Chapter 16

516 16 0
                                    

Gusto ko umiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayaw ko pakita sa ibang tao nakakakita sa aking umiiyak ako sa araw mismo ng bagong taon. Dapat masaya.

Nagulat na lang ako ng hatakin ako ni Mich.

"M-Mich, saan mo ko dadalhin?"

"Surprise, bes. Basta surprise."

Surprise? Malayo pa naman ang birthday ko para surpresahin niya ako.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko pero wala akong sagot natanggap mula kay Mich. "Michelle--"

Nagtataka ako ng makarating kami sa school. Ang alam ko sarado ang school dahil nga holiday at gabi na rin. Ano naman kaya ang gagawin namin rito?

"M-Mich, baka may makakita sa atin na pumapasok tayo rito." Lakas ng kalabog ng dibdib ko dahil sa ginagawa namin. Mas magtataka ako ng makarating sa rooftop. May rooftop ang school namin pero pinagbabawal na pumunta doon. "Mich, alam mo naman bawal ang pumunta rito."

"Magtiwala ka lang sa akin, bes." Binuksan na niya ang pinto sa rooftop at tinutulak ako papasok.

"Mich.." Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Sige na. May naghihintay sayo."

Naghihintay sa akin? Sino naman kaya?

Habang naglalakad ako ay may nakita nga akong lalaking nakatalikod sa diresyon ko at nakatingala siya sa kalangitan.

"Um..." Humarap naman siya sa akin pero nagulat ako ng makita kung sino. "D-Dante?!"

"Akala ko hindi ka makakarating."

"Ano ang ginagawa mo rito? Ikaw ba yung naghihintay sa akin? Paano ka nakapasok rito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hinihintay kita dahil gusto kong kasama ka manood ng fireworks display. At kahit labag sa kalooban ko ay humingi ako ng tulong kay kuya na kausapin ang may ari ng paaralan na ito. Pumayag naman siya basta pumasa ako sa lahat na subject natin, wala naman problema sa akin basta pumayag lang ang may ari."

"Hinihintay mo ko? Bakit naman?"

"Ano kasi... Alam ko naman ayaw mo sa katulad ko, Faye pero ano...." Hindi makatingin sa akin ng deretso si Dante at kumakamot siya ng ulo. "May gus--"

Napatingala ako sa kalangitan dahil may fireworks nagpapaputok. Ang ganda naman ng view rito.

"Faye, gusto kita!" Kahit maingay ang paligid dahil sa mga paputok sa kalangitan ay rinig na rinig ko ang sinabi ni Dante. Ang pusong nagwawala na naman. "Kahit tanggihan mo ko ng ilang beses ay hindi ako susuko sayo, Faye. Totoo itong sinasabi ko sayo."

"Dante, alam mo namang..."

"Makinig ka na muna sa akin, Faye. Pagkatapos ng sasabihin ko sayo ay doon ko na magsalita."

Okay?

"Ang totoo niyan, wala akong alam ang tungkol sa anime event na pupuntahan mo last month. Kinulit ko si Mich hanggang sinabi niya sa akin na may anime event kang pupuntahan at magisa ka lang. Sinabi niya rin sa akin na gusto mong makita sa personal si Nathalie Abuel."

Huh? All these days alam pala ni Mich na kasama ko si Dante sa anime event.

"Bumili ako ng ticket ng meet and greet with Nathalie Abuel para sayo. Gusto kong maging masaya at memorable sayo ang pasko. Hindi nga ako nabigo dahil sa nakikita ko naenjoy mo talaga ang surprise ko para sayo, Faye."

Heart broken sana ako ngayon dahil nalaman kong may anak si mr. Martinez sa dating minahal niya tapos biglang nag-confess naman sa akin si Dante. Ano ba meron sa magkapatid na ito?!

"Hindi ko na alam ang sasabihin ko sayo, Dante."

Oo inaamin kong speechless ako pagkatapos kong marinig ang lahat mula sa kanya. Gumawa siya ng paraan para maging masaya ako. Palagi siya ang nakikita ko kapag malungkot o umiiyak ako.

"Sa totoo lang, Dante... Nireject ako."

"Nireject? Ni kuya?" Mabilis akong tumango sa kanya at tumingin sa ibaba dahil kahit anong oras ay babagsak ang luha ko.

"Kinuwento niya sa akin ang lahat. Kinuwento niya na hindi ka babaero noon pero naging ganito ka na lang noong nakipag hiwalay sayo ang dati mong nobya."

"Sinabi niya iyon? Totoo naman iyon, naging ganito ako noong nalaman kong naging sila. Nawalan na akong tiwala sa mga babae kaya pinaglalaruan ko silang lahat hanggang nakilala kita. Nagbago ang lahat, Faye. Believe me or not."

"At nalaman ko rin na may anak si kuya Paul sa ex girlfriend niya." Nakita kong nagulat si Dante. Ibig sabihin wala siyang alam sa pagkaroon ng anak ni mr. Martinez. Ako lang talaga ang sinabihan.

"May anak sila? Kaya pala nawala ng parang bula si Ana."

"Dante, sorry--"

"Hindi mo naman kasalanan iyon at wala ka namang kasalanan, Faye."

"Hindi tungkol doon."

"Saan naman?"

"Sorry dahil hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman mo para sa akin. Hindi pa ako handa pagkatapos kong marinig ang tungkol doon kay kuya Paul. Kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya ay siya pa rin ang unang lalaking minahal ko. Masakit para sa akin."

"Sabi ko nga sayo kahit ilang beses mo pa ako tanggihan ay hindi ako susuko sayo."

"At isa pa pagkagraduate natin ng high school ay sa US na ako magaaral."

"US? Handa naman ako maghintay hanggang sa pagbalik mo ng Pilipinas, Faye."

"Seryoso ka ba?" Tumango lang siya sa akin at nakikita ko ngang seryoso siya.

Pagkatapos namin manood ng firework display ay umupo na muna kami sa bench.

"Paano mo nakilala ang naging girlfriend mo?"

"Schoolmate ko siya noong elementary pa ako. Nasa 6th grade na siya habang ako ay nasa 3rd grade. Lahat na kalalakihan ay may gusto sa kanya dahil maganda. Noong 6th grade ako ay nagkita ulit kami at simula noon niligawan ko siya pero bago ako pumasok sa high school ay nakipaghiwalay siya sa akin. After a month nalaman kong boyfriend na niya ang kapatid ko kaya pati sa sarili kong kapatid ay nagalit ako. Tapos ngayon nalaman kong may naging anak sila. He ruined her future, Faye."

Nasira talaga ang kinabukasan noong babae dahil maaga siyang nabuntis. At baka mawalan ng lisensya si mr. Martinez kapag nalaman ng iba ang tungkol doon. Ayaw ko naman mangyari iyon. Alam ko namang pangarap niya ang magturo.

"Dante, pwede humingi ng favor?" Tumingin akong seryoso kay Dante. "Pwede bang patawarin mo na si kuya Paul kung ano man ang kasalanan nagawa niya? Tao lang naman siya at nakakagawa ng mali."

"Hindi ko alam kung kaya ko pero gagawin ko para sayo, Faye."

"Thank you." Tumayo na ako sa pagkaupo ko. "At thank you rin dahil nag-enjoy ako sa panonood ng fireworks kanina."

"I'm glad that you like it." Sa hindi inaasahan ay makikita kong ngumiti si Dante.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon