Chapter 35

388 15 1
                                    

Ilang buwan na ang lumipas dahil naging busy kami sa parating na exams. At ngayon araw ay ang simula ng Summer break namin kaya makakapahinga na rin ako at makakapanood na ng anime. Sobrang tagal na rin noong huli kong panood na anime. Tambak na nga ang anime list ko ngayon dahil sobrang busy namin. High school pa lang kami pero ganoon na ka-busy ang mga estudyante lalo na kaming 3rd year at 4th year.

Nandito lang ako sa kwarto ko para manood ng anime sa laptop. Binuksan ko ang laptop pero facebook na muna ang binuksan ko ngayon para tingnan ang account ko at as usual wala naman akong notifications pero may isang message. Cliick ko yung 1 message tab na iyon para nalaman kung kanino galing at galing kay Dante ang message.

Dante: Pssst...

Faye: Pssst ka rin.

Dante: Free ka ba this Friday?

Faye: Oo naman. Bakit?

Dante: Yayain sana kita pasyal tayo sa Ocean Park dahil may binigay na apat na ticket si dad sa akin.

Faye: Ocean Park? Sure! Game ako. Pero sino pa yung dalawang yayain mong sumama sa atin?

Dante: Susubukan kong kausapin si Louie at kausapin mo na rin si Mich. Double date. Hehe...

Faye: Susubukan kong kausapin si Mich kung pwede siya this Friday ah. Kung hindi iba na lang.

Dante: Hindi rin ako siguradong makakasama si Louie pero kung hindi nga talaga sayang yung ticket kasi wala na akong maisip na iba pwedeng yayain.

Faye: Pipilitin ko si Mich tapos ikaw naman sabihin mo kay Louie na sumama para ilibre na niya ako dahil sucess naman yung operation paghingi ng sorry kay Mich.

Simula noon kasi ay pinapansin na ulit ni Mich si Louie. Naging okay na rin at tanggap ni Mich na hanggang kaibigan lang talaga sila ni Louie.

Kasi nga lalaki po ang hanap ni Louie hindi babae.

Pagkatapos namin kumausap ni Dante ay nagmamadali ako pumunta sa bahay nila Mich at sakto ang mama niya ang nandito sa labas ng bahay nila.

"Good morning po, tita. Si Mich po?"

"Pasok ka, Faye. Nasa kusina si Mich ngayon at kumakain ng agahan." Sabi ng mama ni Mich at ngayon pa lang kumakain ng agahan ang bruha. Anong oras na.

"Mich!" Tawag ko sa kaibigan.

"Aga aga makasigaw ka diyan wagas, Faye." Inis na sabi sa akin ni Mich.

"Anong aga pa? It's already 11:05am, almost lunch na nga kaya."

"Ano ba ang kailangan mo at nandito ka ngayon sa bahay?"

"Punta tayo sa Ocean Park this Friday, please? Para kasing gusto ko makita ang mga animals doon."

"Bakit hindi na lang sa zoo? Ocean Park pa talaga. Ang layo kaya noon."

"Mas malayo ang zoo at ayaw ko na doon dahil noong grade school tayo ay doon palagi ang field trip natin kaya nakakasawa na makita ang mga animals sa zoo."

"Sige, sige. Pupunta tayo sa Ocean Park this Friday. Kung hindi lang kita mahal diyan, hindi ako papayag."

"Thank you, Mich. Kaya mahal na mahal kita, bes." Niyakap ko si Mich sa sobrang saya ko. Mission accomplished! Sana mapapayag ni Dante si Louie sumama. "Wala ng bawian ah."

"Oo. At saka bitawan mo na ko dahil kumakain pa ako." Sinunod ko na si Mich at baka magbago pa ang isip niya.

"Ano pala magandang anime ngayon? Ang dami kasi nakalista sa anime list ko pero hindi ko alam kung alin ang uunahin ko." Tanong ko bigla sa kanya habang abala naman sa pagkain si Mich.

"Try mo panoorin ang yaoi anime. Marami akong collection sa laptop ko." Suggest nito sa akin habang ngiti ng nakaloko si Mich ngayon. Maling tao yata ang kinausap ko. Obvious naman yaoi ang sasabihin nito.

"Mich naman. Alam mo namang wala akong interest sa hilig mo. Matutuwa na sana ako sa huling bigay mo sa aking anime noong grade school pa lang tayo, tanda mo yung Gakuen Heaven? Proud pa ako dahil ang daming gwapong lalaki doon. Tapos yung dalawang bida nag-kiss." Pinaghahampas ko ang braso ni Mich dahil naiinis ako sa kanya. Hinding hindi ako maka-move on doon. Ang gwapo kasi nilang lahat. Bwesit!

"At least hindi yung crush mo ang hinalikan sa ending noon." Sabay tawa na parang isang evil witch.

"I hate you! Guguluhin ko na lang si Angel kung may maibibigay ba siya sa aking magandang anime."

"Si Angel? Seryoso? Katulad ko rin kaya iyon." Napasimangot ako dahil nawala sa isip kong pareho pala sina Mich at Angel sa hilig sa anime. BL fanatics.

"Eh, si Nath na lang guguluhin ko. At least iyon pareho na kami ng hilig. Pareho kami mahilig sa normal couples unlike you and Angel, ang weird ng taste. Paano na lang kung malaman mong lalaki pala ang gusto ni Louie? Titili ka ba?"

"Lalaki? Bakit mo naman naisip na lalaki ang gusto ni Louie?"

"Kasi naman wala siyang interest sa babae, baka lang lalaki ang hanap niya talaga."

"Imposible. Hindi halatang lalaki ang hanap niya. Kaya lang naman niya ako nireject noon dahil ayaw niya ako umasa at masyado pa daw kaming bata. Katulad mo rin si Louie, Faye ang pagaaral na muna ang inaatupag. Gusto kasi niya makatulong na agad sa pamilya niya."

Aw, ang sweet naman pala ni Louie. Hindi halata.

"Kinausap ka ba ni Louie bago niya akong lapitan at humingi ng sorry noong Valentines?" Napalunok ako sa biglang tanong ni Mich sa akin.

Patay! Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na tinulungan ko si Louie para magkaayos sila pero ang kapalit ay ililibre niya ako.

"Yup. Tanda mo noong school festival natin? Kaya ako natagalan pagbalik sa gym dahil kinausap ako ni Louie. Humingi rin siya ng sorry sa akin pero ang sabi ko sayo siya humingi ng sorry hindi sa akin."

"Kaya pala nakakapagtataka na binigyan niya ng flower noong Valentines. Akala ko nga peace offering sa church pero nakikita ko namang nagsisi siya sa ginawa niya noon kaya pinatawad ko na rin. Pero alam ko namang hindi ka basta basta tumutulong kung walang kapalit. Kilala kita, Faye." Napalunok ulit ako ng ilang beses. Nawala sa isip kong kilala nga pala namin ang isa't isa.

"Sorry na, Mich. Gusto ko lang kasi magkaayos kayong dalawa at ang sabi mo nga mukhang nagsisi na si Louie sa nangyari. Nakikita ko ang guilt sa mga mata niya."

"Ano naman ang kapalit?"

"Ililibre niya ako."

"Ibang klase ka talaga kahit kailan. Ipagpapalit mo ko sa pagkain."

"At least mabubusog naman ako at hindi ako makatanggi sa grasya." Proud kong sabi habang pailing naman si Mich. Kahit ganito ako sa kaibigan ay alam ko namang mahal pa rin ako ni Mich at hindi niya ako iiwanan sa ere.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon