Chapter 10

641 18 3
                                    

Nauna na akong umalis kay sir Martinez. Hindi ko na kasi kaya sa sobrang sakit ng puso ko. Habang naglalakad ay may nabangga akong tao.

"Sor-- Dante?!" Nagulat ako ng makita kong si Dante ang nabangga ko.

"Hey, Faye."

"Hindi ko sinasadyang mabangga kita. Sorry talaga."

"Ayos lang." Ano kaya ang nakain ni Dante? Hindi maganda ang nararamdaman ko sa lalaking ito ah. "Mukhang hindi ka masaya ngayon."

"Nagmamadali kasi ako ngayon. Sorry, kailangan ko ng umuwi." Nilagpasan ko na siya. Kahit hindi sila close na magkapatid ay kailangan ko ring lumayo kay Dante.

Kahit anong gawin natin ay certified playboy pa rin siya.

"Faye, wait." Hinawakan niya ang braso ko para dahilan na huminto ako sa paglalakad. Hindi pa ako nakasagot pero hinatak niya ako sa ibang direksyon.

"Saan mo ko dadalhin?"

"Basta." Sagot niya habang hatak pa rin niya ako.

"Hoy, Dante! Wala akong oras sa kalokoha--" Hindi natapos ang sasabihin ko ng makita kong huminto kami sa isang bagong bukas na coffee shop. "Anime cafe?"

"Yes. Nakita ko ito kahapon kaya tinanong kita kagabi kung may gagawin ka ba sa katapusan dahil dadalhin kita rito. Hindi ko naman inaasahan na magkikita tayo ngayon."

Pumasok na kami sa loob, namangha ako sa design dahil puro anime tapos yung mga empleyado ay naka cosplay sila. Cool! Gusto ko ng ganito.

Tiningnan ko ang menu ay title ng mga anime ang nakasulat rito.

Pagkaorder namin ay ang awkward dahil wala niisa sa amin ang nagsasalita.

"Um, Faye... Sorry nga pala noong sinabi ko sayo noong isang araw. Hindi ko naman ginustong sabihin ang anime sucks."

Matagal na rin nangyaring iyon at nakalimutan ko na nga. Sobrang dami na ngang nangyari sa buhay ko ngayong taon. Umamin ako kay sir Martinez na crush ko siya kaya ngayon hindi ko na kayang humarap sa kanya.

"Matagal na rin nangyari iyon at nakalimutan ko na ang tungkol doon. Kaya kalimutan mo na lang."

"Sa totoo niyan, naiinggit ako sayo." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya sa akin.

"Huh? Bakit ka naman naiinggit sa akin? Ikaw nga itong sikat sa mga kababaihan."

"Hindi iyon." Tiningnan ko lang siya na parang naguguluhan. "Dahil matalino kang tao. Hindi ko naman sinasabing hindi matalino si Louie pero iba ang talino mo. Ikaw ang ms. Perfect sa seksyon natin."

Ms. Perfect. Tsk. Ayaw kong tinatawag akong ganoon dahil hindi naman talaga akong perpekto. Nagkakamali rin naman ako.

"Don't call me that because I am not that perfect. Nagkakamali rin ako dahil tao pa rin naman ako."

"At alam kong ayaw mo sa akin pero gusto ko sana makipag kaibigan sayo, Faye."

"Hindi pa ba tayo magkaibigan? I mean hindi naman tayo madalas magkasama dahil abala ka sa mga babae mo pero kinakausap na rin naman kita."

"Ano ba ang problema at ang init ng ulo mo ngayon?"

"Mind on your business, Dante."

Hindi na siya nagsalita pang muli ng dumating na ang inorder namin. Tahimik lang akong umiinom ng shake.

"Sorry kung sayo ko nilalabas ang init ng ulo ko ngayon. Hindi lang maganda ang taon ko ngayon, puro problema at gulo ang nangyari sa akin simula kagabi."

"Hindi ko na itatanong dahil baka magalit ka pa--"

"Umamin ako sa kanya."

"Huh? Kanino ka naman umamin?"

Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero wala na rin dahil alam na ni mr. Martinez na may gusto ako sa kanya. Hindi ko na kailangan itago pa iyon sa iba at ang sabi ko nga ititigil ko na ang kabaliwan ko sa kanya.

"Hindi ba tinatanong mo ko noon kung may crush ba ako kay kuya Paul?" Tumingin ako kay Dante, wala man lang ako narinig na oo o nakitang tango man lang. "Ang totoo niyan, meron akong gusto sa kanya. Simula iyon noong unang araw ko siyang nakita, bata pa ko noon. Hindi ko inaasahan lalong tumatagal ay lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya."

"Kaya mo ba hindi ako masagot dahil gusto mo siyang protektahan?"

"Yes. Ayaw ko siya mawalan ng trabaho ng dahil sa akin."

"Ang swerte naman ni kuya dahil may nagmamahal sa kanya na katulad mo. Inaamin ko naman lahat na tao mahal siya habang ako hindi. Sino ba naman ang magmamahal sa akin? Isang babaero at hindi seryoso sa pagaaral. Isang taong walang kinabukasan."

"Pero ngayon ititigil ko na. Kahit anong nararamdaman ko para sa kanya ay titigilan ko na. Ayaw ko na."

"Kung siya talaga ang lalaking para sayo ay ipaglaban mo." Napakurap ako dahil sa bibig pa mismo ni Dante nanggaling ang salitang iyon.

"I don't think so. Alam kong makakahanap siya ng babaeng para sa kanya lalo na aalis siya papuntang Japan?"

"Japan? Ano naman gagawin niya sa Japan?"

"Hindi pa ba sinasabi sa inyo ni kuya Paul?"

"Ang alin?"

Patay! Wala pa pala sinasabihan si sir Martinez tungkol sa pag-apply niya sa Japan.

"Hindi ako ang tamang tao para magsabi sayo, Dante. Hintayin mo si kuya Paul ang mismo magsabi sa inyo."

"Tsk. Nakakabanas!"

Hinatid na rin ako ni Dante hanggang sa bahay namin. Pagdating sa tapat ng bahay ay napatingin ako sa kapit bahay dahil nakatayo sa labas si mr. Martinez.

"Dito ka pala nakatira, kuya. Kaya pala ayaw mong lumipat sa bahay sa tuwing pinipilit ka ni mama."

"Matagal na akong nakatira rito kahit buhay pa ang ama ko, Dante. And I need to talk with you."

Pumasok na ako sa loob ng bahay dahil hindi ko nga kayang harapin si mr. Martinez ngayon pagkatapos kanina sa park. Umamin ako sa kanya. Inamin ko ang nararamdaman ko.

Faye, ang tanga mo!

"Argh! Paano na ngayon? Alam na niyang may gusto ka-- wait, kaya ko pala inamin sa kanya dahil iyon na ang huli. Kung magkita muli kami ay wala na akong nararamdaman sa kanya."

Sad to say, siya ang dahilan kaya ginagalingan ko ang pagaaral ko dahil gusto kong maging proud rin sa akin si mr. Martinez. Ngayon ay hindi na ako aasa na sasabihin niya iyon.

Magkagusto ako sa maling tao. Hindi na rin ako umaasa na may dadating na tao para sa akin. Ayaw ko ng masaktan pang muli. Kawawa ang puso ko.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon