Hindi ako makapaniwala ngayong araw na ang graduation day namin mga 4th year and this will be my last day here in the Philippines. Magiging busy na rin kasi kaming lahat sa darating na pasukan pero uuwi rin naman ang rito pagbakasyon ko.
Dahil ako ang valedictorian ay ako rin ang magbibigay ng speech mamaya sa stage. Noong nalaman nga ni papa na valedictorian ako ay agad ang siyang umuwi ng Pilipinas. Papa loves surprises. Wala sa amin nakaalam na uuwi pala siya noong isang araw, lahat nga kami sa bahay ay nagulat pagkakita kay papa. Masaya ako dahil kumpleto ang pamilya ko sa special na araw para sa akin.
Nakailang akyat na nga si mama sa stage para suotan ako ng medal sa tuwing tinatawag ako. Ang mga achievement nakukuha ko ngayong graduation ay para sa pamilya ko dahil gusto ko sila maging proud sa akin. Hindi nasayang ang pagod ko kakaaral dahil na-achieved ko naman ang lahat kahit mahirap. Hindi lang naman ako nagiisa dahil alam kong nandiyan ang pamilya at mga kaibigan kong sumusuporta sa akin.
Umakyat na ako ng stage para sa speech ko. Nagpapasalamat ako sa lahat na teachers, parents and classmates and of course, congratulations to all my classmate dahil na-achieved na rin ang lahat na ito. Nagbiro ba ako sa bandang gitna ng speech ko pero sa bandang huli ay nagsiiyakan na ang mga kaklase ko kahit rin ako.
After graduation ceremony ay ang iba kumukuha ng picture kasama ang mga kaibigan niya pero kami hindi dahil marami na kaming pictures na magkakasama. Dadalhin ang lahat na iyon sa US kahit malayo ako sa kanila ay alam kong nandiyan lang sila palagi para sa akin.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong gym namin pero hindi ko na yata nakita si Dante. Imposible namang umalis na siya kaya lumapit ako kay Louie baka alam niya kung nasaan ang kaibigan nito.
"Louie, alam mo ba kung saan pumunta si Dante?" Tanong ko kay Louie at napatingin naman siya sa akin.
"Nakita ko kanina si Dante lumabas ng gym pero hindi ko alam kung saan siya pumunta."
"Sige, salamat. Hahapin ko na lang siya." Lumabas na rin ako ng gym para hanapin si Dante. Gusto ko kasi magpaalam sa kanya bago ako umalis papuntang US. Mamayang gabi na kasi ang flight namin ni papa papuntang US kaya nga napaaga ang celebrate namin na dapat mamaya.
Naglalakad lang ako sa hallway hanggang makarating ako sa music room. Hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko hanggang sa nakita ko si Dante pero may kausap siyang babae.
Bakit nasasaktan ako kapag may kasama siyang babae?
Wala naman akong karapatan magselos dahil hindi naman ako girlfriend ni Dante sa simula pa lang. Magkaibigan lang kami hanggat hindi ko pa siya sinasagot. Ayos lang naman sa kanya na magkaibigan na muna kami at handa naman siyang maghintay sa pagbalik ko.
Lalapit na sana ako sa kanila pero nakita ko ang paghalikan nilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako lalo. Akala ko, ako ang mahal ni Dante pero hindi pala. Isa na rin ba ako sa babaeng binobola niya? At nagpapauto naman ako sa mga matatamis na salitang binibitawan niya sa akin noon. Sabagay, expert naman talaga siya sa ganoong bagay.
Pero ako, isang tanga nagpapauto sa kanya.
Pinahid ko na ang luha ko na kanina pang pumapatak. Hindi siya worth it para aksayahin ko ang luha ko sa kanya. Siguro dahil sa pangalawang pagkakataon ay takot na ako umibig pang muli.
"Faye?!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Tumalikod na ako sa kanya at agad na ako naglakad ng mabilis. Ayaw ko marinig kung ano man kasinungalingan sasabihin niya sa akin. "Faye, wait!"
Tuloy pa rin sa pagpatak ang luha ko para isang sirang gripo na ayaw tumigil at tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako maabutan hanggang sa nakarating na ako sa garden ng school namin. Umupo ako sa isang bench at doon ako humagulgol ng iyak. Mabuti na lang walang tao rito ngayon dahil nasa loob sila ng gym.
"Faye." Agad kong pinunasan ang luha ko pero wala pa rin akong imik. "Sorry. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako. Ang sabi niya sa akin ay may gusto lang daw siya sasabihin sa akin kaya pu---"
"Stop, Dante. Ayaw na ayaw ko na marinig ang mga kasinungalingan mo! Diyan ka naman magaling, eh. Ang mangbola ng mga babae at isa na rin ako sa nabiktima mo!" Hindi ko na maiwasan ang sumigaw dahil nasaktan ako.
"Faye, hindi kita binobola. Totoo ang laha--"
"Shut up! Ayaw ko na marinig kung ano man iyan! At ayaw ko na rin makita ang pagmumukha mo kahit kailan!"
Dumeretso na muna ako sa CR para pakalmahin ang sarili ko. Hindi pwede malaman ng pamilya ko ang nangyari lalo na si papa. Naghilamos na muna ako ng mukha kahit alam kong masisira ang make-up ko.
Pagbalik ko sa gym ay mabuti na lang nakita ko ang mga kaibigan ko. Niyakap ko si Mich at doon ulit tumulo ang luha ko.
"Bes, what's wrong?"
"Niloko lang pala niya ako, Mich. At ako naman ang nagpaloko sa kanya. Ang sakit sakit."
"Shh, tahan na. Nandito lang kami para sayo." Sabi ni Angel.
"Malalagot talaga sa akin si Dante kapag nakita ko siya mamaya." Bakas sa boses ni Mich ang galit. Ayaw kasi niyang may nagpapaiyak sa akin at aawayin niya kung sino ang nagpaiyak sa akin.
Pagsapit ng gabi ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko dahil mamimiss ko silang lahat maliban sa isa. I never missed him or love him. I started to hate him once again.
"Faye, nagpaalam ka ba kay Dante kanina?"
"Gusto ko na po ang matulog, papa." Pagiwas ko sa tanong ni papa. Ayaw ko na kasi pagusapan o marinig ang tungkol sa lalaking iyon at pagod na rin ako.
Pagod sa kakaiyak kanina.
"Sige, pahinga ka na. Alam ko namang pagod ka kanina."
Nilagay ko ng blindfold ang mata ko para hindi masilaw dahil sa mga ilaw rito sa eroplano at gusto ko na rin kasi ang matulog.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...