Chapter 22

440 15 0
                                    

Faye's POV

Nakapagtataka dahil wala na si Mich sa kanila noong dumaan ako. Wala nga rin siya sinabi sa akin na hindi sasabay sa pagpasok. Hindi ganoon ang best friend ko dahil palagi niya sinasabi sa akin kung sasabay ba siya sa akin o hindi.

Pagkarating ko sa school ay dumeretso na ako sa classroom namin pero wala doon si Mich. That's weird. Dapat nandito na siya kung kanina pa siya pumasok, hindi naman ganoon kalayo ang school sa bahay namin.

Dahil maaga pa naman kaya lumabas na muna ako hanggang makarating ako sa school's garden pero may nakita ako isang estudyante.

Teka, si Mich ba iyon?

Nagpasya na akong lumapit para makasigurado kung si Mich ba iyon o hindi.

"Mich." Tawag ko sa kanya pero napansin ko na parang nagpunas siya. Umiiyak ba siya? But I never seen my best friend cried before, isang pusong bato kaya ang meron si Mich dahil hindi mo siya makikitang iiyak agad.

Sa anong dahilan?

"Hindi ko alam nandito ka na pala, Faye." Alam kong pinapakalma niya ang kanyang sarili para hindi ko mapahalatang umiiyak siya sa akin. Tumabi na rin ako sa kanya.

"Tell me, bes. What's wrong? Kahit hindi mo sabihin sa akin ay malalaman ko na umiiyak ka kanina dahil namumula ang mga mata mo ngayon." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko malaman ang nangyari sa kaibigan ko.

"Tanda mo yung sinabi ko sayo noon magtatapat ako kay Louie sa araw mismo ng birthday niya." Tumango ako sa kanya. Shocks, ngayon pala iyon.

"Ano nangyari?" Biglang tanong ko. Wait, wrong question. Mukhang alam ko na ang reason kung bakit umiiyak si Mich ngayon.

"H-He rejected me." Sagot niya. Heto na nga ba ang sinasabi ko sa kanya pero tuloy pa rin siya sa kalokohan niya.

Parang ikaw hindi.

At least ako tanggap ko na ang mangyayari bago pa ako nagtapat kay sir Martinez noon.

"Sorry, Mich pero ayaw kong saktan ka lalo. Matagal ko ng alam na may alam si Louie na may gusto ka sa kanya dahil sinabi sa akin ni Dante noon. Ayaw ka paasahin ni Louie kaya siguro niya nagawa sayo. Sorry talaga kung sinabi ko sayo na mas maaga."

"It's not your fault. Actually, it's my fault. Kung hindi lang ako baliw na baliw sa kanya noong 1st year tayo ay sana hindi ako ganito ngayon. Ang saklap ng memory ko ng high school life. My first love is also my first heartbreak."

"Lalaki lang iyan, marami pa naman pwede kang mahalin. Tandaan mo marami kang asawa sa anime world. At least sila hindi ka nila magagawang saktan unlike in real life."

"Ewan ko, Faye. Hindi naman ako pwede umuwi sa amin dahil magtataka si mama kung bakit ako umuwi ng maaga ngayon." Sabi niya na tuloy pa rin ang pagpatak ng luha nito. Naiiyak na rin ako. Nakikita kong mahal talaga niya si Louie.

"Gusto mo bang sa infirmary ka muna? Pwede ko kausapin ang mga teacher nating masama ang pakiramdam mo."

"Dito na muna ako. Gusto ko makapagisa ngayon." Sabi niya kaya tumayo na ako. Wala na rin ako magagawa kaya pumayag na akong iwanan na muna siya.

Pagkatapos ng klase namin, actually wala naman kami masyadong klase this week dahil pinayagan kami pagusapan ang tungkol sa school festival.

Bumalik ako sa school's garden pero wala na si Mich sa bench kung saan nakaupo si Mich kanina.

"Faye." Napalingon ako ng tawagin ako ni Dante. "Himala yata hindi pumasok si Mich ngayon. May nangyari ba? Akala ko kasi ngayon siya magtatapat kay Louie."

Ibig sabihin wala pang alam si Dante sa mangyari kanina. Hindi sinabi ni Louie sa kanya.

Kaming dalawa lang ni Dante ang magkasama papuntang canteen dahil lumabas ng school sina Nathalie at Eren para bumili ng materials para sa decoration namin habang si Angel naman may tinatapos na club activity. Si Mich missing in action.

"Wala ka pa bang alam?"

"Tungkol saan?" Biglang tingin ni Dante sa akin.

"Nangyari kanina. Nakita ko si Mich kanina sa may garden, umiiyak and I found out Louie rejected her. Ganoon kamahal ng best friend ko ang kaibigan mo, Dante. Bakit ganoon siya? Ang cold naman niya. Tinalo pa ang Antarctica sa sobrang lamig niya." Sabi ko. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin ngayon si Mich. Nagaalala tuloy ako sa kaibigan ko. "At sa tagal namin magkaibigan ay ngayon ko pa lang nakita si Mich na umiyak."

"Sorry about what happened earlier. Kakausapin ko na lang mamaya si Louie."

Habang nagaayos kami ng classroom ay hindi ko maiwasan magaalala kay Mich dahil hindi ko siya matawagan. Out of coverage ang phone niya dahil phone operator palagi ang sumasagot.

Dahil tinawag ako ni ms. Morales kanina kaya pumunta ako sa faculty room. Tinanong niya ako kung bakit hindi pumasok si Mich. Alam kasi ng buong school na best friend ko si Mich kaya nasabi ko na lang kay ms. Morales na masama ang pakiramdam kaya hindi nakapasok.

Sorry. Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako nagsinungaling.

Pagkabalik ko sa school pero may narinig akong naguusap. I think that was Dante's voice.

"Louie, sinabihan na kita noon na huwag ganito ang gawin mo kay Mich. But you still rejected her." Naiinis na tugon ni Dante. Ang mag-best friend pala ang nandito ngayon sa classroom namin.

"Hindi ba ang sinabi naman sayo na susubukan ko? At mas sinabi ko rin naman sayo na ayaw ko siyang paasahin."

"That's not my point. Pero salamat na lang sayo dahil sinira mo ang plano ko. Kaibigan ni Faye ang babaeng nireject mo. Sana nga lang hindi lumayo sa akin si Faye pagkatapos ng ginawa mo kay Mich. And I don't mean to ruin your day pero wala, eh. Ikaw pa mismo ang sumira sa araw ng birthday mo, pre."

Ginawa ni Dante iyon para hindi ako lumayo? But I talked to him para sa kaibigan ko kahit alam ko naman masasaktan siya kapag umamin siya kay Louie.

"Let me tell you this straight to the point, Dante. Mahal mo si Faye, pero ang tanong ba ay kaya ba niyang ibalik iyang nararamdam mo para sa kanya? Ginagawa mo nga ang lahat para mahalin ka niya pero sa tingin ko hindi ka niya mamahalin."

"Dante." Tawag ko sa kanya dahil hinablot na niya ang collor ni Louie. Onti na lang ay masusuntok na niya ang kaibigan niya.

"Faye, don't tell me you heard--"

"I'm sorry but I don't mean to heard everything. Hindi ko naman alam nandito pa pala kayong dalawa." Naramdam ko na lang na may luhang pumatak sa kamay ko. Umiiyak pala ako. "Sorry kung dahil sa nangyari kanina kaya nagaaway kayong dalawa ngayon. And Louie, sorry kung hindi maganda nangyari sa araw birthday mo."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Dante dahil tumakbo na ako palayo sa classroom namin habang umiiyak. Kasalanan ko ang lahat na ito, kung sinabi ko lang sana kay Mich na walang interesado sa kanya si Louie ay sana hindi magiging ganito ang sitwasyon namin ngayon.

~~~

As I promised after She is the one ay itutuloy ko ito. Yay!

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon