Pagkatapos ng klase namin ay maaga na kong umalis para makarating agad sa bahay bago gumabi.
Pagkarating ko sa bahay ay pinagbuksan na ako ng isang maid ng gate.
"Si mama?"
"Nasa taas po ang mama niyo." Tumango na lang ako sa maid kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Sakto naman ang pagbaba ni mama ng hagdan.
"Dante." Niyakap naman ako ni mama. Sana palaging ganito, hindi iyon palagi si kuya na lang ang nakikita niya. Para bang hindi niya ako anak na parang hindi ako nag-eexit sa mundo para sa kanya. "Hindi mo ba kasama ang kuya mo?"
"Hindi po. Baka mamaya pa po siya makakauwi dahil busy rin siya sa school." Sabi ko na lang kay mama. Hindi ko rin alam kung anong oras pupunta iyon. "Punta lang po muna ako sa kwarto ko, ma."
Nang nakapahinga na ako ay may narinig akong katok sa pinto ng kwarto ko.
"Pinapatawag na po kayo ng mama niyo. Kakain na daw po." Sabi ng maid sa labas ng kwarto ko.
Pagkarating ko sa kusina ay nakikita ko ang saya sa mukha ni mama habang kausap niya si kuya. Sana kaya ko rin gawin iyon kay mama kaya ginagawa ko ang lahat para lang maging masaya siya sa piling ko noon pero si kuya lang ang nakakagawa nito sa kanya.
Napalingon ako na ng may tumapik sa balikat ko.
"I don't know you are here, son." Sabi ni dad. Si daddy lang ang kakampi ko sa bahay na ito.
"Tumawag po kasi si mama kahapon na uuwi si kuya."
"I see.." I know how he hates my brother pagkatapos nangyari noon. Alam ni dad kung gaano ko kamahal ang ex girlfriend ko noon. Hindi ko rin alam kung bakit siya nakipag hiwalay sa akin at isang buwan pa lang kami hiwalay ni Ana pero sila na agad ni kuya. Sobra akong nasaktan noon.
Kahit ganito ang nangyari sa buhay ko ay mahal na mahal ko ang mga magulang ko maliban sa nagiisang kapatid ko.
Umupo na ako sa harapan ng hapag at nagsimula na rin ang pagkain ng hapunan.
"Mom, kaya po ako pumunta rito ngayon para sabihin sa inyo na pupunta ako ng Japan." Sabi naman ni kuya.
"Ano ang gagawin mo doon?"
"Nag-apply po ako ng trabaho doon and by next month na ang flight ko." Napansin kong nakatingin sa direksyon ko si kuya pero binalik iyon kay mama. "At nalaman ko rin po na doon ko rin makikita si Ana."
Binaling ko ang tingin kay dad dahil huminto sa pagkain. He doesn't really care what happened right now. Galit rin si dad kay kuya kaya nga siya umalis ng bahay.
"Mahal mo pa rin ba siya, Paul?"
"Hindi na po, mom and I love someone else pero maghihintay ako sa kanya hanggang maging handa na siya."
Sa tingin ko kilala ko ang tinutukoy niya. Hindi naman ako bulag para hindi ko iyon mapapansin agad. I know he loves Faye pero hindi ko naman hahayaan na makuha niya sa akin si Faye. Ngayon pa na kaya kong maging seryoso ulit sa isang babae.
"And I found out we had a son. Gusto ko lang pong makita ang anak ko and that's all. Wala naman akong balak pumasok ulit sa buhay ni Ana."
"Paano mo nalaman na anak mo nga iyon?" Napatingin ako kay dad na sumabat na paguusap nila mama at kuya.
"Pinaimbestiga ko po siya sa kakilala ko, tito. And confirmed na akin po yung bata."
"How about you, Dante? May napupusuan ka na ba?" Tanong ni dad sa akin.
"Yes po."
"Hm, I want to meet her."
"Huwag na po ngayon dahil hindi ko pa po siya girlfriend at handa naman akong maghintay hanggang maging handa siya pumasok sa isang relasyon. Ang pagaaral po kasi ang inuuna niya ngayon."
"That's good. Kahit hindi ko pa siya nakikilala ay mukhang magugustuhan ko na siya para sayo, Dante." Ngumiti ako kay dad. Very supportive father sa akin si dad. Pumapayag si dad sa lahat nagusto kong gawin kahit nga noong pagtira ko sa condo. I want a freedom kaya binigay sa akin ni dad.
Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang remote control sa tabi ng TV ko, may sariling TV kasi ako rito sa kwarto at binuksan ko iyon.
Habang ineenjoy ko ang panonood ay tumunog ang phone ko kaya inabot ko sa side table at nakita kong may text si Louie sa akin.
From Louie;
Hey, bro. Musta naman diyan? Hindi ba nagkagulo sa bahay niyo?
Alam ni Louie ang lahat nangyari noon. Kaya siguro nagaalala ngayon itong kaibigan ko.
To Louie;
Everything's fine, pre. Wala naman nangyaring sigawan sa bahay. Kalmado lang si dad ngayon.
From Louie;
That's weird. Hindi ba mainit ang dugo ni tito kay sir simula nangyari noon?
To Louie;
I don't know too. Baka kinausap siya ni mama tungkol dito.
Aasa pa ba akong magiging maayos ang lahat? Hindi na rin siguro kahit iyon ang gusto ni mama. Kung malaman ng mga magulang namin na parehong babae ang gusto namin ay mas lalong lalaki ang problemang ito. Sana mapansin ng magaling kong kapatid ang magiging sitwasyon at hindi na bumabata si dad dahil may sakit siya puso. Kapag inatake ulit siya ay baka hindi na siya makaligtas sa heart attack. Ayaw ko mangyari iyon dahil si dad na nga lang ang kakampi sa bahay.
Kahit ano mangyari ay hindi malalaman ng mga magulang namin ang sitwasyon namin ngayon ni kuya. Nagkakagusto sa isang babae.
Sa Lunes ko na lang kakausapin si kuya para sabihin sa kanya ang tungkol dito. Kahit hindi maganda ang relasyon nila ni dad ay alam ko namang concern siya sa kanya.
Binalik ko ang tingin sa TV pero napasimangon ako dahil tapos na ang pinapanood ko. Ni hindi ko man lang napansing tapos ba pala iyon. Pinatay na ko na ang TV at pumasok sa loob ng banyo para maligo.
Pagkatapos ko maligo ay kumuha na ako ng damit sa bag ko. Isang plain blue shirt at shorts ang sinuot ko ngayon. Nagpatuyo na rin ako ng buhok gamit ang tuwalya ko.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...