Chapter 58

346 11 0
                                    

Sumama na rin sa amin si papa umuwi ng Pilipinas para dumalo sa kasal ni ate Kath. Noong kasal nga ni kuya Peter ay hindi siya dumalo pero kay ate Kath dumalo siya dahil gusto niyang hatid si ate Kath sa aisle.

Ang ganda nga ni ate Kath sa suot niyang wedding dress. Maliban kay mama ay naiiyak na rin ako dahil masaya ako para sa kapatid ko. Ako na nga lang ang natitira sa bahay namin. Wala pa kasi sa plano namin ni Dante ang magpakasal, baka nga mauuna pa ako manganak kaysa yayain ako ni Dante.

Ngayon nandito kami sa simpleng reception. Imbitado nga rin ang mga kaibigan namin ni Dante kaya laking tuwa ko ng makita silang lahat.

Ang tungkol kay kuya Peter at ate Rian ay ang cute ng niece ko. Si baby Aisha.

"Bes." Nilingon ko si Mich noong tawagin niy ako. "Musta ka na?"

"I'm fine. Busy nga lang ako sa trabaho kaya hindi na ako nakakatawag sa inyo." Sagot ko bago tumingin kay Nathalie. "Ang balit ko magkakaroon ka ulit ng meet and greet sa darating na anime event."

"Yup. Gusto mo ba? Nagbibigay ako ng free ticket. Bibigyan ko na rin sila Mich at Angel ng ticket."

Napapaisip ako bigla, ano pa silbi ng free ticket kung pwede naman kami kumuha ng picture kasama si Nathalie na kahit kailan namin gusto.

"We can take a picture with you anytime we want." Sagot ko sa kanya.

"Alam ko pero ang gusto ko rin makasama kayo sa autograph session ko. Balak ko kasi cosplay tayong apat." Sabi nito sa akin. Ngumiti akong tipid sa kaibigan, ako lang yata ang magcocosplay na buntis. "Kung gusto mo pwede rin natin isama si Dante."

"A-Ako?" Sabay turo ni Dante sa sarili.

"Yes. Partner by partner sana."

"Nath, ako ang walang partner. Alam mo naman iyon." Pagmumuktol ni Mich.

"Me. I can be your partner." Lahat kami napatingin sa gawi ni Louie.

"Weh? Pinapaasa mo na naman ako, Louie. Huwag na lang. Maghahanap na lang ako ng iba pwede ko maging partner."

"Tsk. Hindi ko naman sinabi sayong umasa ka sa akin pero seryoso ako na maging partner mo sa darating na anime event."

"No thank you. Ayaw ko naman magdala ng yelo sa function room ng anime event."

"Tsk. Kung ayaw mo, huwag! Ikaw na nga itong tinutulungan para hindi ka kawawa." Sabay tayo ni Louie at umalis sa table namin. Napikon yata kay Mich.

"Nathalie, wala akong alam sa cosplaying. Wala nga ako masyadong alam sa anime. I mean konti lang ang alam ko sa anime." Napalingon ako kay Dante habang kinakausap si Nathalie.

"Tanungin natin si Faye. Sinong character ang gusto mong i-cosplay?"

"Hindi ko pa alam kung makakapunta ako."

"Punta ka na, Faye. Sayang makakapasok tayong libre para makikita natin si Nath kahit palagi naman natin siya nakakausap." Sabi ni Angel.

Tumingin ako kay Dante bago binaling ang tingin sa mga kaibigan ko.

"Kung makakapunta kami ni Dante. Ang gusto kong i-cosplay si Red Blood Cell kaya lang wala naman akong costume niya."

"Huwag mo na problemahin ang costume. Kami na bahala ni Eren."

"Huh? Kasama pa ba ako doon?" Gulat na tanong ni Eren. Ang laki na talaga ng pinagbago niya simulang nakilala niya si Nathalie.

"Of course, kailangan ko ng tulong mo. Sponsor kaya kita, babe." Sabay yakap sa braso ng kanyang boyfriend. Nakita ko naman pagsimangot ni Mich. Sa aming apat si Mich na lang ang walang partner o boyfriend, si Angel kasi hanggang ngayon nililigawan pa siya ni Shawn. Ewan ko kung kailan niya balak sagutin si Shawn. "Ikaw, Angel? Sino gusto i-cosplay?"

"Hm, ang gusto ko sana si CC ng Code Geass." Lumingon naman siya kay Shawn. "Ayos lang ba sayo maging Lelouch?"

"Oo naman. Favorite ko rin naman si Lelouch."

"Sina Faye at Dante bilang Red Blood Cell at White Blood Cell. Sina Angel at Shawn naman bilang CC at Lelouch." Tumingin naman si Nathalie kay Mich na ngayo'y tahimik lang. "Makipag bati ka na kasi kay Louie, Mich. Siya na nga nag-offer na maging partner mo."

"Pafall naman kasi ang lalaking iyon, eh."

"Masanay ka na sa kanya. Dapat alam mong ganoon ang kaibigan ko."

"Bakit ba kasi ganoon si Louie ah?" Nagkibit balikat si Dante sa kanya. "Kainis naman kasi siya. Akala mo kung sino."

"Faye." Tumingin ako kay Angel noong tawagin niya ako. "Napapansin ko kakaiba ang aura mo ngayon. Ano meron?"

"Huh?" Kunot noo ako nakatitig sa kanya. Naguguluhan ako sa ibig niyang sabihin.

"Napansin ko kasi blooming ka ngayon."

"Oo nga, Faye." Pagsasang ayon ni Nathalie. Tumingin na rin si Mich sa akin sabay tango.

Nilingon ko si Dante at binigyan na niya ako ng isang mabilis na tango. Parang gusto niyang sabihin ko na sa mga kaibigan ko ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"Huwag kayo mabibigla ah."

"Ano ba iyon?" Sabay nilang tatlo.

"Buntis kasi ako ngayon at magdadalawang buwan na."

"What?!" At nabigla silang lahat. Kakasabi ko lang wag sila magbibigla, eh.

"Hayop ka talaga, Dante. Binuntis mo ang best friend ko." Inis na tugon ni Mich kay Dante.

"What? Ganoon talaga kapag nagmamahalan, Mich. Kaya kung ako sayo maghanap ka ng lalaki magmamahal sayo." Nang aasar pa ang lalaking ito sa kaibigan ko.

"Hmph. Sa grupo natin ako na lang yata may balak magmadre." Sabi nito.

"Narinig ko na ang katagang na iyan, bes." Nakangiting sabi ko. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila noong hindi pa kami nagkakaayos ni Dante. May balak na lang ako magmadre dahil ayaw ko ng masaktan pang muli. Nasaktan na kasi ako noong nireject ako ni kuya Paul kaso mas nasaktan ako ng mahuli ko si Dante na may kahalikan na babae sa may music room.

"Mag-sorry ka na kasi kay Louie para naman world peace na." Sabi ni Angel sa kanya.

"Ayaw ko." Pagmamatigas ni Mich. Hay naku, bumalik na naman ang pagiging matigas ulo ng kaibigan kong ito.

"Mich, makipag bati ka na kay Louie." Seryosong turan ko sa kaibigan.

"Fine. Kakausap ko na siya pero hindi ako mangangako magkakabati kami agad ah." Tumayo na siya para sundan si Louie kung saan man iyon pumunta.

Sana nga lang magkaayos na ang dalawa para matapos na.

"Palagi ba ganoon ang dalawa?" Tanong ko sa iba.

"Hindi naman. Naging ganoon lang sila simulang sinabi sa amin ni Mich na tinakda daw siyang ikasal sa taong hindi naman niya mahal." Napakurap ako sa sinagot ni Shawn.

"Talaga? Ikakasal ang kaibigan ko? Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon ah."

Wala akong alam tungkol doon ah. Ni minsan ay wala kasing binanggit si Mich tungkol sa pagpapakasal niya. Kaya ba ganoon si Louie dahil mahal na niya ang kaibigan ko? Imposible. Kilala naming lahat si Louie at walang interest pumasok sa isang relasyon.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon