Alam ko naman hindi maniniwala si Mich rito.
"Ano meron kanina?"
"May nakita akong ID ni ms. Morales sa kotse ni kuya kaya tinanong ko si kuya kung bakit nandoon ang ID ni ms. Morales."
"Bakit nga ba nasa kotse ni kuya Peter ang ID ni ms. Morales?"
"Nakisakay daw si ms. Morales kanina dahil late na daw sa blind date niya."
"Blind date? Seryoso? Si ms. Morales makikipag blind date?"
Sabi na nga ba hindi maniniwala si Mich. Sa boses pa lang niya.
"Iyon ang sabi ni kuya kanina noong tinanong ko siya. At ang inutusan pa ako ni kuya na ibalik daw yung ID pero tinanggihan ko."
"Oh, bakit naman?"
"Ang balak ko sana magkaroon na ng girlfriend si kuya para hindi na ako pinapakialam. Naisip kong si ms. Morales. Hindi naman siguro masama dahil pareho silang single."
"Hindi ko alam na matchmaker ka na pala ngayon."
"Ngayon lang at sa kanila lang ako magiging matchmaker."
"Kung gusto mo ng tulong ay nandito lang ako, bes."
Aba, nabasa ni Mich ang iniisip ko. Kailangan ko rin kasi ng tulong at suporta niya. Ang akala ko kasi papagalitan niya ako, hindi pala.
"Akala ko papagalitan mo ko sa desisyon ko."
"Hindi naman. Gusto ko rin naman magkaroon ng boyfriend si ms. Morales para mabawasan ang pagiging strict niya."
Natawa na lang ako sa isip ko dahil sa sinabi ni Mich. Strict nga naman si ms. Morales kahit noong 1st year pa lang kami pero mabait sa labas ng campus.
"By the way, bes..."
"Hmm? Ano iyon?"
"Musta na pala kayo ni mr. Martinez?"
Napahinto ako sa pagsara ng laptop noong marinig ko na naman ang pangalan na iyan.
"Wala. I mean, hindi ko na siya nakikita simula noong huling paguusap namin."
"Sigurado kang titigilan mo na ang nararamdaman mo para sa kanya?"
"Oo, dahil napaisip kong hindi talaga kami ang para sa isa't isa. May babaeng dadating sa buhay niya samantala ako ay hindi na muna dahil kailangan kong makapag tapos muna sa pagaaral. Lagot ako kay papa kung may subject akong bagsak."
"Kakalungkot naman. Sa tagal pa naman ang pagka crush mo sa kanya pero hindi pala kayo."
"Wala tayong magagawa. Basta ako ay ineenjoy ko ang palagi kong ginagawa kapag bakasyon."
Bumangon ako sa pagkahiga ng may kumatok sa pintuan ko kaya binuksan ko na rin ang pinto ng kwarto ko. I saw kuya Peter.
"May gustong kumausap sayo sa ibaba." He mouthed. Kumunot ang noo ko dahil nagtataka ako kung sino.
"Oh. Sige, Mich. May kailangan pa akong gawin."
"Alright. Tulog na ako. Good night."
"Good night."
Pagkarating ko sa may sala ay may hindi akong inaasahang bisita. Walang iba kundi si mr. Martinez. Siya lang ang naging topic namin ni Mich nagparamdam agad.
"Sige, maiwan ko na kayong dalawa." Tumingin ako kay kuya Peter na naglalakad palayo sa amin.
"Faye..."
"Kuya Paul, wala na po tayong paguusapan at nirerespeto kita kaya makauwi ka na."
"I'm sorry. I'm really sorry, Faye."
"No, hindi mo kailangan humingi ng sorry sa akin dahil kasalanan ko rin naman na nagkaroon akong gusto sa teacher ko. Teacher lang kita at estudyante mo naman ako."
"You're right. Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sayo, Faye. Pagkatapos nangyari ngayong gabi ay balik sa dati. I'm your teacher and you're my student."
Mabuti naman naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi naman makapag graduate ng summa cum laude si mr. Martinez kung bobo o slow siyang tao.
"Good night, Faye."
Pagulong gulong ako sa kama ko dahil iniisip ko ang nangyari kanina. Tama lang naman ang naging desisyon ko. Sana nga.
Aish, ayaw ko lang kasi masaktan at umasa. Pero bahagi naman iyon sa pag-ibig.
Pagsikat ng araw ay nagising na ako at iniisip ko ngayon pala ang new year's eve. Kaya maghahanda kami para mamaya.
"Mich!" Niyakap ko mula sa likuran ang kaibigan. "Happy new year."
"Masyado ka namang excited. Bukas pa ang new year, bes."
"Alam mo naman magiging busy ako mamaya sa pagtulong kay mama at ate."
"Mamaya pala pupunta kami sa inyo."
Taun-taon kasi magkasama sa bagong taon ang Silva-Lopez. Hindi pa kami pinapanganak ni Mich ay magkakilala na ang pamilya namin.
"Alam ko naman iyan. Taun-taon nating ginagawa ang media noche na magkasama."
Nagpaalam na rin ako kay Mich dahil alam ko namang busy siya sa pagalaga sa kapatid niya.
Kahit ako pinangarap kong magkaroon ng kababatang kapatid para naman siya pakialaman ni kuya Peter hindi ako.
"Hi, Faye." Kumunot ang noo ko sa taong nasa harapan ko.
"Ano naman ang ginagawa mo rito, Dante?"
Yes, si Dante ang taong nasa harapan ko ngayon. Ano naman ang gusto nito ngayon? At lagot ako kay kuya Peter kapag nalaman niyang nandito si Dante.
"Gusto lang kitang batiin sa personal na happy new year."
"Okay, nabati mo ba ako kaya pwede ka ng umalis." Tinutulak ko siya palayo sa bahay namin. Ayaw ko kasi masira pati bagong taon ko.
"Grabe naman. Pinapaalis mo agad ako."
"Oo, dahil ayaw kong magkagulo kapag nakita ka ni kuya at ayaw niya sayo."
"Oh. Sabagay, sino ba naman kapatid na magkakagusto sa akin para sa kababatang kapatid nila? Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw sa akin ng kuya mo. Sige, uuwi na rin ako."
Mabuti naman hindi ganoon kahirap kausapin si Dante ngayon, hindi katulad noon. Ang laki ng pinagbago niya. Bago ang bakasyon namin ay hindi ko na ngang nakikitang may kasamang babae si Dante. Sana nga palagi siyang ganoon pero hindi naman maiiwasan na palagi siyang tulog sa English class namin. Hindi na nakakapagtataka kung bagsak siya palagi sa exam.
Napalingon ako sa tabing bahay dahil nakatingin pala sa amin si mr. Martinez.
"Hindi ko alam ganoon na pala ang closeness niyong dalawa ni Dante. Sinabi rin ni Peter na magkasama kayo ni Dante sa anime event na pinuntahan mo kahapon."
"Naaksidente kong lang nakita si Dante doon." Tumango lang siya sa akin. "Papasok na po ako sa loob."
Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay umupo ako sa sofa. Gusto kong sabihin sa kanyang mind on your business pero kakabastos at kawalang respeto naman iyon.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...