Chapter 29

388 16 2
                                    

Babalik na sana ako sa gym pero nakita ko si Mich palabas na ng gym. Tapos na yung laro? Ganoon ba ako katagal kumain at natapos na yung laro.

"Ang tagal mo naman kumain. Sana naman dinala mo na lang yung binili mong food sa gym para hindi ako naghintay sa pagbalik mo." Pinagkrus pa ni Mich ang mga braso niya.

Hindi ko kasi pwedeng sabihin kay Mich na kinausap ako ni Louie kanina. Baka pati sa akin ay magalit ang kaibigan ko.

Pinagpalit ko rin siya sa pagkain.

"Sorry. Tapos na ba yung laro?"

"Hindi pa. Kakatapos pa lang ng 3rd quarter at lamang ang team ni Dante ng 1 point. Noong matapos nga ang 3rd quarter ay mukhang hinahanap ka ni Dante." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Mich,

"Bakit naman? Bakit hindi na lang siya doon sa babae nasa likuran natin? Tinalo pa ng tili niya ang sigaw ng mga estudyante sa loob ng gym kanina." Inis kong sabi sa kaibigan.

"Hay naku, Faye. Kung hindi lang kita kilala baka isipin kong nagkakagusto ka na kay Dante ngayon. Halika na nga at bumalik na tayo sa loob." Sabay hatak sa braso ko pabalik sa gym. Nagsimula na ang 4th quarter. "Wala na tuloy tayo maupuan. Ang tagal mo kasi bumalik."

"Sorry na kasi."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Mich kanina. Nagkakagusto na ba ako kay Dante ngayon? Hindi naman kasi ganito ang nararamdam ko noon sa tuwing nagkikita kaming dalawa since 1st year high school pa lang kami. Pero masaya ako kapag kasama ko siya ngayon dahil pinapayasa niya ako para bang alam niya kung paano ako pasayahin. Simpleng bagay lang ay mapapasaya na ako. Hindi naman kasi kailangan ng effort para pasayahin ako.

Parang expert talaga si Dante sa ganitong bagay. Sabagay maraming babae ang kasama at pinaiyak niya noon.. At alam ko naman balang araw ay pagsasawaan rin naman niya ako. Wala naman kasing forever.

Bakit pa ba ako aasa na magkakaroon ako ng forever?

Natapos na ang laro at nanalo ang team ni Dante. Todo cheers ng mga estdyante sa dalawang team kulang na nga lang maubusan sila ng boses kakasigaw.

Pero teka, bakit parang huminto ang oras noong nasa harapan ko na si Dante ngayon. Crowded ang gym para walang kahirap hirap niya ako nakita.

"Congrats." Naiilang akong tumingin sa kanya kahit wala naman siyang ginawa sa akin.

Hindi ba dapat galit ka sa kanya?

Oo nga. Dapat galit ako sa kanya ngayon dahil sa nangyari kanina, pero bakit biglang nawala ang galit ko ngayon?

"Thank you for the cheers, Faye." Sabi ni Dante sa akin. "Wait lang. Babalik ako sa locker room para magpalit ng damit dahil amoy pawis na ako. Mich, huwag kayo aalis na dalawa ah. Wait niyo lang ako."

"Oo na." Sagot ni Mich.

Tumakbo na si Dante papuntang locker room nila at nakita ko si mr. Martinez nakangiti sa akin bago pa siya lumabas ng gym. Malaki kasi itong gym namin kaya dalawa ang pintuan.

"Nakita mo iyon, bes? Nginitian ka ni sir kanina bago pa siya umalis. Haba ng hair mo ah." Pang aasar ni Mich sa akin. Kung hindi ko lang ito kaibigan ay kanina ko pa siya binatukan.

"Alam mo ba, Mich. May balak pala si kuya Paul na ligawan ako pagkatapos ng graduation natin." Kahit hindi ako nakatingin kay Mich ay alam kong nagulat siya.

"Talaga? Pero nagbago ang isip dahil aalis siya papuntang Japan?"

"Kung hindi lang niya ako nireject ay siguro hanggang ngayon kinikilig pa rin ako."

"Pero wala. We can't changed the past."

Nakita ko ng naglalakad sa direksyon namin si Dante. Ibig sabihin ay tapos na siya magpalit ng damit niya.

"Tara." Alok niya. Saan naman kaya kami pupunta?

"Mauuna na ako sa inyo ah. Nagtext si mama sa akin kanina at ang sabi ko uuwi ako pagkatapos ng laro." Nagpaalam na sa amin si Mich kaya kami na lang ni Dante ang nandito.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta." Sabay kuha sa kamay ko. As in holding hands pa kami lumabas ng gym.

Habang naglalakad kami sa hallway ay ang daming pares ng mata nakatingin sa akin. Kung nakakapatay lang ang samang titig nila ay kanina pa ako nakadusay ngayon.

Bakit may holding hands pa nalalaman si Dante? Ni hindi naman niya ako girlfriend at wala pa akong balak magkaroon ng boyfriend.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanya dahil hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko hanggang nakarating kami sa isang toy store and arcade.

"Anime toy store and arcade?" Hindi ako makapaniwalang nandito kami sa tapat ng anime toy store and arcade.

"Yup. Balita ko ay kailan lang ito magbukas kaya gusto kitang dalhin dito." Sabi niya sabay pasok namin sa loob.

Wow, ang ganda naman dito. Ang daming anime toys. Para akong bata sa sobrang tuwa sa mga nakikita ko ngayon.

Naalala ko noong dinala ako ni Dante sa isang anime cafe tapos dito naman. Sabi ko nga simpleng bagay lang masaya na ako.

Kaya pala tinawag na anime toy store and arcade ito dahil pwede ka maglaro.

Nakita ko rin nagpapalit ng tokens si Dante at lumabas ulit kami. Hindi ko alam kung bakit kami lumabas doon pero nakita kong natayo siya sa tapat ng claw machine.

"Ano ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Nakakahiya naman."

"I insist, Faye. Sabihin mo lang kung sino ang gusto mong kunin ko." Pagpilit niya kaya lumapit na ako para tingnan ang mga stuffed toys.

"Si Conan ng Detective Conan na lang." Sabi ko sabay turo kung saan mas madali makuha si Conan.

Sa totoo lang mas favorite anime character ko si Conan Edogawa dahil ang cute niya lalo na sa tuwing sinasabi niya ang...

Ah-le-le

Nakailang hulog na nga ng token si Dante sa claw machine dahil palagi siyang bigo sa pagkuha kay Conan. Pinapatigil ko na siya dahil ayos lang naman kahit huwag na niya gawin ito but he really insist daw.

Napangiti ako ng makuha na niya si Conan at binigay na niya sa akin.

"Keep it, Faye." Tumango ako sa kanya na may ngiti sa mga labi ko.

"Salamat dito, Dante."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon