Chapter 60

414 13 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa sinasabi ni Shawn na bilihan ng espasol na gusto kong kainin para bumili. Si Dante na ang nagbayad, dapat lang dahil siya ang lalaki sa amin.

Hindi nga binibitawan ni Dante ang kamay ko kahit nasa loob ng function room at natatanaw na namin ni Nathalie habang abala nakipag picture sa mga fans nito pero mukhang nakita naman niya agad kami kaya nagpaalam na muna siya sa ibang staffs kasama niya.

"Nandito na pala kayo." Nakangiting sabi niya sa amin at lumapit sa kanya si Eren.

"Mukhang pagod ka ngayon." May pagaalala sa boses ni Eren.

"Okay lang ako. Malapit na rin matapos ito kaya makakauwi na rin tayo."

Sa nakikita ko isang sweet and caring boyfriend si Eren kay Nathalie. Napatingin naman ako kay Dante pero mukha naman napansin niya ang pagtingin ko sa kanya.

"Yes?"

"Iniisip ko lang sweet at caring si Eren kay Nath. Ikaw?"

"Hey. Sweet, caring at loyal ako sayo, Faye. Huwag kang ano diyan." Napangiti ako sa sagot nito.

"Alam ko naman iyon." Niyakap ko ang kanyang braso. "Kaya nga ayaw ko ang titig ng ibang kababaihan sayo. Kulang na lang hubaran ka na nila sa isipan nila."

Gusto ko ng kainin yung espasol pero NO FOODS ALLOWED. Kainis nga, eh. Bakit ba kasi nauso ang salitang iyon? Gusto ko ng kainin ang espasol.

"Dante, lalabas lang ako ah."

"Ano ang gagawin mo sa labas?" Tanong nito sa akin.

"Kakain lang ako ng espasol. Alam mo naman bawal dito kumain."

"Sasamahan na kita. Wait, magpapaalam lang ako sa iba." Iniwanan ako ni Dante sa pwesto namin para magpaalam sa ibang kaibigan namin na mukhang nageenjoy dito. Nakita ko na rin ang pagbalik ni Dante. "Let's go."

Habang naglalakad kami ay kumakain na nga ako ng espasol. Minsan pa nga sinusubuan ko si Dante, parang nga kami mag-asawa nito kahit hindi naman talaga.

"Malapit na matapos ang meet and greet ni Nath. Magpalit na tayo ng damit. Hindi na kasi ako kumportable sa costume ko." Sabi ko sa kanya nang matapos na ko kumain. Busog na rin kasi ako at naparami na rin ang kain ko.

Nang nasa tapat na kami ng female's CR ay kinuha ko na ang damit ko sa loob ng backpack ni Dante.

"Magpapalit na rin ako. Mabilis lang at hihintayin kita dito sa labas." Tumango ako sa kanya bago pa ako pumasok sa loob. Ang daming tao nakapila sa public cubicle kaya kailangan ko rin pumila.

Pagkatapos ko magpalit at maghugas ng mukha para matanggal ang make up ay lumabas na ako ng CR. Natatanaw ko na nga si Dante kaya lumapit na ako sa kanya.

"Alam mo mas bagay pala sayo na may make up." Biro ko sa kanya.

"Ginawa mo pa akong bakla. Magkakaanak na tayo, Faye." Kinuha niya ang costumes and wig para ilagay sa backpack niya.

"Matagal pa. May pintong buwan pa bago lumabas si baby."

"Puntahan na natin yung iba baka tapos na si Nathalie."

Naglakad na kami pabalik sa function room pero nakita ko na lumalabas ang iba sa function room.

"Oh, nakabihis na kayo. Ang paalam ni Dante ay lalabas lang kayo para makakain ka ng espasol tapos ngayon nagpalit na kayo ng damit." Lumabi lang ako sa sinabi Mich.

"Mich, ayos lang. Tapos na rin naman ang event." Sabi ni Nathalie.

"Sige na nga. Paglalampasin ko ang nangyari dahil buntis ka, bes." Tumingin naman si Mich sa iba. "Magpalit na rin tayo ng damit dahil gusto ko na rin umuwi at magaaral pa ako bukas para sa board exam ko."

"Malapit na nga pala ang board exam. Good luck, Mich." Sabi ni Angel.

"Dapat bago ako manganak ikaw ang magiging nurse ko ah."

"Wala naman akong balak maging private nurse mo, bes pero hindi naman ako kaagad magiging doctor."

So, ang balak pala ni Mich ang maging doctor katulad ng papa niya.

"Hindi ka pa ba magpapalit, Mich?" Tanong ni Louie.

"Heto na. Sasabay na ako kila Angel at Nath."

Habang naghihintay sa pagbalik ng mga kaibigan namin ay nababagot na ako. Ang tagal naman kasi nila bumalik. Iwanan na kaya namin sila? Sabagay, maghihiwalay rin naman kami dahil iba ang direksyon ng bahay namin. Maliban kay Mich. Ewan ko lang kung sasabay siya sa amin ni Dante pauwi.

"Magiging busy ka na ba bukas?" Biglang tanong ko kay Dante.

"Oo, eh. Kailangan ko na rin bumalik sa kumpanya namin para tapusin ang mga naiwang trabaho ni dad." Nalungkot ako dahil hindi ko na pala makakasama si Dante kasi magiging busy na siya. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. "Pupunta naman ako sa inyo kapag hindi ako busy. Promise."

"Ayos lang." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Alam ko naman ginagawa mo ito para sa future natin. Kung may problema ay nandito lang ako ah."

"Ako dapat ang magsabi sayo niyan, Faye."

"Dante?" Pareho kami napalingon ni Dante na may tumawag sa kanya. "Sabi na nga ba ikaw iyan. Ano ang ginagawa mo rito?"

"Namasyal lang kasama ang girlfriend ko."

"Girlfriend mo? Kilala kang certified playboy tapos meron kang girlfriend. Seryoso na ba iyan?"

"Oo naman. Hindi ko kayang saktan ang girlfriend ko ngayon. Noong hindi kami nagkaayos na dalawa naging miserable ang buhay ko at muntik na maapektuhan ang grades ko." Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi sinabi sa akin ni Dante tungkol doon ah.

"In love ka na." Narinig ko ang pagtawa ni Dante.

"Ah. Faye, si Chichi. Kaklase ko siya noong grade school at schoolmate natin siya sa noong high school dahil iba ang section niya. Chichi, si Faye girlfriend ko." Pagkakilala kami ni Dante.

"I know her. Siya yung naging student council president noong 3rd year pa tayo. Hindi ko inaasahan maging kayo dahil tanda ko galit palagi sayo si Faye." Napangiti lang ako dahil totoo iyon. Galit nga ako kay Dante noon.

Nagpaalam na sa amin si Chichi at sakto naman ang pagbalik ng iba.

Noong nakarating na kami sa exit ay nagpaalam na ang iba pero ayaw ni Mich sumabay sa amin dahil ayaw daw niya maging 3rd wheel sa amin. Kaya nagpresenta na lang si Louie sumama sa amin.

I smell something fishy between them. Nagsimula nagpresenta si Louie maging partner ni Mich para dito tapos nagpresenta ulit para hindi maging 3rd wheel. Pakiramdam ko tuloy may gusto na si Louie kay Mich pero ayaw lang niya sabihin sa best friend ko. Sa tuwing nagbabanggit si Mich na pangalan ng isang lalaki sa video call naming lahat ay biglang nag-log out si Louie para bang selosong boyfriend.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon