Chapter 7

674 21 3
                                    

Pagkatapos nangyari sa ospital kahapon ay naging maayos na ang kalagayan ng kapatid ni Mich. Sobrang saya naming tatlo na okay na ang kapatid ni Mich. Pero siyempre kailangan pa rin ipagdasal para tuloy tuloy na at makalabas na sila ng mama niya ng ospital.

"Girls, narinig niyo na ba ang balita kumakalat kanina sa campus?" Tanong ni Angel sa amin habang naglalakad sa hallway.

"Nope. Ano ba yung balita?" Sagot ko naman sa kanya.

"May isang estudyante sa 3rd year class F ay nilipat sa section natin."

May tig anim na section bawat year sa school namin from class A to class F. Class A ay ang section namin pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nila ilagay si Dante sa class F. Ang class F naman ay lowest section at ang balita ko mga pasaway ang mga estudyante doon.

"Ano? Ang mga nasa class F ay mga pasaway na estudyante." Sabi ni Mich.

"Like what Mich said. Pasaway sila, at paano naman siya makakalipat sa section natin?"

"Hindi ko rin alam." Angel gave us a shrug.

Pagdating namin sa classroom ay nagtataka kaming tatlo dahil nagtipon tipon ang mga kaklase namin sa isang sulok. Tumingin kami sa paligid at nakita namin ang walang iba kundi si...

Eren Gonzaga.

Ang school campus badboy. At ang balita ko ay black sheep siya sa pamilya niya.

"Totoo ba itong nakikita ko?" Mahinang tanong ni Mich sa amin.

"Bakit? Sino ba siya?" Tanong naman ni Angel.

"Siya si Eren Gonzaga, ang badboy ng school campus." Sagot ko naman sa kanya.

"Wala may gusto lumapit kay Eren dahil lahat na estudyante at teacher ay takot sa kanya."

Totoo ang sinabi ni Mich. Sa nababalita ko ay ilang beses na siya suspend last year dahil sa pagbubog niya sa mga ilang estudyante sa school. Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa nila tanggalin dito. Masyadong delikadong tao si Eren.

"Ano ang tinitingnan mo diyan?!" Pasigaw niyang tanong.

"Ah, wala."

"Tsk." Mas sinandal ni Eren ang likuran niya sa upuan.

Napatingin kaming lahat noong bumukas ang pinto sa classroom namin.

"Good morning, classmates!" Bati ni ng bagong dating. Walang iba kundi si Dante.

"Tsk. Aga aga ang ingay agad." Iritableng sabi ni Eren. Masama ang pakiramdam ko na pwedeng mangyari.

"Whoa! May naligaw yata sa classroom natin ah."

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko maglinis ka na muna ng tenga mo para naman marinig mo ng malinaw."

Ack, sabi na nga ba may hindi maganda mangyayari rito.

"Pwede ba tumigil kayong dalawa." Pumagitna ako sa kanilang dalawa para awatin sila. "Aga aga pero magaaway lang kayo!"

Pero mas nagulat na lang sa sunod nangyari dahil tinulak ako ni Eren kaya napaupo ako sa lapag.

"Ayos ka ah!" Galit na sabi ni Dante sabay suntok kay Eren.

Hindi nga talaga maganda ito. Nagaaway na ang dalawa at kailangan ko tumawag ng teacher.

"That's enough!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Patay ang class adviser namin, si ms. Morales. "Mr. Gonzales and mr. Gonzaga, come to my office now!"

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon