Faye's POV
Ang bilis ng panahon dahil ngayon na ang araw na punta ko sa anime event. Hindi talaga pwedeng sumama si Mich kaya ako na lang magisa ang pupunta. Ito ang unang taon na hindi ko kasama si Mich.
Ang daming magagandang cosplayer na pumunta ngayon.
Ang ginawa ko lang naman ay nakipag picture sa kanilang lahat kahit wala naman akong kilala sa kanila. Masaya lang akong makita ang mga paborito kong characters.
Nang nakapasok na ako sa loob ay hirap na hirap akong pumili kung alin ba ang bibilihin ko. Parang gusto kong bilihin lahat na gusto ko pero papagalitan lang ako ni mama dahil kung anu-ano daw ang binibili ko.
Kung poster naman, puno na halos ang pader ko sa kwarto. Pillow sheet naman ay ang dami ko na rin, kung pillow... halos anime na ang pillows ko.
Ah! Alam ko na tumbler dahil nasira ang Free tumbler ko noon.
Nabili ko na ang tumbler pero hindi Free ang design. Cells at work ang design.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong familiar.
"Nagmamalik mata lang ba ako?" Kinusot ko ang mata ko baka nagmamalik mata lang. Pagkadilat ko ay wala na. Nagmamalik mata lang ako. Imposible naman kasing nandito si Dante.
Naglakad na ako papuntang food court para kumain na muna dahil nakaramdam na ako ng gutom at hindi sapat ang pagkain sa loob ng event.
Ang lungkot na magisa lang pumunta rito. Halos lahat na tao rito ay may kasama pero ako lang ang wala.
"Mukhang hindi mo yata kasama ang kaibigan mo." Inangat ko ang tingin para tingnan ang nagsalita at laking gulat ko ng makita si Dante. Nagmamalik mata na naman ba ako? Inabot ko ang isang kamay ko sa pisngi niya sabay kurot.
"Aray ko." Napakurap ako dahil nasaktan siya. Nandito nga si Dante sa harapan ko. "Alam kong cute ako kaya hindi mo na kailangang kurutin ako."
"Ang kapal mo din. Naninigurado lang ako baka nanaginip akong gising. Ano pala ang ginagawa mo dito?"
"Nabalitaan kong may gaganaping anime event rito kaya bumili ako ng ticket para sa meet and greet sa VIP cosplayer." May pinakitang dalawang ticket si Dante at agad ko kinuha ang isa.
"Whoa! Paano ka nakakuha nito?"
Ang swerte naman ni Dante dahil nakakuha siya ng ticket para sa meet and greet. Hindi ako nakabili dahil ang bilis maubos ng ticket nila.
"May nakita akong nagbebenta ng ticket. Sakto dalawa ang ticket na benibenta niya kaya binili ko na pareho."
"Bakit naman? Mukhang nagiisa ka rin naman."
"Para sayo ang isang ticket at akin naman ang isa."
Weh?
Hindi ko alam mahilig rin pala si Dante sa anime. Ang akala ko sa mga babae lang siya mahilig.
Sobrang saya ko ngayong araw dahil nakita ko sa personal ang idol kong cosplayer na si Nathalie. May picture at autograph pa niya ako.
"Marami salamat ah. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya ngayon dahil hindi ko akalain makikita ko sa personal ang idol ko."
Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari ngayon.
"You're welcome."
"Pero hindi ko inakala pupunta ka sa ganitong klaseng event."
"Maliban kay Louie ay wala nakakaalam sa pagkahilig ko sa anime. Isa akong closet otaku, wala pwedeng makaalam tungkol doon."
"Why not? Masaya naman ang maging otaku. Lahat na gusto mo ay magagawa mo."
"Alam mo naman pagtatawanan lang ako ng ibang tao."
Hindi dapat ganoon, dapat maging proud ka kung ano ka talaga. Ano ba pakialam ng ibang tao tungkol sa hilig mo sa buhay? Hindi naman nila hawak ang buhay mo.
"Ano ba pakialam nila kung mahilig ka rin sa anime?"
"Masisira ang pangalan ko sa school."
"Psh, masyado ka advance kung magisip. Hindi mo pa nga alam kung iyan ba talaga ang iniisip ng mga fangirls mo. Subukan mong sabihin mo sa kanila. Maging proud ka sa sarili mo."
"Ganoon ka rin ba noong hindi mo pa alam na mahilig ka sa anime?"
"Mahilig na ako sa anime noong bata pa ako. Kami ni Mich."
Tanda ko pa noon paramihan kami sa asawa naming anime character.
"Dapat maging proud ka sa pagkahilig mo sa anime."
"Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang ginagawa mo pero susubukan ko. Salamat, Faye." Nakita kong ngumiti si Dante sa akin. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng tunay dahil sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti ay nakikita kong fake ang lahat.
"Mabuti ngumiti ka ng isang tunay na ngiti."
"Eh? Palagi naman tunay ang ngi--"
"Hindi iyon ang nakikita ko noon. Iba ang ngiti mo ngayon kumpara sa ngiti mo sa tuwing kasama mo ang mga fangirls mo." Tumingin ako sa kanya dahil nakatingin pala sa akin si Dante. "Kung may problema ay nandito lang ako para makinig sayo."
"Alam mo naman kung gaano ayaw ko sa kapatid ko." Tumango ako sa bilang pag sang-ayon ko. "Ang totoo niyan ay hindi naman talaga kami ganito noon. Nagsimula lang noong may babae ako naging girlfriend pero nakipaghiwalay siya sa akin kaso isang buwan pa lang noong nagkahiwalay kami at naging sila na ni kuya."
Ganoon pala ang nangyari. Hindi ako makapaniwala dahil may naging seryoso pa lang relasyon si Dante noon.
"At dahil nga mabait kumpara sa akin si kuya kaya lahat ng tao ay gusto siya. Walang wala ako sa kanya dahil isa rin naman siyang matalino. Ano ba ang laban ko sa kanya? Wala. Kahit nga ang babaeng gusto ko ay gusto pa niyang agawin sa akin." May isa pa siyang sinasabi pero hindi ko maintidihan kung ano iyon dahil ang ingay sa paligid namin. Kahit sana saglit lang tumahimik muna ang mga tao.
"Um, Faye. Hindi ka pa ba uuwi? Malapit na rin gumabi."
"Hinihintay ko pa si kuya Peter. May pinuntahan lang daw siya kanina pero papunta na."
"Samahan muna kita habang wala pa ang kapatid mo."
"Baka hinahanap ka rin ng mama mo, Dante. Umuwi ka na."
"No worries. Ako lang naman ang nakatira magisa sa condo."
"Really? Paano naman ang pagkain mo? Ang paglalaba?"
"May laundry naman sa malapit at sa labas ako kumakain araw-araw."
"Hindi ba mapapamahal ka dahil sa labas ka kumakain araw-araw."
"Wala na rin naman ako magagawa dahil hindi naman ako marunog magluto."
Magsasalita pa sana pero may tumatawag sa pangalan ko at nakita ko si kuya Peter.
"Sige, Dante kailangan ko ng umuwi."
"Mmm... Ingat."
Habang naglalakad kami ni kuya Peter papunta sa parking lot.
"Bakit mo siya kasama? Akala ko ba si Mich ang kasama mo."
"Busy si Mich sa pagalaga sa kapatid niya, kuya."
"Kaya ba siya ang kasama mo ngayon?"
"Grabe siya. Hindi ko naman alam na pumupunta sa ganito si Dante at huwag mong bigyang malisya dahil kasama ko siya, kuya."
"Lumayo ka sa kanya." Nagulat ako sa sinabi ni kuya Peter. Lumayo ako kay Dante. "Alam mo naman ayaw ko sa taong iyon."
Alam nga pala ni kuya Peter na isang babaero si Dante.
"Sinusubukan ko naman lumayo sa kanya pero siya mismo ang lumalapit sa akin."
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...