Kinusot ko ang mata ko ng magising ako. When I check the wall clock, it's already 10:45 AM. After lunch na nga rin ako pumapasok sa trabaho pero ngayon tinatamad akong pumasok. Wala rin naman gagawin sa kumpanya kaya nagpasya ako hindi na muna ako papasok.
Ako at si mama na lang ang tao sa bahay. Si kuya Peter at ate Kath ay may mga asawa na, lalo na si kuya Peter na may sarili ng pamilya. Si papa ayun bumalik sa US para siya ang humawak ng main branch namin doon. Umuuwi na lang daw siya kapag Summer.
"Good morning, mama." Bati ko kay mama pagkapunta ko sa kusina.
"Tinanghali ka na naman ng gising ngayon, Faye." Nginitian ko na lang si mama. Wala pa siyang alam buntis ako. Gusto ko kasi kapag sinabi ko sa kanila ay kasama si Dante.
May napansin akong paper bag sa dining table. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.
"Dumaan pala si Dante dito kanina at pinamimigay sayo ang paper bag naglalaman ng mga espasol." Sabi ni mama kaya kumikinang ang mga mata ko sa tuwa. Baka dahil sa espasol ay maging maputi ang magiging anak namin ah. "Faye, tayo na lang ang nakatira dito kaya umamin ka nga sa akin."
"Ano po ang aaminin ko?" Painosente ako at kunwari hindi ko alam kung ano ang gusto iparating sa akin si mama.
"Buntis ka ba? Umamin ka sa akin." Napalunok ako ng ilang beses. Wala man lang hinto saglit. Padalos dalos ang tanong ni mama sa akin. "Faye."
"Yes po. I'm sorry, mama."
"My god, Faye." Umupo si mama sa harapan ko. "Bakit mo ito ginawa sa amin? Alam na ba ng papa mo ang tungkol dito? Siya ang kasama mo sa US."
"Bago pa po ako bumalik ng Pilipinas ay sinabi ko na kay papa."
"Si Dante ba?" Tumango ako. Wala naman ako ibang lalaki maliban kay Dante. Sa kanya ko binigay ang sarili ko noong araw ng birthday ko. Ewan ko ba kung bakit ako bumigay sa kanya. Tapos umulit noong graduation ko. "Ang sabi ni Dante naglilihi ka daw sa espasol. Baka naman maging maputi ang magiging apo ko ah."
"Iyon nga din po ang iniisip ko pero wala ako magagawa, mama. Espasol ang gusto ko ngayon."
"Ano na ang plano niyo ni Dante ngayon?"
"Wala pa po. Ang huling paguusap nila papa ay magiipon na daw po muna siya ng pera para yayain niya ako magpakasal. Pumayag naman si papa pero hindi na muna ngayon ngayong taon."
"Sabagay, 2 months ago kinasal ang kapatid mo."
Pagkatapos ko kumain ay naligo ako dahil nagpasya ako bisitahin si Dante sa kumpanya nila ngayon. Susurpresahin ko siya.
Pagkarating ko sa Gonzales company ay ang daming empleyado ang nagsiksikan sa isang elevator na akala mo ay iyon lang ang elevator sa kumpanyang ito.
Nang bumukas ang isanb elevator ay doon na ako sumakay dahil dalawa lang naman kami sakay.
"Saan kayo?" Tanong ng kasabay ko na medyo may edad na.
"Sa CEO office po." Sagot ko at pinindot naman niya ang 20 button.
"Ano ang appointment niyo kay Dante?"
"Wala po akong appointment sa kanya. Actually, susurpresahin ko siya."
"Ikaw ba ang girlfriend niya?" Tumango na lang sa kanya bilang kasagutan. "I see. Palagi ka niya kinukwento sa akin. Ako nga pala ang sikretarya ng daddy ni Dante. Kinuha na rin niya ako dahil pinagkatiwalaan ako ng pamilyang Gonzales."
Kaya naman pala. Katulad rin pala siya ni ate Ella, simulang bumukas ang kumpanya ay siya na ang sikretarya ni papa. Masipag at mapagkatiwalaan daw sabi ni papa. Nakikita ko nga iyon kaso tumandang dalaga si ate Ella.
Pinauna na niya akong bumaba ng elevator noong nakarating na kami sa 20th floor.
"Nandoon ang opisina ni Dante." Tinuro niya kung saan ang opisina ng CEO. "Puntahan mo na lang siya doon."
"Maraming salamat po.." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Nang makarating na ako sa tapat ng opisina ni Dante ay kakatok na sana ako pero biglang may narinig akong boses. Dalawa sila. Isa kay Dante at isa naman hindi familiar sa akin.
"Dante, sige na. Sumama ka na sa birthday ko bukas."
"I'm busy. Marami pa akong ginagawa ngayon."
"Ikaw ah, gusto mo lang ako makasama. Sabihin mo lang sa akin and I'm all yours." Napatakip ako ng aking bibig. Hindi naman pwedeng lokohin ni Dante lalo magkakaanak na kami.
"Advance happy Birthday, Jenny but I can't attend on your birthday tomorrow. May importante rin akong gagawin bukas."
Bigla na lang pumatak ang luha ko at umalis na ako sa tapat ng opisina ni Dante. Habang papunta ako sa elevator ay nakasalubong ko yung kasabay ko kanina.
"Oh, nagkausap na ba kayo ni Dante?" Mabilis akong umiling sa kanya.
"Busy po siya ngayon. Bad timing yata ang pagpunta ko." Sumakay na ako sa elevator noong bumukas na ang pinto.
Paguwi ko sa bahay ay wala si mama ngayon kaya dumeretso na ako sa kwarto ko. I want to be alone. Ayaw ko ng kausap.
Ayaw ko man isipin niloloko lang ako ni Dante. Isa nga naman kasi siyang playboy kaya hindi maiwasan ang pagiging playboy niya pero sana naman isipin niyang may binuntis siya.
"Nandito ka ba, Faye." Narinig ko ang boses ni kuya Peter. Sasagot na sana ako biglang sumakit ang tyan ko kaya napahiyaw ako sa sobrang sakit. "Faye?! Ano nangya-- You're bleeding!"
"K-Kuya, a-ang sakit!"
"Wait. Dadalhin kita sa malapit na ospital." Binuhat na ako ni kuya Peter na bridal style at doon na rin ako nawalan ng malay.
Nagising na lang ako puro puti ang paligid at nilibot ko ang paningin ko hanggang makita ko si kuya Peter.
"K-Kuya..."
"Salamat gising ka na. Mabuti na lang naisipan kong dalawin ka, kundi napahamak na ang pamangkin ko." Nakahinga ako ng maluwa dahil hindi nawala ang anak ko. "Hindi mo sinabi sa akin buntis ka, Faye."
"I'm sorry, kuya." I said between my sob.
"Shh... Huwag ka na umiyak dahil makakasama sa bata iyan. Tahan na."
Hindi ko kaya kung mawala sa akin ang anak ko.
"Faye!" Namilog ang mga mata ko ng marinig ang isang familiar na boses.
Ano ang ginagawa niya rito?
"Nakita kong tumatawag si Dante sa phone mo kaya sinagot ko kanina at sinabi ko sa kanyang sinugod kita sa ospital." Sabi ni kuya Peter. Marunong na pala magbasa ng isip si kuya Peter.
"Faye..." Tawag niya ulit sa akin.
"Sa labas na muna ako para naman magkaroon kayo ng privacy na dalawa."
Narinig ko pagbukas at pagsara ng pintuan noong lumabas na si kuya Peter. Hindi ko ngang inabalang tingnan si Dante ngayon.
"Faye."
Hindi ko siyang sinasagot sa kahit anong tawag niya sa akin.
"Kausapin mo naman, oh. Nagmumukha na akong tanga rito dahil ako lang ang nagsasalita."
Wala naman akong sinasabi magsalita ka.
"Faye, hindi mo naman sinabing pupunta ka kanina sa kumpanya."
Hindi ko na siya pinansin dahil iniisip ko kung bakit ako dinugo kanina. Iyon ang gusto kong malaman. Kailangan kong makausap ang doctor na tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...