasama mong babae at isa pa iniiwasan ko ang gulo dahil maraming babae ang maiinis sa akin kapag nalaman nilang naging girlfriend mo ko."

"We can tell them the truth, Faye."

"At saka maraming babae diyan. Bakit ako pa ang gusto mong maging girlfriend?"

"I don't know."

"You don't know? O baka naman may balak kang saktan rin ako katulad ng ginagawa mo sa ibang babaeng pinagsawaan mo na. Ibahin mo ko sa kanila, Dante."

Walang pasabi ay umalis na sa harapan ko si Dante. Bastos rin ang lalaking iyon ah. Tsk.

"Nasaan ang estudyante mo?" Binaling ko ang nagsalita sa tabi ko.

"Iniwanan ako."

"Bakit ka naman iniwanan ni Dante?" Tanong ni Mich pagkaupo sa silya kung saan nakaupo si Dante kanina.

"Hindi ko alam sa lalaking iyon. May mood swing yata."

"Huwag mo na isipin iyon. Bahala na siya sa buhay niya kung bumagsak siya sa darating na exam natin."

Hindi na ako umimik dahil inaayos ko na ang mga gamit ko bago kami umalis ni Mich sa library. Malapit na rin gumabi. Palagi na lang ganitong oras ang uwi ko sa bahay dahil tinuturuan ko si Dante.

Habang naglalakad kami ni Mich ay hindi mawala sa isipan ko ang gusto mangyari ni Dante. Maging girlfriend niya? Psh, ayaw ko nga. Kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay mas pipiliin ko ang tumandang dalaga na lang kaysa sa maging boyfriend niya.

".... ye. Huy, Eugene Faye Silva." Bumalik ako sa katinuan noong marinig ko ang boses ni Mich.

"Bakit?"

"Hay naku... kanina pa akong salita ng salita rito pero hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba gumugulo sayo ngayon? Si Dante ba?"

"Hindi ah. Bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon?"

"Ewan ko sayo." Kibit balikat niyang sagot sa akin.

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin kaya nagpaalam na si Mich sa akin dahil sa kabilang kanto pa ang bahay nila.

Maging girlfriend...

God. Hindi mawala sa isipan ko ang salitang iyon. Ano ba nakain ng lalaking iyon at ako ang naisipan niyang maging girlfriend? Isa lang naman akong normal na estudyante sa school campus at walang wala ako sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya kapag makita siyang dumadaan sa hallway.

Iba na talaga ang generation ngayon.

Kinaumagahan ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Dante sa akin kahapon.

Bwesit ka, Dante!

Tapos na ako magaksikaso para papasok na ako sa school. Kumuha na rin ako ng isang toasted bread bago lumabas ng bahay pero laking gulat ko ng may nakita akong kotse sa tapat ng bahay namin. Baka nakipark lang siya sa tapat namin dahil mahirap naman mag-park rito kung wala naman siyang bahay rito sa lugar namin.

Pero teka, familiar sa akin ang kotseng ito ah. Saan ko ba ito nakita?

May nakita akong bumaba na sa kotse at mas lalo akong nagulat sa aking nakita.

"Dante?!" Tama ang nabasa niyo, si Dante ang bumaba sa kotse. Kaya naman pala familiar sa akin ang kotse dahil kay Dante iyon. "Ano ang ginagawa mo rito? Paano nalaman kung saan ako nakatira?"

"I have my own source, Faye."

"Okay...? Uh, sige. Kailangan ko na umalis." Nauna na akong naglakad sa kanya.

"Sabay ka na sa akin." Alok naman niya sa akin.

"Ilang metro lang ang layo ng bahay namin sa school natin, Dante. Exercise rin ang ginagawa ko sa araw-araw."

"Samahan na lang kita sa paglalakad papasok." Napakurap ako. Seryoso ba siya? Nakita kong bumalik siya kung saan nakapark ang kotse niya. Kinausap niya yung driver niya at bumalik na siya sa direksyon ko. "Let's go."

"Seryoso ka ba?"

"Yep, I'm serious. Gusto ko patunay sayo na handa ako magbago. Kung ayaw mo ng isang playboy ang magiging boyfriend mo."

"What? Seryoso ka ba talaga diyan? Ni hindi nga ikaw ang type kong lalaki at mas lalong hin--" Hindi natapos ang sasabihin ko ng mapansin kong huminto sa paglalakad si Dante. "Huy! Mahuhuli tayo nito."

"Hindi ako ang type mo dahil ang type mo sa isang lalaki ay si kuya." Hindi ako umimik. Paano ba kasi nalaman ni Dante na may gusto ako kay mr. Martinez? Hindi ko naman sinabi sa kanya at mas lalong hindi rin naman sinasabi sa kanya ni Mich dahil may galit sa kanya ang best friend ko. "Tama ako, hindi ba?"

"Hindi ako alam ang pinagsasabi mo diyan." Umiwas ako ng tingin sa kanya at naglakad muli ako. "Kung hindi ka pa maglalakad diyan ay bahala ka na sa buhay mo. Iiwanan na kita."

Ang ayaw ko pa naman ang mahuli sa klase kahit minsan ay huli akong pumapasok dahil puyat ako sa kakapanood ng anime kahit may pasok kinabukasan.

Nagulat na lang ako ng nakahabol si Dante sa akin dahil ang layo na ng nilakad ko.

"Hindi iyon ang tamang sagot, Faye. Nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka nagsasabi ng totoo. Natatakot ka bang malaman ng ibang tao na nagkakagusto ka sa isang teacher?"

"Sino ba ang hindi natatakot malaman ng iba ah? Sabihin mo nga sa akin. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol diyan."

"Sabi ko nga sayo may source ako." Huminto ako sa paglalakad nang nasa harapan ko na si Dante at hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. What the-- erase, erase! Hindi pwede iyon.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon