Chapter 27

412 19 0
                                    

Ang awkward talaga dahil wala niisa sa amin ang nagsasalita habang naglalakad. Hinahatid kasi ako ni Dante para siguradong safe ako makarating sa bahay. As if naman ang layo ng bahay ko sa school.

"Dante." Nilingon niya ako pero binalik ang tingin sa daanan. "Gusto ko lang malaman kung ano ang pinagusapan niyo ni kuya."

Dakilang tsismosa ko, no?

Ganito ako, lumalaki ang tenga kapag may showbiz.

Joke lang!

"Alam mo naman ayaw sa akin ng kuya mo kaya sinabi ko sa kanya na papatunayan kong hindi kita lolokohin. Nakunbinse ko naman siya." Naglakad ako papalapit sa kanya sabay yakap mula sa likod. Muntik na ngang mawalan ng balanse si Dante sa ginawa ko. "Faye?"

"Salamat sa lahat na bagay para maging masaya lang ako pero hindi ko alam kung kaya ko ba talagang suklian ang nararamdaman mo para sa akin."

"Sabi ko nga sayo hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko."

Hindi ko talaga alam kung kaya ko ba siyang mahalin rin katulad ng pagmamahal niya sa akin. Kilala si Dante sa school na isang certified playboy, halos lahat na kababaihan sa school namin ay baliw na baliw sa kanya at marami na rin siyang napaiyak na babae.

Hindi ko namalayan agad nandito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Kailangan ko na rin umuwi." Tumalikod na siya sa akin pero hinawakan ko ang laylayan ng uniform niya. "Bakit, Faye?"

"Um, kung okay lang sayo na friends na muna tayong dalawa. Focus na muna tayo sa studies natin para maging successful tayo."

"Oo naman." Nakangiti niyang sagot sa akin kaya ginantihan ko na rin siya ng isang matamis na ngiti.

"Thank you, Dante. Ingat ka sa paguwi mo ah." Kumaway na ako sa kanya ng makalayo na siya sa bahay.

Matagal ko ng tanggap si Dante bilang kaibigan ko. Doon naman nagsisimula ang lahat, diba? Hindi naman pwedeng lovers agad bago friends. Weird noon. Kailangan namin makilala ang isa't isa.

Pagkapasok ko ay dumeretso na ako sa kwarto ko at tinapon ko lang ang damit ko kung saan. Kinuha ko na rin ang iPad sa drawer ng side table. Titingnan ko rin kung online na si papa at hindi nga ako nagkamali dahil online kaya tinawagan ko na si papa. Sana nga hindi busy si papa sa work niya.

"Napatawag ka, Faye. May problema ba?" Tanong ni papa. At ayon sa background ni papa ay sa tingin ko sana opisina na siya. Umaga na rin kasi sa US ngayon.

"Wala naman po. Miss ko lang kayo, papa."

"Miss na rin kita, bunso. Musta naman kayo? Ang pagaaral mo?"

"Okay lang po kami rito. Naging busy lang po ako sa school dahil may school festival kami ngayong linggo. Alam niyo naman po isang student council officer itong bunso niyo, papa."

"That's good. Hindi mo pinapabayaan ang pagaaral mo."

"Hindi po mangyayari iyan, papa. Nangako ako sa inyo na magaaral ng maigi para makapagtapos ng high school na walang bagsak sa lahat na subjects ko para makasunod ako sa inyo diyan."

"No boyfriends allowed. Dahil sabi sa akin ni Peter may gusto daw sayo. Kaklase mo yata." Ngumuso ako. Nakarating na pala kay papa ang tungkol doon. Kung si Dante ay dakilang babaero, si kuya Peter naman ay dakilang madaldal.

"No boyfriends. Study first before boyfriend. Ayaw ko naman po madisappoint kayo sa akin."

"Good. Kung friends lang muna kayo ay walang problema at kung handa siyang maghintay makapagtapos kayo sa pagaaral ay baka tatanggapin ko na siya maging bahagi ng pamilya natin."

"Papa naman!" Narinig ko ang pagtawa ni papa. Ang bully niya. Kahit ganyan si papa ay mahal na mahal ko iyan.

"Maiba tayo, alam kong malayo pa ang birthday. Pero ano ang gusto mong regalo?"

"Ang umuwi po kayo sa birthday ko. Iyon lang po ang gusto kong regalo." Nakangiting sagot ko kahit alam ko naman malabo dahil maraming ginagawa si papa sa kumpanya namin sa US.

"Hm, susubukan ko. Ayaw kong mangako sayo baka umasa ka lang."

"Ayos lang po. Naiintindihan ko naman po na marami kayong ginagawa sa kumpanya ngayon."

"I have to go, Faye. May meeting pa kasi ako ngayon. Pakisabi sa mama at mga kapatid mo na baka umuwi ako sa Summer. I love you."

"I love you too." Binalik ko na ulit ang iPad sa drawer pagkatapos kong kausapin si papa.

Baka umuwi si papa sa Summer? I can't wait. Sobrang miss ko na kasi ang presensya ni papa.

Sa totoo lang wala ako maalalang nakasama ko ng matagal si papa noong maliit pa ako. Sa pictures at video calls ko lang siya nakikita. Kahit malayo siya ay nararamdaman kong mahal na mahal niya kaming lahat.

For me, he is the best father in the universe.

Bumangon na ako para magpalit ng damit. Nawala sa isip ko ay nakasuot pa nga pala ako ng uniform.

Bukas na nga pala ang laban sa basketball. Kaninong team kaya ang unang makakalaban bukas?

May narinig na akong kumakatok sa pinto kaya binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si ate Kath lang pala pero ngayon ko lang ulit nakita si ate Kath dahil busy siya sa mga duties niya sa ospital. Isa kasi siyang nurse graduate.

"Wala si mama ngayon at mukhang gagabihin rin si kuya kaya tayong dalawa na lang kakain." Sabi niya at nauna na siyang bumaba.

Sumunod na rin naman ako kay ate Kath papuntang dining room. Ang daming foods parang may fiesta. Eh, kami lang naman ang kakain nito.

Pero kumunot ang noo ko dahil ang pagkaalam ko ay hindi marunong magluto si ate Kath. Saang galing ang mga ito?

"Sino ang nagluto nito? Imposible naman ikaw." Tanong ko sabay sandok ng kanin at kuha ng isang sausage.

"Kakain ka na nga lang iinsultuhin mo pa ako. At binili ko lang ito sa dinaanan kong kainan kanina bago umuwi."

"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni kuya Steve sayo. Ni wala ka ngang wala sa gawaing bahay." Todo ang pang aasar ko kay ate Kath sabay subo.

Si kuya Steve o mas kilalang Stephen Foster ay kaklase ni ate Kath noong college. Isang Fil-Am si kuya Steve at naglakas loob kausapin si papa sa personal para payagan na mangligaw kay ate Kath noon. Pumayag naman si papa na ligawan ni kuya Steve si ate Kath at apat na taon kaya niligawan ni kuya Steve ang kapatid kong ito dahil sa no boyfriend policy si papa kapag hindi pa tapos sa pagaaral.

Akala niyo sa akin lang strict si papa, kahit rin kay ate Kath pero hindi siya strict kay kuya Peter. Ni wala ngang no girlfriend policy kay kuya Peter. Ang daya, no? Pero naiintindihan ko naman si papa dahil lalaki nga naman si kuya Peter habang kami ni ate Kath ay babae.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon