Chapter 15

487 14 0
                                    

Nagsalu-salo na kaming lahit kasama ang pamilya ni Mich. As usual, kaming dalawa ni Mich ang magkasama sa labas ng bahay namin at dito kami kumakain.

"Hindi ko yata nakita si mr. Martinez na bumisita ngayon?" Tanong ni Mich.

"Mich naman. Nang aasar ka ba sa akin?"

"Hindi naman pero nakakapagtataka lang kasi palagi siya nandito tuwing new year's eve para batiin tayong lahat."

"Baka busy lang ang tao. Hindi ba nga aalis na siya ng bansa?" Tinuloy ko na ang pagkain ko. Ayaw ko na rin naman makita ang pagmumukha ni mr. Martinez. Kahit siya pa ang teacher ko sa English. May ilang araw pa ako na makikita ko siya araw-araw.

"Bes, look!" Napatingin ako sa tinuturo ni Mich. May fireworks na nagpapaputok ngayon. Ang ganda talaga. "Ang aga naman nila magpaputok. Wala pang 12:00 AM."

"Excited lang siguro sila para sa bagong taon. Mamaya pala pagkatapos natin kumain ay maglaro tayo habang hinihintay ang bagong taon."

"Sure, anong laro ang lalaruin natin?"

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na muna si Mich sa kanila para kunin ang board game na lalaruin namin.

Pagkabalik niya ay may bitbit na siyang chess board.

"Chess?"

"Yep, maglalaro tayo ng chess at dapat matatalo mo na ako."

"Ang daya naman."

Inaamin kong wala akong alam masyado sa chess kaya hindi ako manalo nalo kay Mich noon.

"Anong consequence mo?"

"Maya na natin pagusapan ang consequence na ibibigay ko sayo sa bawat talo mo. Kailangan mong manalo na sa akin."

Sa panaginip na lang iyan mangyayari. Malabong manalo ako kay Mich.

9-0

Sabi na nga bang malabo ako manalo sa larong chess. Palagi pa namang checkmate si Mich.

"Checkmate ulit! Paano ba iyan, Faye?"

"Tsk. Ang daya naman kasi. Alam mo namang wala akong laban sa chess."

"Isa lang ang ibibigay kong consequence sayo." Sabi niya. Pinagdadasal ko na sana madali lang kumpara last year. Mamatay matay ako sa pinapagagawa niya sa akin.

"Ano ang consequence ko?"

"Ang consequence mo ay ang kausapin si mr. Martinez." Napatingin ako bigla kay Mich.

"Seryoso ka ba? Iniiwasan ko nga yung tao, eh."

"I'm serious, bes. Kailangan mong kausapin yung tao at baka nagsisi ka na hindi mo siyang nakausap habang nandito pa siya."

"Fine!" Padabog akong tumayo at naglakad papunta sa bahay ni mr. Martinez. Nagdoorbell na rin ako para alam niyang may tao sa labas ng bahay niya.

Pero ilang pindot na ako sa doorbell ay walang sumasagot.

"Mukhang umalis kasi wala namang sumasagot eh." Sabi ko kay Mich.

"Weird. Hindi man lang natin napansing umalis siya kanina."

"Baka naman kaninang hapon pa siyang uma--" Napahinto ako ng bumukas ang gate. Nandito pala siya.

"Maiwan ko na kayong dalawa." Pinapanood ko si Mich naglalakad pabalik sa bahay namin.

"What do you want, Faye?"

"Uh, um..." Napakamot ako ng ulo ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Happy new year."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon