Chapter 40

364 15 0
                                    

Nakaupo lang kami ni Dante sa sofa na magkatabi dahil nagpaalam na sa amin ang kanyang papa kasi may kailangan pa siyang tapusing trabaho.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon dahil kaming dalawa lang ang nandito sa may sala nila.

Alam niyo naman siguro ang salitang awkward. Iyon kasi ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ako sanay na kami lang ang magkasama.

"Ano pala ang ginagawa mo kaninang umaga?" Tumingin ako kay Dante ng sirain niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng bahay nila. Sa sobrang tahimik kasi.

"Um, nanood lang ako ng Assassination Classroom. Alam mo ba iyon? Sila yung nasa low section pero tinuturuan sila maging assassin para patayin ang isang teacher nila na mukhang octopus."

"Yes, I know that anime. Maganda ang story niyan pero nakakaiyak ang ending ng season 2. Grabe nga--"

"Shh, huwag kang magkwento sa mangyayari kung ayaw mong magaaway tayong dalawa. Nasa kalahating episode pa lang ako ng season 1."

Alam ko na rin naman mangyayari sa ending dahil ang dami nagpopost sa facebook noon ang tungkol doon. Kaya tuloy curious ako kung anong klaseng story ang Assassination Classroom. Kung alam ko lang maganda pala sana matagal ko ng pinanood.

"Mas nakakaiyak lang ang season 2 kumpara sa season 1 kaya ihanda ang sarili mo kapag nasa season 2 ka na."

"Hanggang season 2 lang siya?" Tumango naman sa akin si Dante bilang kasagutan.

"Pero hindi naman siya bitin kaya ayos lang din."

"Ano ba ang pinapanood mong anime ngayon?" Nakatingin ako sa kanya. Nawala na rin ang awkward moment namin kanina noong pinaguusapan na namin ang tungkol sa anime, alam ko kasing mahilig rin si Dante sa anime pero isa nga lang siyang closet otaku habang ako ay open otaku.

"Hm, pinapanood ko ngayon Fairy Tail final season. Kapag tapos ko na ang lahat na episode ng Fairy Tail ay Boruto naman."

Mga ongoing anime pa ang pinapanood ni Dante. Ayaw ko ng ganoon kasi nakakabitin, ang gusto ko kasi kung manonood ako ng isang anime ay tuloy tuloy hindi yung mabibitin dahil next week pa ang susunod na update ng next episode.

Sa totoo lang masaya pa lang kausap si Dante dahil pwede ko siyang kausapin tungkol sa anime at marami rin siyang alam tungkol sa anime. Baka nga may alam rin siyang bagong anime.

"Mga anak." Lumingon naman ako kay manang Gina ng tawagin niya kami. "Kumain na muna kayo ng miryenda. Nagluto ako ng turon at ginataang saging na saba."

Turon? Sobrang miss ko na kumain ng turon.

"Tara kain tayo. Mga specialty ni manang ang mga iyon at sisiguraduhin kong hanap-hanapin mo ang turon at ginataang saging na saba ni manag Gina."

"Napaka bolero mo talagang bata ka. Manang mana ka talaga sa ama mo." Nagsitawanan kaming tatlo rito.

Pumunta na kami sa kusina para kumain at tama nga ang sabi ni Dante dahil ang sarap ng turon ni manang Gina kahit ang ginataang saging na saba. Kung dati kasi hindi ako kumakain ng ginataang saging na saba pero mukha ngayon ay magugustuhan ko na dahil ang sarap.

"Alam mo bang paborito ko ang mga luto ni manang." Sabi ni Dante habang kumakain ng turon.

"Manang, ano po ang sikreto niyo sa mga ito? Ang sarap po."

"Wala naman akong sikreto sa mga iyan."

"Paturo naman po pagbalik ko rito sa susunod, manang."

"Lulutuan mo rin ako?" Tanong ni Dante.

"Hindi. Baka kasi hanap-hanapin ko nga talaga ito lalo na kung nasa US na ako nakatira. Hindi ko na ulit matitikman ang luto ni manang Gina kaya ako na lang mismo ang magluluto para matikman rin ni papa."

"Akala ko pa naman lulutuan mo na ako."

Assuming ka. Pero malay mo balang araw ay lutuan rin kita ng ganito.

"Sige, hija. Tuturuan kita pagbalik mo rito."

"Salamat po."

Pagkatapos namin kumain ng miryenda ay nabusog ako. Halos naubos ko na nga ang turon at ginataang saging na saba sa sobrang sarap. Para tuloy patay gutom ako o kaya ilang taon na ang huling kain ko sa sobrang gutom.

"Grabe talaga ang alaga mo sa tyan, no? Halatang ilang taon na sila hindi pinapakain." Natatawang sabi ni Dante habang nandito kami sa garden nila na mala maze ang itsura. Pinapasyal niya ako rito.

"Turn off ka na?"

"Hindi naman. Kung gusto mo sabay pa tayo kumain ng marami." Tuloy pa rin siya sa pagtawa. Grabe kakahiya kaya iyon. Kababae kong tao pero ang takaw ko kung kumain. Kung ibang lalaki si Dante baka turn off na sila sa akin. "Faye."

"Ano iyon?"

"Dahil slave naman kita ngayon..." Humarap siya sa akin, pero bakit ako kinakabahan ng ganito? Alam ko naman walang gagawing masama sa akin si Dante. "Kiss me."

"Huh?"

Ano daw?

Hindi ma-proseso ang huli niyang sinabi sa akin.

Loading... Loading... Loading...

At ngayon lang na-proseso sa utak mo ang huli niyang sinabi.

Kiss him?

"H-Halikan kita? Dante naman. Sa daming pwede mong pagawa sa akin, bakit pa iyan?" Hindi ko pa kasi makalimutan noong hinalikan niya ako sa bonfire dance party namin. Siya ang nagnakaw ng first kiss ko.

"Sorry, alam ko naman hindi mo iyon gaga--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya sa kanyang labi kahit wala naman akong alam kung paano humalik. Bahala na.

Dapat isang smack kiss lang pero naramdam ko ang braso niya pumalibot sa aking beywang at mas pinalapit pa niya ako sa kanya. Mas lalo pa ngang lumalim ang halikan naming dalawa habang nakatayo kami sa gitna ng mga bulaklak.

"W-Wala ako magagawa dahil ikaw ang master ko ngayon. K-Kahit ano papagawa mo sa akin ay gagawin ko." Pagkatapos ng mainit naming halikan.

"Gagawin mo? Kahit sabihin ko sayo na maghubad ka sa harapan ko?"

"Huwag..." Pakiramdam ko tuloy umakyat ang dugo ko sa ulo at pulang pula na ang pisngi ko.

"Ang cute mo pala kapag namula ka. Hatid na kita sa inyo dahil malapit na dumilim. Lagot pa ako kay tito."

Nagpaalam na muna ako kay manang Gina bago kami umalis ni Dante pero napapansin ko hindi ko yata nakita ang mama ni Dante.

"Nasaan pala ang mama mo ngayon? Hindi ko kasi siya nakita.."

"Nasa probinsya ngayon si mama para bisitahin ang ibang kamag anak namin doon." Tumango ako sa kanya kaya naman pala hindi ko nakita ang mama niya. Nasa probinsya pala

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon