Chapter 67

422 15 0
                                    

Nagpasya akong bisitahin si Dante sa condo niya ngayong araw dahil Linggo naman ngayon at walang pasok talaga.

Nang makarating na ako sa tapat ng condo unit niya ay nagdoorbell na ako pero walang sumasagot mula sa loob. Baka tulog pa si Dante ngayon. Paalis na sana ako ng bumukas ang pinto.

"Faye?" Humarap ako sa kanya pero natulala ako ng makita ang kanyang abs. He is topless right now at tanging boxer shorts lang ang suot niya. Makakasala ako nito wala sa oras. "Laway mo tumutulo."

Agad ko naman pinunasan ang bibig ko pero narinig ko naman siyang tumatawa.

"Bwesit ka! Niloloko mo ko ah!" Inis kong turan sa kanya. Kainis siya.

"Sorry na. Mukha kasing enjoy mo ang view dahil tulala ka. Ano ang ginagawa mo rito sa ganitong oras? It's only 6am."

"Sorry. Naisturbo ko ba ang tulog mo?"

Sanay kasi ako ginagamit ang American time na palagi maaga kung kumilos. Nawala sa isip ko nasa Pilipinas nga pala ako wala sa US.

"Kanina pa akong gising. Pasok ka na muna." Niluwagan niya ang pinto para papasukin ako sa loob. "Hindi mo kasama si Dale."

"Gusto ni mama makasama si Dale ngayon kaya iniwanan ko na lang siya sa bahay para makasama sila mag-lola." Naiilang talaga akong tumingin ng deretso kay Dante. Kahit sabihin natin dalawang beses ko na nakita ang katawan niyang iyan noon.

Nakita ko naman pumasok siya sa kanyang kwarto para kumuha ng shirt niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin mula sa loob ng kwarto nito.

"Yep, kumain na ako bago pa dumeretso rito."

"Ganoon? Sayang naman nagluto pa ako ng pancake." Sabi nito ng lumabas na siya ng kanyang kwarto. Nakasuot na siya ng white shirt.

Pancake? Kakagutom naman. Para tuloy gusto kong kumain ulit ng almusal pero masisira ang diet ko nito.

Maintain na kasi ang kain ko simulang pinanganak ko si Dale dahil tumaba ako noong pinagbubuntis ko siya. Wala kasi akong ginawa noon kundi ang kumain ng kumain during my 4th months of pregnancy kaya lumubo ako ng husto. A months after giving birth on Dale ay nageexercise na ako. I always jog every morning. Wala pa ngang araw nasa labas na ako. Mabuti nga lang bumalik ang hugis ng katawan ko.

"I never taste your cook yet." Pumunta na rin ako sa kusina niya para tingnan ang niluluto niyang pancake. Tatakam na tuloy ako at hindi lang iyon may chocolate sauce pa sa table.

"Bakit may ganito ka pa?" Turo ko doon sa chocolate sauce.

"Ilalagay ko sa pancake. I want to experience how it taste like. Kung gusto mo kumain ulit, feel free to eat." Binalik niya ulit ang tingin sa niluluto niyang pancake.

"Masisira ang diet ko." Tumingin ulit siya sa akin para bang inoorbserban ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman mataba ah."

"Pero tumaba ako noong pinagbubuntis ko si Dale."

"You looks sexy, Faye. Kahit tumaba ka pa ay sexy ka pa rin sa paningin ko."

"Bolero ka talaga. Natakot lang kasi ako baka makahanap ka ng mas sexy pa sa akin at iwanan kami ng anak mo."

"Hindi mangyayari iyan." Pinatay na niya ang kalan bago pa siya humarap sa table at nilapag ang plato ng pancakes. "Come. Saluhan mo kong kumain rito."

Lumapit ako sa kanya at tumabi na rin sa kanya. Kumuha siya ng isang pirasong pancake sa plato niya at sinawsaw iyon sa chocolate bago kainin.

Akala ko ba niyaya niya akong saluhan siya sa pagkain pero mukhang siya lang ang kumakain.

"Try it." Tinusok niya ang maliit na piraso ng pancake gamit ang tinidor at sinawsaw sa chocolate. "Susubuan kita. Say ahh.."

"Ahh.." Binuka ko ang aking bibig saka naman niya ako sinubuan ng pancake.

"How is it?"

"Masarap. Para lang nilagyan ng chocolate syrup ang pancake."

"I'm glad you like it. Kakasawa na kasi ang plain pancake kaya naisipan kong sawsaw na lang sa chocolate. Gusto ko sana ng pancake banana flavor pero wala ako makita sa grocery."

"Bakit hindi na lang ikaw mismo gumawa? Pwede ka naman gumawa ng banana pancakes."

"Talaga? Pero wala naman akong oras magluto pa ng almusal ko. Palagi akong busy sa trabaho."

"Bago ako pumasok sa trabaho ay dadalhan kita ng banana pancake."

"Talaga? Aasahan ko iyan ah. Iyon kasi ang paborito maliban sa turon at ginataang saging na saba."

"Ginataang saging na saba ni manang Gina?" Tumango siya sa akin. Sabagay masarap nga ang luto ni manang Gina. "Musta na pala si manang Gina?"

"She passed away last year. Wala kaming alam may sakit pala siya." Bakas sa boses ni Dante ang kalungkutan.

"I'm sorry." Pati ako nalungkot kahit isang beses ko lang nakasama si manang Gina. Nangako pa naman ako babalik para turuan niya ako kung paano gumawa ng ginataang saging na saba.

"She taught me how to make a ginataang saging na saba. If you want pwede kitang turuan. Tanda ko kasi nangako si manang sayo na tuturuan ka niya kung paano gumawa pero iyon na ang huling punta mo sa bahay."

"Balak ko rin sana pumunta sa inyo after our graduation pero wala, eh." Ngumiti ako ng pilit sa tuwing naalala ko ang nangyari noon.

"Kalimutan na natin kung ano ang mangyari noon. Ang importante ang ngayon." Tumango lang ako sa kanya bilang kasagutan. "Engaged na tayo ngayon at ang kailangan na lang ay pagusapan ang tungkol sa kasal."

"Hindi ako sigurado kung makakauwi si papa sa family dinner pero sinabi ko rin sa kanya na may plano tayo na family dinner at sinabi ko na rin sa kanyang nagpropose ka na sa akin. He's happy for us."

"Of course, uuwi iyon si tito. Gusto niya rin makausap si dad tungkol sa business at kasal na rin siguro. Kasal kaya ng bunsong anak niya kaya hindi pwede hindi sumipot ang dad mo." Ngumiti ako sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwalang malapit na akong ikasal sa lalaking mahal ko.

"Sasabihin ko na rin sina kuya at ate tungkol sa family dinner para makapunta rin sila."

"And I will call kuya para umuwi siya rito."

Aw, uuwi si kuya Paul para sa family dinner kasama si Kotaro. I missed Kotaro so much!

"Kailan ba gaganapin ang family dinner para maayos natin ang lahat. Alam mo naman busy ang pamilya ko sa kanya kanyang buhay. Ang dalawa kong kapatid may pamilya na."

"Sa tingin ko next month on 2nd week. Kakausapin ko pa si ate Karen para ayusin ang schedule ko next month."

"Okay. Sabihan mo na lang ako ng mas maaga para paayos ko rin ang schedule ko."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon