Chapter 56

370 14 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ay naging busy ako sa trabaho. Hindi pa nga naayos ang problema dito sa kumpanya.

May narinig akong katok pero hindi ko iyon inabala pa dahil abala ako rito sa binabasa kong dokumento. Kailangan ko rin kasing pirmahan ang dokumentong ito.

"Looks like you're busy." Inangat ko ang paningin ko para tingnan siya.

"What are you doing here? Napapadalas na ang pagbisita mo rito. Wala ka bang pasok?"

"Meron pero mamaya pa naman ang pasok ko." Umupo na siya sa upuan malapit sa table ko.

"Sobrang stress na ako dito, Lance. Hindi matapos tapos ang problema ng kumpanya namin." Sabi ko habang nakaharap sa laptop. Binuksan ko rin ang email ko pero may nakita akong email galing kay ate Kath. She is inviting us for her wedding next week. Ikakasal na pala sila ni kuya Steve.

That's right, biglang nagpropose sa kanya si kuya Steve last month. Ang bilis naman yata ng pagpapakasal nilang dalawa. Don't tell me buntis si ate Kath kaya nagmamadali ang dalawa magpakasal.

Bumuntong hininga ako.

Ano ba itong iniisip ko. Ginaya ko pa si ate Kath sa nangyari sa akin ngayon.

"Do you have any problem, Faye?" Tumingin ako kay Lance. Kaibigan ko rin siya at kailangan ko ng karamay ngayon dahil wala naman si Dante sa tabi ko.

"Sa totoo lang sobrang laki ng problema ko ngayon tapos dumagdag pa ang problema namin dito sa kumpanya."

"Ano iyon? Baka makatulong ako."

"I don't know how to say this but I'm pregnant, Lance." Sabi ko sa kanya at nagulat pa siya sa narinig niya.

"What? How can this happen? I mean, kailan nangyari?"

"Last month after our graduation. Noong araw rin na sinagot ko si Dante."

"Alam na ba niyang buntis ka?" Tumango naman ako sa kanya.

"Sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa bata noong bumisita ako sa kanya sa Japan. Pero ang kinakatakutan ko lang kung paano sasabihin sa pamilya ko. Ang magiging reaksyon ng mga magulang ko. Isang buwan pa lang akong graduate pero buntis agad. Ang masaklap hindi pa kami handa ni Dante sa ganitong bagay." Maiyak iyak kong sabihin. Ayaw ko ng ganito, eh.

"I understand. Mahirap talaga ang sitwasyon mo ngayon pero kung kailangan mo ng karamay ay nandito lang ako. Tawagan mo lang ako." Ngumiti ako ng pilit kay Lance. Ang bait talaga niyang kaibigan. Maswerte ang magiging girlfriend niya sa kanya.

Sasagot pa sana ko ng tumunog ang intercom at sinagot ko ang tawag ng sikretarya ni papa.

"Yes? May kailangan po kayo sa akin?" Tanong ko kay ate Ella. May edad na rin ang sikretarya ni papa dahil ang pagkaalam ko siya lang talaga ang naging sikretarya ni papa dito.

"Faye, may gusto kumausap sayo. Papasukin ko ba siya?" Kumunot ang noo ko ng tumingin kay Lance.

"Okay po." Sagot ko bago naputol ang linya sa intercom.

"Hindi ko alam may bisita ka pa lang dadating ngayon."

May narinig na akong katok sa pinto.

"Come in." Bumukas na iyong pinto at niluwa noon si ate Ella pero kausap niya yung gusto daw akong kausap para papasukin.

Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang bisita ko ngayon pero binaling ang tingin niya kay Lance. Hindi yata magiging maganda ang mangyayari ngayon kaso tumingin ulit siya.

"Faye, I have to go. Baka mahuli pa ako sa trabaho ko." Paalam ni Lance sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Kailan ka pa nakarating dito? Hindi mo naman sinabi sa akin dadating ka, sana sinundo kita sa airport." Nakangiting turan ko sa kanya. Masaya akong makita siyang muli. Miss na miss ko na siya ng sobra.

"Kaninang madaling ako dumating." Sagot nito.

"I miss you." Niyakap ko siya.

"Faye, kaya ako nandito para kausapin si tito tungkol sa pagdadalang tao mo ngayon. Alam kong magagalit siya sa akin pero handa naman akong tanggapin ang lahat. Huwag lang ilayo ka nila sa akin."

"I understand, Dante."

"At balita ko rin palagi mo daw sinisigawan ang mga empleyado niyo. Alam kong mahirap ang trabaho mo pero..."

"Masyado na kasi akong stress tapos dumagdag pa ang problema namin dito sa kumpanya." Yumuko na ako dahil kusang pumatak ang luha ko.

"Faye, listen." Inangat niya ang ulo ko para punasan ang luha. "I'm here to help you. Hindi ka nagiisa dahil nandito ako palagi sa tabi mo."

"Alam ko naman iyon pero hindi ko maiwasan. Mabilis uminit ang ulo ko ngayon."

Hindi ko na rin kasi maiintindihan ang sarili ko. Mabilis na talaga magbago ang mood ko simula naging buntis ako at wala na ngang duda kung hindi pa nakakahalata si papa sa mga inaasal ko ngayon kahit nga ang pagiging pihikan ko sa pagkain.

"Lunch break na rin. Kain muna tayo, okay?" Tumango ako sa kanya. Nagugutom na rin kasi ako.

Pumunta kami ni Dante sa malapit na restaurant. Masarap ang pagkain nila dito.

"Naalala mo yung first date natin noon?" Tanong ni Dante habang nakatingin sa menu booklet.

"Paano ko naman makakalimutan iyon? Ikaw lang nakaisip ng first date natin iyon kahit hindi pa naman kita sinasagot noong panahong iyon."

"At sinabi ko rin sayo noon na susunod na date natin ay sa isang mamahaling restaurant. Hindi na sa isang street food."

"Sabi ko naman sayo noon hindi mo naman kailangan masyado mageffort. Kahit simpleng bagay lang ay masaya na ako. Ang gusto ko lang naman yung kasama kita, kung pwede nga lang."

Binaba ni Dante ang hawak niyang menu booklet para tumingin sa akin at hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table.

"Ang gusto ko kasi maging memorable ang bawat pagsasama nating dalawa. Simulang nangako tayo sa isa't isa, niligawan kita, kinantahan at marami pa. Pero ngayon may parating pa sa buhay natin." Ngumiti ako sa kanya. Kinikilig talaga ako sa mga sinasabi niya. Ito ang isang bagay ang nagustuhan ko sa kanya.

Tama si kuya Paul, seryoso si Dante sa isang relasyon kapag tinamaan talaga siya. Nakikita ko naman seryoso siya sa akin kahit malayo kami sa isa't isa.

"Anyway, alam mo bang ikakasal na si ate at kuya Steve next week?"

"Ang bilis naman? Parang last month lang nagpropose ang boyfriend ni ate Kath sa kanya ah."

"Iyon nga din ang iniisip ko noong nabasa ko ang sinend na invitation ni ate Kath sa akin. Baka naman buntis siya."

"Sa tingin ko hindi naman. May mga tao talaga gusto na magpakasal agad para makasama na ang mahal nila."

Si Dante kaya? Kailangan kaya niya ako balak yayain? Alam kong hindi pa tumatagal ang relasyon naming dalawa pero magkakaroon na kami ng anak.

"Sasama ako sayo pabalik ng Pilipinas."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon