Chapter 39

322 15 0
                                    

Pagkagising na pagkagising ko ay kumain na muna ako ng almusal and after that, as usual nanonood na ako ng anime. Ang dami ngang magagandang anime pero hindi ko alam ano ang uunahin kaya ang pinapanood ko ngayon ay Assassination Classroom. Nakakatuwa nga si Korosensei, eh. Pero may scene din ang nakakaiyak. Nagmumukha na nga akong baliw dahil iyak tawa ang kaganapan habang nanonood ng anime sa harapan ng laptop. Kung nandito lang si kuya Peter ay panigurado akong aasarin ako noon.

Speaking of my brother, bihira ko na lang siya makita ngayon. Baka busy lang sa trabaho niya.

Nang tinawag na ako para kumain ay bumaba na ako para makakain. Nagugutom na kasi ako.

Napatingin ako sa orasan dahil malapit na pala mag-1pm. Late na rin kasi kami kumain ng lunch.

Teka, parang may nakalimutan ako dapat gawin ngayong araw ah. Ano ba iyon? Hindi ko kasi maalala.

"Fay-- Hello po." Bigla ko narinig ang boses ni Dante at doon ko lang naalala na ngayon pala ako magsisimula as his pretend girlfriend. Kahit labag sa kalooban ko.

Nagmamadali na ako kumain at noong matapos na ako ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko.

"Wait lang, Dante. Maliligo lang ako at magbibihis. Mabilis lang." Tumakbo na nga ako umakyat sa taas para makaligo na agad. Kakahiya naman kung hindi ako magasikaso. Papakilala ako ni Dante sa parents niya.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng simpleng damit lang. Hindi ko naman kailangan magsuot ng formal dress, casual okay na. Hindi naman party ang pupuntahan namin.

Party? Sa ganitong oras?

Nagsuot na rin ako ng sneakers bago bumaba ng hagdanan.

"May lakad ba kayo ng anak ko?" Narinig kong tanong ni papa.

"Yes po. Papasyal kami hanggang bakasyon pa po namin. Boring po kasi sa bahay walang ginagawa." Sagot naman ni Dante. Nagsinungaling pa kay papa. Sabagay magagalit si papa kung malaman niyang ang tungkol sa pretend girlfriend churva ni Dante.

Sasagot pa si papa ay pumunta na ako sa may sala.

"Let's go." Tiningnan lang ako ni Dante from head to toe sabay ngiti sa akin.

"Sige po, tito. Alis na po kami ni Faye at iuuwi ko siya bago gumabi."

"Sige, magiingat kayong dalawa ah."

"Bye po, papa." Hinalikan ko si papa sa pisngi bago lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay may kotse ang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Hindi pala kami magcocommute ngayon dahil may sundo kami.

"Good afternoon, ms. Faye." Bati ng driver nila Dante sa akin.

"Good afternoon rin po."

"Faye, siya si manong Ben. Katiwala ni dad. Tara na po, manong Ben baka naghihintay na si dad sa bahay."

Alam ko naman mayaman ang pamilya ni Dante kaya aasahan ko na lang malaki ang bahay nila. Hindi pa kasi nakakarating sa bahay nila, kahit nga sa condo nito hindi pa.

May nakita na ako isang malaking gate sa tapat namin, isang busina lang ni manong Ben ay bumukas na ang gate.

Wow, automatic ang gate.

Pinasok na ang sasakyan para iparada sa isang parking space dito. Bumaba na kami ni Dante pero namangha ako dahil ang lawak ng labas tapos may garden pa sila. Hindi kaya maligaw ako rito. Ang laki kasi.

"Tara na sa loob baka maghihintay na si dad." Alok ni Dante sa akin kaya pumasok na rin ako.

Kung gaano kaganda ang labas nila ay mas maganda ang loob ng bahay. Isang modern house siya at ang ganda rin ng pagka organize ng mga furnitures nila.

May isang matandang babae ang lumapit sa amin. Sa tingin ko nasa mid 50's na siya.

"Faye, ito naman si manang Gina. Matagal na siya sa amin dahil siya rin ang nagalaga sa akin simulang bata ako." Pagpakilala sa akin ni Dante.

"Nagagalak kitang makilala, hija." Masayang masaya si manang makilala ako.

"Manang, si dad po?"

"Teka lang tatawagin ko lang ang daddy mo." Umalis na sa harapan namin si manang Gina.

"Hindi mo naman sinabi sa akin ang ganda pala ng bahay niyo."

Hindi ko naman sinabing hindi maganda ang bahay namin pero kumpara dito. Wala na ako masabi. Speechless ang lola niyo.

May nakita na ako isang may edad na lalaki na kamukha ni Dante. Siya na siguro ang ama ni Dante.

"Dante. Siya na ba ang nililigawan mo, son?"

"Yes po. Si Faye Silva, dad."

"Hello po." Nahihiya ako dahil first time ko pumunta sa ibang bahay at ipakilala sa pamilya.

"Don't be shy, hija. Feel at home ka lang."

Umupo na ulit kami sa sofa at ang papa naman ni Dante ay umupo sa harapan namin.

"Ano pala trabaho ng mga magulang mo, Faye?"

"Isa pong businessman si papa at doon sa US ang main branch namin pero meron rin kaming branch dito sa Pilipinas. Si mama naman po ay isang housewife lang."

"Silva group of company, tama ba?" Magalang akong tumango sa papa ni Dante. "Sabi na nga ba parang familiar sa akin ang apilyido mo. At sinabi rin sa akin ni Dante na pagaaral na muna ang inaatupag mo bago ang ibang bagay.

"Yes po. Gusto ko po kasi maging pround sa akin ang pamilya ko kaya ginagawa ko ang lahat."

"Ano ang balak mo pagkagraduate niyo ng high school? Saan mo balak mag college?"

Hindi naman sinabi sa akin ni Dante may question and answer portion pala ngayon. Sana man lang handa ako sa nangyari.

"Balak ko po sana sumunod kay papa sa US at doon magaral ng business. Baka doon na rin po ako mag take ng Masteral pagkagraduate ko ng college."

"Wala ka bang kapatid?"

"Meron po pero wala naman silang balak mag handle ng kumpanya kasi ang kuya ko ay nagtrabaho sa isang kumpanya bilang computer engineer at ang ate ko naman po isang nurse sa isang ospital."

Sabi ko nga noon balak ko maging programmer pero importante ang kumpanya namin. Makapag hihintay pa naman ang pagiging programmer ko kaya magaaral ulit ako. Iyon na ang plano ko ngayon.

Baka dito na ako sa Pilipinas magaaral, hindi na sa US.

"I like you for my son. Sana kayo ang magkatuluyan sa huli." Ngumiti ako sa papa ni Dante. I'm not sure, ang sabi ng iba ay marami daw gwapong Americano.

Joke lang! Bawal bigyan ng malisya ang sinabi ko.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon