Chapter 38

331 15 0
                                    

Nandito kami ngayon sa school dahil kuhanan na ng grades namin. Excited na nga ako malamam ang grades ko sa lahat subject.

Pagkarating ko sa classroom dahil dito namin makukuna ang grades at sakto nakita ko si Dante.

"Faye, excited ka na ba malaman ang grades? Malalaman na natin kung sino panalo sa deal natin." Pagyayabang niya sa akin. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa deal na iyon.

Hindi ako pwedeng matalo sa deal na ito. Ayaw ko maging slave for the whole Summer break.

"Siyempre ako ang mananalo sa deal, no?" Confident kong sagot sa kanya. Hindi ako pwedeng matalo.

"Tingnan natin. Sabay na natin kunin para malaman ang grades." Tumango na ako sa kanya. Ayon na nga sabay na namin kinuha ang grades namin kay ms. Morales.

Bakas sa mukha ni ms. Morales ang pagkagulat pagkabigay niya ng grades kay Dante. Don't tell me...

"Congratulations, mr. Gonzales. You passed all of your final examinations. Kung ganito ka lang noon ay sana palagi ka pasok sa top 10."

"Salamat po, ma'am." Ngiting tagumpay ang pinakita sa akin ni Dante kaya ako naman ang kumuha ng grades. Medyo kabado.

"Congratulations, ms. Silva. Hindi mo talaga ako binigo dahil isa ka sa masisipag kong estudyante."

"Thank you po." Naiilang ako ngumiti dahil kinakabahan akong malaman ang final result namin ni Dante.

Here we go!

Lumapit na ako kay Dante para alamin na ang resulta sa deal namin.

"Hah! I win. Faye, you will be my slave for the whole Summer vacation starting today."

No! This can't be happen. Isa lang itong bangungot. Gusto ko na magising sa panaginip na ito. Hindi ako pwedeng matalo sa deal, ayaw ko maging slave ni Dante. Baka ano ang gawin sa akin.

"No! Baka nagkamali lang ng compute si ms. Morales sa final grades natin." Lumingon ako kay ms. Morales para makasigurado. "Ma'am, tama po bang nalamangan ako ni Dante sa final grades? I want to make sure baka po nagkamali lang kayo ng compute."

"Let me see your grades." Binigay namin ni Dante ang grades namin para i-compute ulit ni ms. Morales ang final grades. Nagsimula na ulit mag-compute ang class adviser namin. "Tama naman ang final grades na nilagay ko. At onti lang naman ang lamang ni mr. Gonzales sayo ms. Silva."

No! Hindi ko talaga matatanggap ang nangyayari.

"Wala ka na magagawa, Faye. Nanalo ako sa deal natin. Sabi ko nga sayo hindi mo pa kilala ang isang Dante Gonzales kapag nagseryoso sa isang bagay. Hindi sa nagyayabang ako pero kaya kong talunin si Louie sa final grades pag gusto ko. Tamad lang ako minsan magaral." Sabi nito kaya sumismangot lang ako. Hindi ko kasi tanggap natalo ako sa final grades.

"Kailan mo gusto ako magsimula sa pagiging slave mo?"

Nagsisi na akong tanggapin ang deal na ito. Akala ko kasi hindi ako kayang talunin si Dante pero hindi pala.

"As I said earlier, you will be my slave starting today." Nakangising sabi niya sa akin.

Today?!

Oh my, hindi ko na yata kaya ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos natalo ng isang tamad na estudyante pero isa pa lang matalino.

"Okay. Ano ang gusto mong gawin ko, master?"

"Noong isang gabi kasi kinukulit ako ni dad kung may nililigawan na daw ba ako. Hindi naman ako pwede magsinungaling sa kanya dahil totoo naman meron akong nililigawan at ikaw iyon. Ang gusto ko sana sumama ka sa akin sa bahay and you have to pretend as my girlfriend."

"Huh? Ayaw ko nga! Iba na lang ang pagawa mo sa akin. Kahit gawin mo kong taga luto pero ang maging pretend girlfriend mo hindi ko kaya."

"Hindi ka pwede tumanggi, Faye."

"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo ah? Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para magsinungaling sa iba lalo na sa mas matanda sa akin."

"Yes but I am your master from now on, Faye. You can't disobey my request."

"Fine, fine. Hanggang kailan ba iyan?"

"Hanggang matapos ang Summer vacation, of course. Sabi ko nga sayo whole Summer ka magiging alipin ko."

Ugh, sa dami pwede pagawa sa akin. Bakit ang pagiging pretend girlfriend ba ang gusto?

Sabagay, galawang Dante Gonzales nga naman.

"Matatapos lang ito sa katapusan ng Summer dahil balik eskwela na ulit tayo at ayaw ko naman maging sagabal sa pagaaral mo."

"Okay. Kailan ba kailangan? Ngayon ba o bukas? Ako na ba ang pupunta doon? Pero heto lang masasabi ko sayo, Dante hindi ko alam paano pumunta sa inyo. Taong bahay lang ako."

"Ako na ang pupunta sa inyo para sunduin kita. Baka mawala ka pa papunta sa bahay at marami na naliligaw sa lugar sa amin." Napalunok ako bigla. Ayaw ko kasi ganyang scenario, yung may maliligaw sa isang lugar tapos matatagpuan na lang patay. I hate horrors!

Hindi ako fan ng horror stories, movies, etc. basta may horror related. Hindi nga ako nanood ng The Ring noong bata pa lang ako dahil sobrang matatakutin ko. Pakiramdam ko kasi lalabas sa TV namin.

"Huwag kang magbiro ng ganyan!" Pinagtawanan lang ako ng loko. Hindi naman kasi maganda ang sinabi niya kahit tirik pa ang araw ay natatakot na ako. "Kung alam mo lang takot ako sa mga horror."

"Sorry na. Biro lang naman iyon. Wala naman sa kalagitnaan ng forest ang bahay namin." Tuloy pa rin siya sa pagtawa kaya pinalo ko siya sa kanyang braso.

"Kainis ka. Kahit tirik pa ang araw ay hindi ko na magalaw ang buong katawan ko dahil sa takot."

"Sorry." Hinila ako ni Dante para yakapin. FYI, nasa school lobby kami at ang daming estudyante ang dumadaan.

May mga estudyante kinikilig sa amin ni Dante pero ang iba naman ay siyempre kabaliktaran. May galit kasi ang ibang kababaihan sa akin dahil siguro iniisip nilang inagaw ko sa kanila ang kanilang prince charming.

Wala akong inaagaw sa inyo kaya huwag kayo ilusyunada. Lalandi niyo.

Nagsalita ang hindi malandi. Tinalo niyo pa nga ang ilang taon na mag-couple sa tabi tabi sa sobrang PDA niyo. Kulang na lang halikan ka ulit ni Dante.

"Kung nagawa mo ang request ko ililibre kita ng burger with fries sa loob ng isang taon."

"Sige pero hindi ako mangangakong magagawa ko siya at saka ayaw kong mahulog sayo."

Ayaw ko lang gumulo ulit ang utak ko. Baka mawala sa isipan ko ang pinagusapan namin ni papa na no boyfriend policy. Baka sagutin ko agad si Dante.

Joke lang. Ayaw ko naman magalit sa akin si papa at kuya Peter, no!

"Basta. Tomorrow after lunch susunduin kita sa inyo." Tumango ako sa kanya pagkalabas namin sa gate ng school namin.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon