Chapter 18

443 19 0
                                    

Nakita kong palapit sa table namin sila Dante at Louie. Kaya itong si Mich ay pasimpleng tumitingin kay Louie at alam ko naman kinikilig siya kasi katabi niya ang kanyang crush.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito aa table namin?" Tanong ko sa kanila.

"Wala ng bakanteng table. Lahat occupied na." Sagot naman ni Dante. Sabagay, occupied na nga ang lahat na table sa canteen. Mahirap talaga makahanap ng table kung late ka, kailangan maaga kang pumunta rito.

Napalingon kaming lahat dahil may nagkagulo sa kabilang table. Naku, si Eren dahil may pinapaalis na estudyante doon.

"Bagong taon na pero hindi pa rin nagbabago si Eren." Sambit ni Mich.

"Huwag ka na umasang magbabago iyan. Sa tatlong taon natin sa high school ay ganyan na iyan." Sagot ni Dante. Hindi talaga magkasundo ang dalawa kahit noong lumipat si Eren sa section namin.

"Sino iyon?" Tanong ni Nathalie. Hindi pa niya alam na isang black sheep si Eren.

"Eren Gonzaga. Isang bad boy ng campus kaya lahat na estudyante ay takot sa kanya." Sagot ni Mich.

"Maliban sa akin. Hindi ako takot sa lalaking iyan."

"Kaya dati kamuntikan ka na masuspend dahil sa kanya. Mabuti na lang inamin ni Faye ang nangyaring gulo noon." Ani Louie.

"Ginawa ko lang naman ang tama."

Naalala ko yung sinabi ni Louie kaya si Eren lang ang nasuspend ng isang buwan dahil kasalanan naman niya talaga. Ang hindi ko maintidihan ay kung paano siya nakalipat sa section namin.

Pagkatapos namin kumain ay naglalakad na kami sa hallway at napadaan na rin kami sa bulletin board kung saan nakalagay ang top 10 sa exam last month.

1. Eugene Faye Silva 95%
2. Louie Aguilar 90%

6. Michelle Lopez 85%

"Aw, top 6 pala ako."

"Ang talino mo pala, Faye." Sabi ni Nathalie sa akin.

"Hindi naman." Sabi ko naman sa kanya. Palagi kami naglalaban ni Louie sa top pero minsan ay nasa top 2 ako. Kahit tahimik si Louie ay matalino rin naman siya.

"Sa finals makikita niyo ang pangalan ko sa top 10." Sambit ni Dante.

"Malabo mangyari iyan, pre. Tamad ka kaya magaral kaya inposibleng makapasok ka sa top 10." Sagot naman ni Louie. Nasa top 20 kasi si Dante.

"Papatunayan ko sa inyo na kaya ko rin makapasok sa top 10. Para kay Faye."

"Talaga lang ah? Tatandaan ko itong araw, Dante. Kapag ikaw hindi nakapasok sa top 10, ewan ko na sayo."

"Makakapasok ako. Tiwala lang."

Pagkatapos ng klase namin ay si Dante ang kasama ko pauwi na dapat si Mich dahil malapit lang ang bahay namin.

"May tanong pala ako sayo, Faye."

"Ano iyon?"

"May gusto ba si Mich kay Louie? Nahuli ko kasi siyang nakatinging kay Louie kanina."

"Kung sasabihin ko sayo dapat hindi mo sasabihin kay Louie ang totoo."

"Kahit hindi ko sabihin kay Louie ang totoo ay alam na niyang may gusto sa kanya si Mich. Matagal na niyang alam pero hindi na lang niya pinapansin." Nagulat ako sa sinabi ni Dante. Matagal na pa lang alam ni Louie.

"Bakit naman?" Dahil sa curiosity ko ay naitanong ko si Dante.

"Ang sabi ni Louie noon ay ayaw niyang umasa at masaktan si Mich. Mukhang wala naman plano si Louie na magkaroon ng girlfriend dahil libro lang naman siya masaya."

Heto na nga ba ang sinasabi ko, eh. Pinipilit kasi ni Mich na magugustuhan rin siya ni Louie.

"Ano pala nagustuhan ng kaibigan mo sa lalaking iyon? Ang lamig pakitungo noon sa ibang tao."

"Ewan ko ba. Weird kasi ang taste ni Mich sa mga lalaki pero ayaw ko naman makitang masaktan ang best friend ko dahil kay Louie. Kaya lang ay pinipilit pa rin niya at umaasang balang araw ay magkakagusto rin sa kanya si Louie."

Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na sa akin si Dante at pumasok na ako ng bahay.

"Bakit mo siya kasama? Hindi ba sinabihan na kitang layuan mo ang kapatid ni Paul?" Bungad sa akin si kuya Peter.

"Ano naman masama kung kasama ko si Dante sa paguwi, kuya?"

"Nasaan si Mich? Hindi ba siya ang palagi mong kasama pauwi?" Walang katapusang tanong ito.

"Maagang umuwi kanina si Mich dahil tumawag sa kanya si tita. Wala daw magaalaga sa kapatid nito."

"Kapag nalaman kong may balak mangligaw sayo ay hindi siya papasa sa akin at sasabihin ko rin kay papa."

Maka hindi papasa sa kanya, akala mo naman siya ang nililigawan.

"Don't worry, wala pa naman akong balak pumasok sa isang relasyon hanggang hindi pa ako tapos sa pagaaral ko. Ayaw ko naman magalit sa akin si papa."

"Good. Dapat lang."

Dapat kasi maghanap ka ng girlfriend para hindi mo na papakialamin ang love life ko kahit wala naman akong love life talaga. Marami nga akong asawa pero sa anime world nga lang. Sa real world wala akong boyfriend dahil pagaaral ang priority ko.

Kahit wala naman kaming quiz bukas ay pinagaaralan ko ang nilecture namin kanina sa English. Ganito kasi ako kapag walang ginagawa ay nag-advance reading na lang ako.

"Faye." Napaangat ako ng tingin nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Nakita ko si mr. Martinez na nakadungaw sa bintana ng kwarto niya. Nawala sa isip ko na kwarto pala niya ang nasa tabi ng kwarto ko.

"Bakit po?" Naging okay na kaming dalawa at tanggap ko na rin ang pag-reject sa akin ni mr. Martinez.

"Gusto ko lang malaman kung nasabi na ba sayo ni Dante ang nararamdaman niya para sayo."

"Yes po. Sinabi niya sa akin noong new year pero ang sabi niya ay handa naman siya maghintay at kahit ilang beses ko siyang tanggihan."

"Mukhang tinamaan na talaga sayo ang kapatid ko."

"Kayo po? May balak po ba kayong balikan ang dati niyong nobya?"

"Hindi ako pupunta ng Japan para makipag balikan sa kanya. Pupunta ako doon para sa bata at sa trabaho ko."

"Hindi pala magiging buo ang pamilya ng anak niyo."

"Matagal na kaming tapos na dalawa at may napupusuan akong babae ngayon pero hindi pa ako handang magtapat sa kanya. Malaki rin ang kasalanan ko sa kanya."

"Kung ano man iyan ay sana maayos ang lahat na problema."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon