Chapter 25

418 14 0
                                    

Sa sumunod na araw at sa sumunod pang mga araw ay naging busy kaming lahat dahil ang daming pumuntang estudyante from other school. Heto na ang last day ng butler-maid cafe dahil bukas ang basketball tournament. Kaya siguro mas marami ang pumunta ngayong araw at sobrang saya ko dahil hindi ko ito makakalimutan at memorable ito sa akin pagkagraduate namin kahit may isang taon pa bago ang graduation.

May narinig akong bagong pasok kaya ako na ang lumapit sa bagong dating na customer. Marami kasi ginagawa ang mga kaklase ko.

"Ano ang-- sir?!" Nagulat ako ng makita si mr. Martinez pala ang bagong dating na customer.

"You look pretty in your costume, Faye." Nakangiting sabi ni mr. Martinez sa akin. Kung hindi pa ako nireject ni mr. Martinez noon ay siguro tumabamling na ako sa tuwa dahil baka hanggang ngayon crush ko pa rin siya. "Anyway, pupunta rin si Peter rito dahil niyaya ko siya."

Huh? May date sila? Sir, umamin ka nga sa akin bakla ka? Pero imposible dahil may anak ma si mr. Martinez sa Japan, eh. Baka si kuya Peter ang bakla pero lagot siya kay papa kapag bakla nga ang magaling kong kuya.

Napalingon ako dahil may bagong dating na naman and obviously it's my big brother. Lumapit na siya sa table ni mr. Martinez.

"Sorry kung ngayon ako, Paul. Ang daming ginagawa sa trabaho." Sabi ni kuya Peter. Hindi ko pa ba nasasabi ang work niya, no? Isang computer engineer si kuya Peter sa isang kilalang kumpanya. Noong grumaduate siya ay maraming kumpanya ang gusto siyang kunin at gusto nga rin ni papa sa kumpanya rin magtrabaho pero ayaw niya. Wala rin balak si ate Kath kaya no choice ang lola niyo dahil ako ang hahawak ng kumpanya namin pagkatapos ko sa pagaaral. Dapat kasi si kuya Peter dahil siya ang lalaki or let say gay.

Joke lang. Hindi siya bakla. May napupusuan iyan ayaw lang sabihin.

Binaling ni kuya Peter ang tingin sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Panget ba ako? Pero kilala ko si kuya Peter dahil malakas mangasar nito sa akin.

"Hindi ko alam na ikaw pala iyan, Faye." Sabi ni kuya Peter sabay upo na sa harapan ni sir Martinez.

"Sino inaasahan mo? Yung crush mo sa school namin? Akala mo hindi ko mapapansin ah." Nakangisi kong sabi sa kanya. Makabawi lang masaya na ako.

"May crush ka dito, Peter?"

"Wala, uy! Maniwala ka naman dito sa kapatid ko." Natatawang sagot ni kuya Peter sabay tingin ng masama sa akin. In denial stage pa kasi.

"Faye!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Dante na nakatayo sa labas ng classroom namin dahil may practice pa sila ng basketball. "Pinapatawag ka ni ms. Morales sa faculty."

Parang hindi maganda ang atmosphere ngayon sa classroom namin. Alam kong ayaw ni kuya Peter kay Dante dahil isa nga itong babaero.

"Sige, pupunta na ako doon mamaya. Salamat." Sagot ko naman sa kanya.

Nagpaalam na si Dante na kailangan na niyang bumalik sa gym para sa practice nila pero napansin kong tumayo si kuya Peter at lumabas ng classroom na hindi man lang nagpaalam sa amin ni mr. Martinez.

"Ano nangyari?" Takang tanong ni mr. Martinez kaya nagkibit balikat lang ako. "Bukas na ang laro sa basketball at sana makapanood ka ng laban."

"Oo naman po. Susuportahan ko kayo ni Dante kahit iba ang team niyong dalawa."

Lunch break na kaya pumunta na ako para puntahan si ms. Morales sa faculty. Kumatok na muna ako sa pinto bago buksan.

"Ma'am, sorry po kung ngayon lang ako dahil ang daming ginagawa ngayon." Paghingi ng tawad kay ms. Morales. Ang inaasahan ko ang masamang aura pero iba ang aura ng class adviser namin ngayon.

"It's okay. Alam ko naman busy kayo ngayong araw dahil ngayon ang last day ng booth kaya maraming tao ang pumunta ngayon. Kaya kita pinapupunta dito para tanungin sayo kung kamusta na ang bonfire dance party para sa last day ng school festival?"

"Magiging maayos naman po ang lahat. Magiging tagumpay ang school festival ngayong taon at magiging memorable kumpara po sa mga nakaraang taon."

"Good. Sana pareho rin mangyayari next year pero alam ko rin naman hindi na ikaw ang magiging student council president."

Every year kasi bumoboto kami sa magiging student council officers. Ang kailangan maging student council president ay kahit sino trip nila sa 3rd year. Pero ang masaklap 4th year na ako next year. Enjoy ko pa naman ang pagiging student council president kahit stress minsan dahil natupad ko ang pangarap ko. Kahit isang taon lang maexperience ko maging anime ang mangyayari sa school festival. Kaya ngayong taon most memorable para sa akin.

Pagkatapos kong kausapin si ms. Morales ay nagpaalam na ako para bumalik sa classroom namin. Ilang metro na lang sa classroom pero may naririnig ako naguusap at nagtago sa isang pader. Eh, ako pa naman may dakilang tsismosa minsan.

"Peter, sa anong dahilan kung bakit ka umalis kanina?" Teka boses ni mr. Martinez iyon ah. Silang dalawa pala ni kuya kuya Peter ang naguusap.

"Hindi lang naman ako pumunta rito dahil niyaya mo ko. Pumunta ako dahil gusto ko ring makausap ang kapatid mo."

"Si Dante?"

"Bakit may iba ka pa bang kapatid maliban kay Dante?"

"Wala. Bakit ba gusto mong makausap si Dante?"

"Napapansin ko ang closeness nila ni Faye at alam mo naman ayaw ko sa kanya dahil isa siyang babaero. Ayaw kong makitang umiiyak ang kapatid ko."

"Sa tagal ko na rito nagtuturo ay ngayon ko lang nakita si Dante na wala kasamang babae maliban kay Faye. I'm sure he's serious."

"How about you? Ang akala ko ba hinihintay mo lang grumaduate si Faye bago mo siya ligawan." Nagulat ako sa sinabi ni kuya Peter. Liligawan ako ni mr. Martinez pagkagraduate ko? Pero nireject niya ako noong Christmas break.

"Nakalimutan mo na yata pupunta ako ng Japan pagkatapos ng school festival. At inamin sa akin ni Faye noon ang nararamdaman niya para sa akin but I rejected her."

"Kailan nangyari iyan?"

"During Christmas break. Sorry, bro hindi ko intensyon saktan ang kapatid mo. At may gusto ako itatapat sayo."

"Ano naman iyon?"

"Remember Ana? My ex girlfriend?"

"Hindi ba matagal ka ng walang balita sa kanya?"

"Actually, I got a call from a friend last year. Nakita niya si Ana sa Japan na may kasamang bata."

"Bata? Kasal na pala siya."

"No, bro. Pinaimbestiga ko sa kanya si Ana at nalaman kong she is not married or have a boyfriend after we broke up."

"Don't tell me..."

"Yes, bro. Her child is mine. Nangyari ang lahat na iyon bago kami nagkahiwalay. I have no idea she is pregnant."

"Makikipag balikan ka sa kanya?"

"No. Makita ko lang yung bata ay ayos na sa akin. Wala na akong balak bumalik sa buhay ni Ana."

Hindi ko tuloy alam kung masasaktan ako sa narinig ko kanina dahil may balak pa lang ligawan ako ni mr. Martinez pagkagraduate ko ng high school. Hindi ko alam may gusto siya sa akin but why he rejected me? Ang daming tanong gusto ko tanuntin sa kanya.

"Faye." Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Dante. Agad ko siya tinulak palayo baka kasi marinig niya ang pinaguusapan nina mr. Martinez at kuya Peter. "Bakit mo ko tinutulak?"

Hindi ko rin alam kung bakit. Baka kasi mahal pa rin ni Dante ang ex niya kahit hindi niya sabihin sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya noon habang kinukwento niya sa akin dati.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon