Chapter 9

612 26 1
                                    

Pagkatapos ng exam namin ay bakasyon na. Sawakas para naman makapahinga na rin ako at makapanood ng anime. Ang daming anime ang gusto kong panoorin ngayon. Pero bago ang lahat ay binuksan ko na muna ang facebook ko.

I have friend request from Dante. Wala naman masama kung i-aaccept ko ang friend request niya, ano?

Click accept.

Sasaraduhin ko na ang facebook ko biglang may nag-pop out sa messenger ko kaya binuksak ko iyon. I saw Dante's waving at me.

Dante: Salamat sa pag-accept sa akin. :)

Faye: Wala naman mawawala sa akin kung i-accept kita.

Dante: Wala talaga dahil okay naman tayo. You helped me before kaya tutulungan kita sa may gustong mang bully sayo.

Faye: No thanks. Nandiyan naman si Mich at Angel para tulungan ako.

Dante: Ouch. Anyway, may gagawin ka ba sa katapusan?

Faye: May lakad ako. Bakit?

Dante: Wala lang. Natanong ko lang.

Hindi ko na nireplyan si Dante dahil sinarado ko na ang facebook para makapanood na ako ng anime.

Sobrang enjoy ko ang panonood noong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Faye, bumaba ka na dahil kakain na tayo."

"Sige po, ate. Susunod na ako." Hindi ko namalayang gabi na pala. Ilang episode na ba ang napanood ko? Pinause ko na muna ang pinapanood ko para makakain na muna.

Hindi pa ako nakakaapak sa first step ng hagdan ay may narinig akong dalawang familiar na boses. Ang isang boses ay kay kuya Peter.

"Sumubok ako mag-apply sa Japan at natanggap ako." Sumilip ako para malaman kung tama ba ang iniisip ko. Laking gulat ko na lang nang makita kong si sir Martinez. Ano yung sinabi kanina? Nag-apply siya sa Japan at natanggap siya?

"Congrats, Paul."

"Thanks, pre."

"Hanggang kailan ka na lang dito?"

"Hanggang 2nd week of February. Kailangan ko pang magpaalam sa mga estudyante ko na aalis na ako."

Dapat masaya ako dahil hindi ko na siya magiging teacher pero Japan iyon, eh. Malayo. Hindi ko na siya makikita araw-araw, makakasama minsan paguwi at mamimiss ko siya. Si sir Martinez kasi ang first love ko. Puppy love naging true love.

Bumaba na ako at hindi ko na lang sila papansinin.

"Ah. Good evening, Faye." Rinig kong bati sa akin ni sir Martinez. Ang tibok ng puso ko, makatibok akala mo wala ng bukas. Like I said, hindi ko sila papansinin.

"Si mama?" Tanong ko kay ate Kath.

"Nauna ng kumain si mama." Sagot naman ni ate Kath kaya tumango na lang ako.

Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa pinaguusapan nila. Sumasagot naman ako kapag tinatanong nila ako. Ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin.

"Are you okay, Faye?" Tanong niya pero tuloy lang ako sa paghuhugas ng mga plato.

"Oo naman po. Bakit naman ako hindi maging okay?"

"But you don't look okay." Alam mo naman pala, bakit mo pa tinatanong sa akin kung okay ba ako? Pati tuloy sa sarili ko ay naiinis ako. "Matamlay ka kasi simula pa kanina."

"Bakit naman po ako magiging matamlay?"

"Siguro narinig mo kanina ang pinagusapan namin ni Peter." Napahinto ako sa paghuhugas sa platong hawak ko. "Ikaw pa lang ang unang estudyante na sasabihan ko. Sinubukan ko lang mag-apply sa Japan pero hindi ko inaasahan matatanggap ako."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon