Chapter 32

375 17 0
                                    

It's already Valentine's Day at back to regular class ang gaganapin ngayon sa school dahil tapos na rin naman ang school festival namin.

Pagkalabas ko sa bahay ay tiningnan ko ang bahay ni mr. Martinez. Hindi ko pa kasi nakikita si mr. Martinez simula natapos ang school festival namin, ni hindi ko pa nga siya nakakausap simulang huling usap naming dalawa noon. Baka naman umalis na siya ng hindi nagpapaalam sa amin. Tinuring na kasi siyang pamilya namin dahil kaibigan naman siya ni kuya Peter.

Napalingon ako dahil sakto ang paglabas ng gwapo kong kuya. Papasok na yata sa trabaho niya.

"Kuya!" Pagtawag ko sa kanya.

"Oh? Huwag mong sabihin sa akin na sasabay ka sa pagpasok. Malapit lang ang paaralan mo, Faye."

"Hindi iyon ang sasabihin ko." Tumingin ulit ako sa bahay ni mr. Martinez bago binaling ng tingin kay kuya Peter. "Nagkikita pa ba kayo ni kuya Paul?"

"Hindi mo ba alam kagabi ang flight niya papuntang Japan." Laking gulat ko dahil wala naman sinabi sa akin si mr. Martinez na kahapon ang flight niya. Ang alam ko lang this week ang flight niya at pagkatapos ng school festival. "Hindi pala sinabi sayo ni Paul ang tungkol doon. Huwag ka magaalala ang sabi naman niya ay magbabakasyon naman siya rito tuwing Christmas."

Tumango lang ako kay kuya Peter. Magbabakasyon siya tuwing Christmas eh, ang layo pa noon. 2nd month of the year pa lang kaya matagal tagal pa bago ko ulit makikita si mr. Martinez. Nakakatampo pero wala na rin naman ako magagawa.

Naglalakad na ako papunta sa school namin at siyempre asahan na may mga couples nagkakalat sa daanan. Holding hands, PDA...

Ayaw ko maging bitter dahil wala ako sa mood ngayong araw. Hindi rin naman ako aasa na may matatanggap akong flowers o chocolates ngayong araw.

Speaking of flowers, sana naman magtagumpay si Louie sa plano namin. Kausapin na sana siya ni Mich para makatikim na ulit ako ng libreng pagkain.

Tama iyan, Faye. Ipagpalit ang kaibigan sa pagkain.

Habang naglalakad ako sa hallway ay ang daming pares ng mata nakatingin sa akin ngayong araw. May mali ba sa uniform ko? May naririnig akong bulungan ng ilang kababaihan at sa tingin ko sophomores or freshmen ang mga ito. Hindi kasi ganito ang mga senior year.

"Bes!" Tawag ni Mich sa akin. Nawala na rin yung mga bulungan sa paligid.

"Good morning, girls." Bati ko sa kanilang tatlo.

"Faye, nakita mo na ba ang mga picture sa bulletin board?" Tanong naman ni Nathalie sa akin.

"Hindi pa. Nakalagay na ba doon yung mga pictures natin noong school festival?"

"Yes, girl pero may isang picture na sana huwag ka magbibigla ah." Sabi naman ni Angel.

"Anong picture naman iyon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Imbes sagutin nila ako ay hinila na nila ako papuntang bulletin board.

Ang karamihan na nilalagay dito noong bonfire dance party namin. Kitang kita naman masasayang ang mga estudyante at teacher during our school festival pero huminto ang paningin ko sa isang picture.

OMG! May nakakita sa amin noong hinalikan ako ni Dante.

Sino naman ang gagawa nito?

"Faye." Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Dante told us everything. Isang aksidente lang ang daw ang kaya niya nahalikan noong gabing iyon."

"Kahit isang aksidente nangyaring kissing scene nila ay iyon ang first kiss ng best friend ko." Gigil na sabi ni Mich para bang gusto niyang manakal ng tao sa nangyari.

Ito ba ang dahilan kung bakit ako pinagtitinginan ng mga kababaihan pagpasok ko kanina?

Grabe ka naman kasi ang titig nila sa akin kanina para bang papatay.

"Wala ba talaga kayong relasyon?" Biglang tanong ni Nathalie.

"Wala kaming relasyon ni Dante pero may plano siyang ligawan ako pagkatapos ng school festival natin." Sagot ko. Ayaw ko na rin naman kasi maglihim sa kaibigan ko. Siguro napapansin na rin ng karamihan na halos kami na ni Dante ang magkasama sa paguwi, hindi na si Mich ang kasabay ko. "Tara na nga. Baka mahuli pa tayo sa first class natin."

"Pumayag ka naman, bes?"

"Wala naman masama kung bigyan ko siya ng chance mangligaw sa akin. At sinabi na rin naman niya na huwag ko na muna siya sagutin dahil handa naman siyang maghintay."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nakikita mo naman siguro yung mga kababaihan kanina, kung magbubulungan sana yung hindi natin maririnig."

"Inggit lang sila, Mich. Hindi kasi nila tanggap na si Faye ang gusto ni Dante, hindi sila." Sabi naman ni Angel.

"Subukan lang nila saktan si Faye dahil hindi nila magugustuhan ang bangis ng isang Michelle Lopez." Halatang galit si Mich sa nangyayari. Kulang na lang may apoy lumabas sa paligid niya katulad sa isang anime kapag nagagalit.

Bakit pakiramdam ko pwede maging kontrabida si Mich sa theater club?

Nang makarating na kami sa tapat ng classroom ay nagulat ako ng salubungin kami ni Dante.

"Hi, Faye. Good morning." Nakangiting bati sa akin ni Dante.

"Good morning rin sayo." Bati ko rin sa kanya pero naririnig ko ang mahinang tili nina Angel at Nathalie. Paano ko nalaman na sila iyon? Malabong tumili si Mich sa aming dalawa ni Dante. Hindi fangirl ng love team namin.

Charot! Love team talaga?

Spell ASA?

A-S-S-U-M-M-I-N-G

"For you nga pala." May inabot siya sa akin isang stem ng red rose.

"Alam mo naman bawal pumitas ng bulaklak sa garden, diba?"

"Hindi ko iyan pinitas. Kung pinitas ko iyan ay sana nasa principal's office na ako ngayon at binili ko iyan kanina sa labas. Happy Valentine's day."

"Nagabala ka pa. Wala akong maibibigay sayo."

"Okay lang. Basta yung pinangako mong kakain tayo mamaya ah. Huwag mong kalimutan."

Tumango na lang ako. Ayaw ko naman kasi hindi tuparin ang pinngako ko sa kanya noong isang gabi. May isang salita ako. Kapag umoo na ako talagamg gagawin ko.

"After school pa naman iyon." Nakangiting sagot ko sa kanya. Kahit hindi ako nakatingin kay Mich ay alam kong nagulat siya sa kanyang nakikita.

"Okay. Kita na lang tayo mamaya." Bumalik na muli si Dante sa desk niya at kinausap na niya ngayon si Louie.

"Bes, umamin ka nga sa akin. Nagkakagusto ka na ba sa playboy na iyon?"

"Hindi pa. Sabi ko nga kanina wala naman masama kung bibigyan ng chance." Sagot ko habang nilalagay ang isang stem ng rose sa bag ko. First time ko makatanggap ng flower sa araw ng mga puso.

"Hindi pa? May balak ka bang sagutin siya pagkatapos natin sa pagaaral? O baka naman magugulat na lang kaming lahat kayo na ah."

"Ewan ko sayo, Mich." Nauna na akong pumasok sa kanila. Ang weird talaga ni Mich. Ganoon siguro ang bruhang iyon dahil heart broken. Tingnan na lang natin kung hindi pa maiihi sa kilig mamaya,

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon