Chapter 51

400 18 0
                                    

Balik eskwela na ulit kami at dahil malapit na ang graduation kaya busy na kami mga senior year. Hindi biro ang college kaya kailangan magsunog ng kilay para lang makapasa sa lahat na subject.

Habang naglalakad ako sa hallway ay naalala ko ang pinagusapan namin ni Dante sa video call. Palagi kami naguusap sa video call simula nagkaayos na kami. Hindi naman ako nagkamali sa desisyon na patawarin ko siya dahil ginagawa naman niya ang lahat. Kung paano niya ako ligawan noon ay ganoon din ang ginagawa niya ngayon pero lumevel up pa nga ngayon.

"Good morning, Faye." Bati sa akin ni Lance.

"Hey, Lance. Good morning." Nakangiting bati ko sa kanya.

"You looks happy today. What happened?"

"Nothing special. Let's go." Sabay na kami pumasok sa magiging classroom namin sa first subject namin pero yung ibang estudyante ay todo tukso sa amin. Kami kasi madalas nila nakikitang magkasama kaya siguro ang akala nila boyfriend ko si Lance. Kung alam lang nila hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay Lance kahit noon pa.

Habang nagtuturo ang professor namin sa Statistics ay hindi ako masyado nakikinig dahil ang utak ko ay sa conversation namin ni Dante. Hala, ano na ang nangyayari sa akin ngayon? Ano ang ginawa ng lalaking iyon sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah.

In love na ulit ako. My god!

"Hey." May narinig akong mahinang boses kaya napatingin ako kay Lance. "You're spacing out. What's wrong?"

Bago pa ako makasagot kay Lance pero tinawag na siya ng professor namin. Isa pa namang strict ang professor namin sa Statistics. Ayaw niya ng maingay sa klase niya. Always eyes on the board.

"Mr. Soriano." Tawag ng strict professor namin.

"Yes, sir?" Biglang tayo naman ni Lance ng tawagin siya. Hindi ko pa pala nasasabi kaya strict ang professor namin sa subject na ito dahil isa siyang bakla.

"Can you share to the class what's your whispering with ms. Silva earlier?"

"Ah, it's nothing. I'm sorry, sir."

"Come to my office after my class. Okay, take your sit." Umupo na ulit si Lance at bumalik na sa pagtuturo ang professor namin.

Noong grade school hanggang high school ay paborito ko ang Math dahil 1 hour to 1 hour and 30 minutes lang ang klase namin pero ngayong college ay sobra pa nga dahil 1-4 hours ang klase namin sa Math. Ngayon ko lang naramdaman ang mga tao kung gaano nila kaayaw ang Math subject.

"Lance, I'm sorry. It's my fault why you need go to his office right now."

"No, it's all right. It's not your fault, Faye. I have to go baka bumuga na siya ng apoy kapag hindi pa ako pumunta sa office niya. See you later during lunch break." Napatawa ako sa sinabi niya. Iyon kasi ang sinasabi ng mga estudyante kapag nagalit ang professor na iyon kulang na lang bumuga ng apoy sa sobrang galit niya. Natalo pa nga ang mga babaeng may period sa pagiging moody.

Dahil ito lang naman ang subject na magkaklase kami ni Lance ay pumunta na ako sa susunod na klase ko. Isa sa mga major subject ko. I'm taking about business dahil nga ako ang hahawak sa kumpanya namin pagkagraduate ko while Lance, he is taking a information technology. Kung IT lang ang kinuha kong kurso ay magiging kaklase ko si Lance sa lahat na subjects namin but next time I am going to take IT course too.

Lunch break na kaya naglalakad na ako papuntang canteen. As usual, canteen talaga ang tambayan ko tuwing lunch break namin at dito ko na rin hinihintay si Lance pagtapos ang klase niya. Pero biglang tumunog ang phone at sa ganitong oras ay tumatawag pa sa akin si Dante. Kinuha ko na muna ang earphone ko bago sagutin ang video call niya.

"Hey, bakit ka pa gising? It's already 10:00PM there, right?"

"Yes, pero maaga pa at gusto kong makausap ka na muna bago matulog."

"Ano naman ang gusto mong pagusapan?"

"How's your day as 4th year college? Kwento mo naman sa akin."

"Okay naman. Wala naman nagbago at wala rin naman bagong kaklase ngayong pasukan. Alam mo ba ngayon ko lang ang naramdaman ang mga tao kung gaano nila kaayaw ang Math subject." Narinig ko naman ang pagtawa ni Dante.

"Why? But I admit it medyo mahirap nga ang Math subject sa college kumpara noong high school. Alam ko naman malalampasan mo ang lahat na ito at makakapagtapos ka. Anyway, may pinadala ako sayo pero hindi ko lang alam kung napadeliver na sa inyo kanina."

"Huh? Walang tao sa bahay dahil nasa kumpanya si papa ngayon."

"Ganoon ba? Sayang naman."

Sasagot pa sana ako pero nakita ko ang pagpasok ni Kotaro sa kwarto ni Dante. Ang cute talaga ng anak ni kuya Paul. Balik kuya Paul na ang tawag ko dahil hindi ko na rin naman siya teacher na. It's useless to call him mr. Martinez kung hindi ko na siya teacher sa English.

"Tito, pwede po ba dito na muna ako? Mukhang walang balak si papa matulog ngayon dahil busy siya sa ginagawa niya ngayon." Nilingon ni Dante si Kotaro at pinaupo ito sa kanyang kandungan. Nakita na nga rin ako ni Kotaro. "Hi, tita Faye."

"Kota-kun, ang cute mo talaga. Kung pwede nga lang pumunta ako diyan para lang kurutin ko ang pisngi mo." Nanggigil talaga ako kay Kotaro ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"You like kids, Faye?"

"Yup. Kahit makukulit sila at alam mo ba natuwa pa nga ako dahil nalaman kong nagdadalang tao pala si ate Rian."

"Really? Kaya pala kakaiba si ms. Morales noong nakita ko sa wedding reception nila. Buntis pala."

"Doon nga rin namin nalaman noong sinabi sa amin ni ate Rian. Masaya nga ako para sa kanilang dalawa ni kuya." Nakita ko ang paghikab ni Kotaro. "Mukhang inaantok na si Kota."

"Wait lang. Ipapahiga ko lang siya sa kama para makatulog ng mahimbing." Tumayo na si Dante para ipahiga si Kotaro sa kama. Napapangiti ako dahil sa nakikita ko magiging mabuting ama si Dante balang araw.

"Hindi ka pa ba matutulog?"

"Hindi pa naman. Sa hapon pa naman ang klase ko bukas."

"Kahit na sa hapon ang klase mo ay kailangan mo pa rin matulog ng maaga." Nakita ko na si Lance nakaupo sa harapan ko at sinenyasan ko siya ng wait lang.

"Yes, later. Pero may gusto akong sabihin sayo."

"Ano iyon?"

"Sorry for the last time, Faye. Tatanggapin ko kung magagalit ka sa akin sa nangyari noon."

"Ang tagal na noon ah. At hindi ako galit sayo."

"Baka kasi nagsisi ka sa nangyari."

"It's okay. Wala na rin naman tayo nagagawa dahil nangyari na rin naman."

Hindi ko naman kasi pwedeng kalimutan na lang namin iyon. Baka masaktan ko lang si Dante.

"Galit ka nga sa akin. Naguilty talaga ako."

"Hey, don't be. Ayos lang talaga."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon