Pagkatapos nangyari noong isang araw sa classroom namin, ngayon ay balik na sa dati. Okay na kami ni Dante at silang dalawa ni Mich... Uh, pwede na. Kinakausap na rin naman siya ni Mich pero tulala naman kapag kasama ni Dante si Louie.
Ngayon ay ang lunch break namin kaya nandito kami nila Mich at Angel sa canteen para kumain.
"Ano ang gagawin niyo sa darating na Christmas break?" Tanong ni Angel sa amin.
"Dating gawi na palagi kong ginagawa tuwing bakasyon. Ang manood ng anime." Sagot ko sa kanya.
"Speaking of anime, alam mo bang merong anime event sa mall sa katapusan?" Tanong naman ni Mich.
"Siyempre. Palagi kaya ako updated sa mga ganyan at siyempre pupunta ako. Kayo?"
"Hindi ko alam kung makakapunta ako kasi aalis kami ng pamilya ko sa araw na iyon." Sagot ni Angel.
"Oh. Have fun na lang." Nilingon ko naman si Mich dahil alam kong hindi naman sila umaalis kapag bagong taon. "Ikaw, miss?"
"Titingnan ko na muna kung papayagan ako dahil nagusap kami ni mama na pagkatapos ng exam ay tutulungan ko siya sa pagalaga sa kapatid ko."
"Uh, okay. Sabihan mo na lang ako kung makakasama ka ah."
Kakalungkot naman dahil ngayon lang hindi makasama si Mich sa anime event. Palagi kasi siya sumasama sa akin taun-taon.
"Hi, girls." Tumingin ako sa nagsalita, si Dante at kasama niya si Louie. As usual, ano pa nga ba ang maasahan sa kaibigan ni Dante dahil binigyan niya lang kami ng isang mabilis na tango.
"Dante, may plano ka na ba sa bakasyon?" Tanong ni Angel sa kanya.
"Niyaya mo ko makipag date sayo?"
"Hindi lahat na babae gusto makipag date sayo, Dante." Sagot naman ni Louie. Ayos rin itong kaibigan niya. Lakas basag trip.
"Basag trip ka talaga, Louie. Pero wala naman akong gagawing sa bakasyon maliban na lang kung gusto ko mang gulo sa bahay ni Louie."
"Don't you dare, Dante. Magulo na sa bahay kaya huwag ka na dumagdag."
Pagkatapos ng klase namin ay hinintay ko si Mich sa waiting shed.
Ilang oras na ako naghintay pero hindi pa dumadating si Mich. Nagaalala na ako. Nilabas ko na ang phone ko para i-text siya.
"Faye?" Tiningnan ko ang tumawag sa akin. Oh gosh! Si sir Martinez. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Gabi na ah."
"Hinihintay ko po si Mich."
"Sa tingin ko nakita ko si ms. Lopez kasama si mr. Aguilar kamina."
What?! Pinagpalit ako ni Mich kay Louie? Grr... Bakit ganoon? Mas mahalaga na ba sa kanya ang crush niya kumpara sa best friend. Lagot sa akin si Mich bukas.
"Gabi na rin at delikado sa daan na maglakad kang magisa. Wait me here at sabay na tayo umuwi."
"Sir, baka may makakita sa atin at ano pa ang isipin."
"Sabay lang tayo uuwi. No big deal with that at kapit bahay mo ko."
"Sige na nga po. Kung mapilit kayo, eh."
Kung hindi ko lang kayo crush ay hindi ako papayag na umuwi tayo ng sabay. Dahil lagot rin ako kay kuya Peter.
My God, ang ganda ng gabi ko dahil ang crush ko ang kasabay kong umuwi. Hindi ko inaasahan ito pero pinapangarap kong makasabay si sir Martinez umuwi araw-araw.
Kung panaginip man ito ay sana hindi na ako magising pang muli. Ayaw ko ng magising. Maganda ang panaginip na ito.
"We're here."
"Salamat po sa pagsabay sa akin sa paguwi."
"Gusto ko lang makasiguradong makakauwi kang ligtas. Baka sa akin ka hanapin ni Peter kapag hindi ka pa nakauwi."
Ouch!
Pero tama naman siya baka hanapin ako ni kuya Peter sa kanya dahil magkaibigan ang dalawa.
Kinaumagahan ay ang aga-aga na may bumabalabog sa bahay namin kaya napabangon ako wala sa oras.
"Faye, sorry kung hindi ko sinabi sayo na umalis ako ng maaga kahapon dahil nagkaroon ng emergency." Mabilis na paliwanag ni Mich. Wala ako maintidihan maliban sa emergency. Kung hindi ko lang kilala ang babaeng ito ay maniniwala ako sa kanya.
"Sino ang niloloko mo? May nakakita sayo kahapon na kasabay mong umuwi si Louie. Ano iyon, Mich? Pinagpalit mo na ba ako sa crush mo?"
"Huh? Hindi ko kasabay si Louie kahapon. Si Angel ang kasama ko paguwi."
"Nakita kayo ni kuya Paul na magkasama pauwi." Napaisip ako bigla. Imposible naman magsinungaling sa akin si mr. Martinez.
"Ah, baka ang nakita ni sir Martinez noong palabas kami ng gate. Nauna kasi lumabas si Angel tapos hindi ko inaasahan nasa tabi kong lumalabas ng gate si Louie." Mahabang paliwanag ni Mich sa akin. At least hindi na mabilis, na akala mo ay may appointment na kailangan mong magmadali.
"Kahit na! Hindi mo pa rin sinabi sa akin nagkaroon ng emergency. Nagmukha akong tanga sa waiting shed kakahintay sa wala."
"Sorry talaga. Libre na lang kita mamaya ng ice cream. Maligo ka na at kumain ng almusal. Hihintayin na lang kita rito at sabay na tayo pumasok."
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na rin naman si Mich kaya sasabay na talaga kami sa pagpasok.
Nang naglalakad na kami papasok ay ang ingay ni Mich. Tanong siya ng tanong sa akin.
"Sino pala ang nakasabay mo umuwi kagabi?"
"Si kuya Paul. Gusto kasi niya makasiguradong nakauwi ako ng ligtas."
"Kyaaah! Hindi ka ba kinikilig?"
"Kinikilig pero hindi ko naman pinapahalata sa kanya. Baka ano ang isipin."
"Sana ganoon rin kami ni Louie pero alam ko naman imposible." Bumuga ng malalim na hangin si Mich. Pangarap rin ng babaeng ito ang makasabay si Louie pero ang malas lang niya buntot siya ni Dante.
"Good morning, girls." Bati sa amin ni Angel pagkapasok sa campus.
"Good morning, Gel." Sabay namin ni Mich.
Pagkapasok naming tatlo sa classroon ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid at hindi ko pinahalatang nagulat ako dahil maagang pumasok si Dante. Ano kaya ang nakain ng lalaking ito at naisipang pumasok ng maaga?
"Si Dante ba iyon?" Tanong ni Mich kaya tumango na lang ako sa kanya. "Ano kaya ang nakain niya at naisipan pumasok ng maaga? Mamatay na ba?"
"Ano ka ba, Mich. Baka gusto lang niya o kaya nagising ng maaga at wala na rin magawa sa bahay nila."
Ang alam ko rin ay isang mayaman ang pamilya ni Dante kaya hindi na niya kailangan magtrabaho dahil may mga maids naman sila.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...