Maaga akong nagising kahit mamayang hapon pa naman ang flight ko pabalik ng US. Mahaba habang biyahe na naman ito at magiging busy ako pagbalik ko dahil aayusin ko pa ang naging problema sa kumpanya namin. Ang dami ang umalis na empleyado.
Habang nilalagay ko na ang mga gamit ko sa may sala ay may kumatok. Nakatira ako sa isang apartment dito at agad ko naman iyon binuksan. Kumunot ang noo ko ng malaman kung sino ang kumakatok kaya sinarado ko na ulit ang pinto pero hinarang niya ang kanyang braso.
"Ow." Kung hindi naman kasi tanga ang lalaking ito, hindi sana maiipit ang braso niya. "Faye, sorry."
Nakita kong may inabot siyang paper bag sa akin.
"Ano iyan? Suhol?"
"Hindi. Alam ko naman paborito mo ang burger at fries kaya bumili na muna ako sa fast food na malapit." Sabi nito. Naalala ko ito ang madalas kong binibili sa canteen noong high school pa lang kami. Kaya siguro ito ang inakala ni Dante na paborito ko kaso kaya ko lang naman ito binibili palagi dahil mura lang.
"Hindi. I mean, umiiwas na ako kumain ng mga ganyan." Sagot ko sa kanya. Sinubukan ko dati kumain ng burger pero sinusuka ko lang din kaya hindi na ulit ako bumili para hindi sayang.
"Sayang naman itong binili ko."
"Dante, makinig ka na muna sa akin." Nakita ko naman ang pagtango niya sa akin. "Pasok ka na muna para dito tayo sa loob magusap."
Niluwagan ko na ang pinto para pumasok na siya sa loob at nilibot niya ang kanyang paningin sa buong apartment bago timingin sa akin.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?"
"Meron kaya nga makinig ka sa akin. Kaya lang ako umiiwas kumain ng burger o kahit anong bawal dahil buntis ako. May bata sa sinapupunan ko ngayon ko." Sabi ko sa kanya kaso nakita ko lang siyang tulala at nabitawan pa niya ang hawak niyang paper bag. "Huy! Wala ka man lang sasabihin diyan?"
"Buntis ka? Magiging daddy na ako? Damn!" Hinila ako ni Dante para yakapin. "Hindi pa ako handa sa ganitong bagay pero nandiyan na rin naman ang bata. Tutulungan kita alagaan ang magiging anak natin."
"Pero natatakot ako sa mangyayari lalo na kung sasabihin kay papa. Wala pa kasi ako pinagsabihan kahit ang mga kaibigan ko walang alam maliban kay kuya Paul."
"Alam ni kuya?"
"Siya ang sinabihan ko ang tungkol sa pagdadalang tao ko noong nakausap ko siya. Natatakot kasi ako sa mangyayari at siya rin nagsabi sa akin sabihin sayo ang tungkol dito."
"Faye, hindi kita tatakbuhan dahil dugo't laman ko ang dumadaloy sa bata. Kahit hindi pa ako handa maging isang ama dahil wala pa tayong trabaho ay handa naman akong panagutan kayo." Napangiti ako ng pilit sa sinabi ni Dante. Kahit pa paano ay nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa pwedeng mangyari.
"Thank you, Dante." Pinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya at hinalikan ko na siya sa kanyang labi. "I love you."
"I love you more, Faye. Kahit ang magiging anak natin."
Bago pa ako umalis ng Japan ay pumasyal na muna kami ni Dante at kumain sa labas. Siya na rin ang naghatid sa akin sa airport.
Masaya ako dahil tinanggap ni Dante ang magiging anak namin. Sabagay, dugo't laman naman niya talaga itong bata nasa sinapupunan ko ngayon, kaso natatakot pa rin ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman ng pamilya ko lalo si papa. Ginagawa ko ang lahat para maging proud sila sa akin pero nabuntis agad pagkagraduate. Pareho naman kami hindi pa handa ni Dante dahil marami pa kaming pangarap sa buhay na gusto namin gawin pero sabi nga niya nandito na rin naman ang bata. Hindi naman ako masamang tao para ipalaglag ang isang inosenteng bata. Hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko maging ganoon.
Nang makarating na ako sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto para magpahinga. Napagod kasi ako sa mahabang biyahe at bukas na lang siguro ako pupunta sa kumpanya namin.
Nagising na ako dahil napasarap ang tulog ko kahapon. Tuloy-tuloy yata ang tulog ko dahil wala akong maalala nagising simulang humiga ako sa kama ko. Pakiramdam ko tuloy kumpleto ang tulog ko ngayong araw.
"Tinanghali ka ng gising ngayon, Faye." Napalunok ako ng makita si papa.
"Pagod lang po ako dahil ang haba ng binayahe ko kahapon." Sabi ko. Pagod naman ako kahapon pero mapapadalas na ang tanghali kong magising dahil buntis ako. Baka rin makahalata si papa na ganoon ako tuwing umaga. I have a morning sickness too. Tuwing umaga kasi nagduduwal ako parang gusto ko ilabas lahat na kinain ko.
Sana nga nandito si Dante at kasama ko siya ngayon.
"Kumain ka na muna at kailangan mo na rin pumunta sa kumpanya pagkatapos mong kumain."
Nang makarating na ako sa kumpanya namin ay binati ako ng mga staffs at empleyado dito. Kilala rin naman ako bilang anak ng CEO nila.
Tinitingnan ko ang mga reports na ginagawa noong mga umalis na empleyado namin.
"What's this? Ang daming mali sa ginawa mong report ngayon. Gusto mo bang masira ang pangalan ng kumpanya namin ah? Ulitin mo iyan kung ayaw mo matatanggalan ka ng trabaho!" Binalik ko sa kanya ang ginawa niyang report. Karamihang empleyado namin dito mga Filipino.
Hinilot ko ang sentido ko dahil sobrang stress na ako. Ang dami ko na ngang problema dumagdag pa ang problema ng kumpanya namin. Kung alam lang nila na bawal ako bigyan ng problema at stress dahil makakasama sa baby ko.
May narinig akong kumatok sa pinto kaso dinedma ko lang iyon.
"Faye." Napaangat ako ng makarinig na familiar na boses.
"Lance, what are you doing here?"
"Um, binibisita ka. Wala rin kasi akong pasok ngayon kaya naisipan kong bisitahin ka. Miryenda na muna tayo."
"Marami pa akong gagawin ngayon. Next time na lang."
"Come on, Faye. Masyado ka ng stress sa trabaho mo kaya kain na muna tayo. It's my treat."
"Sige na nga. Kilala mo naman ako hindi ko kayang tumanggi sa grasya." Narinig ko lang ang pagtawa ni Lance. Tanggap na rin ni Lance na hanggang kaibigan lang kami at alam na rin naman niyang may boyfriend na ako.
Last month ko pa nga lang sinagot si Dante pero magkakaroon na agad kami ng anak sa loob ng siyam na buwan.
"Kamusta naman pala ang pagpunta mo ng Japan?"
"Ayos lang naman. Pumunta lang naman ako para surpresahin si Dante noong graduation niya at pinasyal niya rin ako sa mga magagandang lugar doon."
Kahit kaibigan ko si Lance ay hindi ko magawang sabihin sa kanya ang tungkol sa pagdadalang tao ko.
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...