Dante's POV
Iniwanan na naman ako ni Faye na hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag. Karma ko na rin siguro ito dahil marami na rin naman akong babaeng pinaiyak noon.
"How is it? Did you get a chance to explain everything?" Lumingon ako sa likuran pero umiling lang ako bilang kasagutan.
"Hindi ako hinayaan magpaliwanag ni Faye, kuya. Sobrang sakit pala. Mas masakit pa noong nakipaghiwalay sa akin si Ana noon." Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil pumapatak na ang luha ko. Hindi ako umiiyak sa buong buhay ko but 3 years ago noong umalis si Faye na hindi nagpaalam sa akin. Doon lang ako umiyak.
"Gusto mo bang kausapin ko siya?"
"Huwag na baka pati sayo ay magalit rin si Faye." Pinunasan ko na ang luha ko. Ayaw ko rin naman kasing madamay pa si kuya dito kung ano man ang gulo nangyari sa amin ni Faye. Hindi ko pa nga siya girlfriend pero sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos ng dalawang semester ay umalis ako sa bansa dahil pumunta ako sa Japan para doon ko ipagpatuloy ang pagaaral ko. Kapag nandito kasi ako sa Pilipinas ay naalala ko ang lahat na mga pinupuntahan namin ni Faye para lang maging masaya siya. Ayaw ko kasing makitang malungkot ang babaeng mahal ko.
"Malapit na ang birthday ni Faye. Bakit hindi mo subukang kausapin ulit siya?"
"Malabo. Ngayon nga lang ulit kami nagkita pero ayaw niya rin akong makausap. Sa araw pa kaya ng birthday niya."
"Leave it to me, bro. Kakausapin ko si tita para makausap mo si Faye." Inabot niya sa akin ang anak niya bago pa pumasok si kuya sa loob.
"Ano, Kotaro? Hindi ko alam ganito pala katigas ang ulo ng ama mo." Hinalikan ko ang pisngi ni Kotaro habang abala siya sa paglalaro ng laruan niya.
Sana nga maging maayos ang lahat. Gusto ko na kasi magkaayos kaming dalawa ni Faye at magsisimula ulit kami sa simula. Magliligaw ulit ako sa kanya.
"Tito, kung matigas po ang ulo ni papa ay ibig sabihin matigas din ang ulo ko? Bago po kasi mawala si mama ay ang sabi niya sa akin pareho daw kami ng ugali ni papa." Napangiti ako sa sinabi ng pamangkin ko.
Walang alam si kuya tungkol sa sakit ni Ana kahit madalas sila nagkikitang dalawa simulang pumunta ng Japan si kuya. Iyon kasi ang kinukwento sa akin ni kuya sa burol ni Ana. Pagkatapos ng libing ay inasikaso ni kuya ang lahat na dokumento para makuha niya ang kanyang anak at alam ko naman may karapatan siyang makuha si Kotaro dahil anak niya ito.
"Hindi ka matigas ang ulo mo, Kotaro. Ang papa mo lang ah. Iyon lang ang hindi mo nakuha kay kuya."
Nakita ko na ang pagbalik ni kuya at kinuha na niya ulit sa akin si Kotaro. Napapaisip tuloy ako kung may balak pa ba ang kapatid ko maghanap ng ibang babae para may kasama siya sa buhay.
"Okay na ang lahat. Handang tumulong si tita para magkaayos kayong dalawa ni Faye."
Alam kasi ng mama ni Faye at ni ate Kath ang nangyari sa amin ni Faye noon. Palagi kasi ako sa bahay nila para makibalita kung kamusta na si Faye sa US, simulang nakita niya ako sa music room na may kasamang babae ay pinutol na niya ang communication naming dalawa kahit nga sa facebook ay blinock ako. Doon na rin sila nagtanong kung may problema ba kami ni Faye at siyempre ayaw ko naman magsinungaling sa kanila. Hindi ko lang alam kung may alam na ba si kuya Peter at ang papa nila tungkol sa nangyari.
"Ano ang plano para makausap kaming dalawa?" Tanong ko at siyempre excited na ako makausap kaming dalawa. Kahit alam ko namang sisigawan niya ulit ako. Kulang na lang mumurahin niya ako pero tatanggapin ko naman ang lahat na iyon.
"Tatawagan ka na lang daw ni Kath kung nakaisip na silang plano pero sinabi ko na rin sa kanila na kung pwede sa araw ng birthday ni Faye."
"Salamat, kuya." Niyakap ko siya ko kahit karga niya si Kotaro.
"Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka, Dante. Nakikita ko naman kung gaano mong kamahal si Faye kahit noon pa."
Naging mabuting kapatid sa akin si kuya pero ako naging masama akong kapatid sa kanya simulang nalaman kong naging sila ni Ana. Hindi ko tanggap ang biglaang hiwalay sa akin ni Ana, ang akala ko pa naman nakipaghiwalay siya para hindi masira ang mga pangarap niya. Tanggap ko naman iyon pero noong nalaman ko naging sila ng kapatid ko ay hindi ko iyon natanggap agad. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit si kuya ang minahal ni Ana noon. Malaki talaga ang pagkaiba naming dalawa kahit noon pa.
"Nagpaalam na rin ako kay Peter dahil alam ko kahit anong oras ay magwawala na ang batang ito. Sasama ka na ba sa akin pauwi?"
"Sige pero hatid mo na lang ako sa bahay. Gusto ko na rin kasi magpahinga ngayon, eh."
"Wala ka naman dalang kotse?" Mabilis akong umiling sa kanya.
"Commute lang ako papunta dito. Galing pa kasi ako sa kumpanya at nakisabay lang ako kay dad papunta doon kanina. Tapos wala na akong oras bumalik sa bahay para kunin ang kotse ko." Umupo na ako sa passenger's seat habang si Kotaro ay nasa backseat siya.
Sa totoo lang wala talaga akong balak dumalo sa kasal ni ms. Morales at kuya Peter pero hindi ako tinitigilan ni Louie na kailangan ko daw pumunta sa reception. I want to ignored all of his text messages pero sinabi niya rin sa akin na dumalo rin si Faye. Ang akala ko nga ngayong araw ang tamang panahon para magpaliwanag sa kanya. Alam ko naman nasaktan ko siya noon, kundi siya nasaktan noon ay sana wala na sa kanya ang mga nangyari. Nakikita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya.
"Pagkagraduate niyong dalawa ay pumunta ka ng US ah." Napatingin ako kay kuya habang nagmamaneho siya ng kotse niya.
"Ano naman nag gagawin ko doon? Wala naman tayong branch sa US."
"Ang gusto ko ay bigyan niyo ng kalaro si Kotaro pero bago iyon ay yayain mo muna magpakasal kay Faye." Namula na yata ang pisngi ko sa pinagsasabi ng kapatid ko. Masyado siyang advance kung magisip.
"Hindi pa nga natin alam kung ano magiging resulta sa muling paguusap namin ni Faye sa araw ng birthday niya. Tapos kasal agad ang pinaguusapan natin. Bakit hindi na lang ikaw ang maghanap ng babaeng mamahalin para naman may kinilalang ina si Kotaro."
"Hindi ko na kailangan ng babae sa buhay ko. Ang makasama lang si Kotaro ay sapat na sa akin at masyadong busy din ako sa trabaho ko."
Parehas ng university ang pinapasukan namin ni kuya at siyempre wala nakakahalatang magkapatid kaming dalawa. Iba naman kasi ang apilyido naming dalawa.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...