Dumating na ako sa reception pagkatapos ng kasal nila kahit ang layo pa kung saan ginanap ang kasal sina kuya Peter at ate Rian. Ate Rian na ang tawag ko sa dati naming class adviser dahil ang sagwang pakinggan kung ms. Morales pa rin ang itatawag ko sa kanya. She is the wife of my brother.
"Bes, hindi ako makapaniwala kinasal na ang ating class adviser." Paiyak iyak na sabi ni Mich.
"Maniwala ka na." Nakangiting sagot ko. Nilibot ko ang paniningin ko sa venue at mukhang wala siya ngayon dito. Hindi niya dumalo.
"Paano nangyari iyon? Kilala nating dalawa si ms. Morales."
"Nalala mo yung tungkol sa ID nakita ko sa kotse ni kuya?" Tumango naman si Mich at mabuti naalala niya iyon.
"Ano meron sa ID?" Tanong ni Angel. Magkakasama kasi kaming apat sa isang table. No boys allowed. Sorry na lang kay Eren kailangan niya sumama sa iba.
"Kaya nga ito ang kwento. Noong makita ko yung ID ay laking gulat ko na lang malaman kung sino may ari noon. It was ate Rian's ID. Sinabihan ako ni kuya ibalik ko yung ID pero tumanggi ako dahil nakaisip ako ng ibang way para naman nagkaroon ng love life. Sinabi ko kay kuya siya na lang ang magbalik at binigay ko sa kanya ang number ni ate Rian. At doon siguro nagsimula ang love story nila na hindi ko man alam."
"Ikaw pala ang matchmaker sa love story nila, Faye. Ibang klase." Patango tango ako dahil sobrang proud ako sa nangyari. Naunahan pa nga nila si ate Kath at kuya Steve magpakasal pero sila naman ang una magkarelasyon.
"Ikaw, bes. Kailan mo balak magkaroon ng boyfriend?"
"Wala akong balak. Magmamadre na lang siguro ako balang araw." Tumingin naman ako sa gawi ni Nathalie. Sa aming apat ay siya lang naman ang may boyfriend. "Musta naman kayo ni Eren?"
"Okay lang. Masaya pa rin naman ang samahan naming dalawa."
"Buti pa si Nath may love life. Ako kaya kailan dadating ang mr. Right ko?" Malungkot na tanong ni Mich. Hindi naman kasi hinahanap ang tamang lalaki para sayo. Kusang dumadating sa buhay natin.
Makapag salita ako akala mo pa naman may dumating na sa buhay ko noon pero wala. Bokya!
"Wala rin naman akong love life, Mich." Sabi ni Angel.
"Pero nililigawan ka naman ni Shawn, diba?"
"Talaga?" Hindi ako makapaniwala na nililigawan siya ni Shawn. Para dati lang pinapangarap lang ni Angel maging sila ni Shawn pero ngayon nililigawan na siya ng kanyang crush.
"Yep, hindi ko kasi alam matagal na rin pala may gusto sa akin si Shawn. Nahiya lang siyang umamin." Namumula pa talaga ang pisngi ni Angel.
"Bes, kailan mo ba ako papakilala kay Lance?" Pagmumuktol ni Mich and let me remind her, nasa likuran lang niya nakaupo si Louie at sigurado akong narinig ni mr. Antarctica ang sinabi ni Mich. Pero wala naman pakialam ang bruhang ito.
"Sinong Lance?" Sabay na tanong ng dalawa.
"He is my friend and classmate from US. Isa siyang Fil-Am at kalat sa classroom namin na may gusto sa akin si Lance pero ayaw ko nga kasi pumasok sa isang relasyon. Alam naman niya iyon kaya hindi na niya ako kinukulit."
"Fil-Am? Paniguradong gwapo iyan." Ani Angel.
"Super, Gel. Pinakita sa akin ni Faye ang itsura ni Lance. Gwapo at matangkad." Kilig na kilig pa ang bruha. Kulang na lang ay maihi pa sa panty.
"Matalino rin siya, Mich."
"Perfect guy na siya para sa akin."
"Good afternoon, ladies and gentlemen." Napalingon kaming lahat sa harapan nang nagsalita ang emcee. "Gusto ko lang sabihin na pwede na kumain. Enjoy."
Nauna na kaming apat sa buffet. Pero hindi katulad ng dati na matakaw ako para bang wala ng bukas. Konti na lang ako kung kumain at hindi naman ako nagda-diet.
"Iyan lang ang kakainin mo? Wala ka man lang rice." Sabi ni Nathalie pagkakita ng pagkain sa plato ko.
"Kaya nga, bes. Hindi ka ganyan kumain noon."
"Iba na ako ngayon. I'm already changed, girls."
"Pumunta ka lang sa US pero nagbago ka na. Mabuti hindi mo kami kinalimutan." Sabi ni Angel sabay subo sa kinakain niya.
"Siyempre. Special kayong tatlo sa akin. Kayo lang kaya ang kaibigan ko noong high school."
"Alam mo, nagtatampo pa rin ako sayo." Kunot noo ako napalingon sa direksyon ni Mich. "Kung hindi lang kinasal sina kuya Peter at ms. Morales ay wala ka ng balak bumalik dito. Nangako ka sa amin na babakasyon ka rito."
"Sorry about that. Alam niyo naman ang dahilan kung bakit hindi ko ginagawa iyan, diba? At tama ka, kung hindi nga lang kasal ni kuya ay hindi talaga ako babalik at hindi rin ako titigilan ni papa."
"Alam na ba ni tito ang nangyari?" Tanong ni Nathalie.
"Not yet. Hindi ko sinabi kay papa ang nangyari. Todo iwas nga rin ako sa tuwing siya ang naging topic namin pero sa tingin ko naman may ideya na si papa kung bakit ako umiiwas sa mga tanong niya."
Pagtapos namin kumain ay lumalapit na sa table ng mga bisita ang bagong kasal. Masaya ako para sa kanila.
"Congrats po sa inyo." Nakangiti lang ako sa kanila bago tumingin kay kuya Peter. "Kuya, kailan nangyari ito?"
"Ang alin?"
"Ang relasyon niyong dalawa ni ate Rian. Nagulat na lang ako sa invitation na binigay mo sa amin ni papa pero wala naman akong maalalang nagkaroon ka na pala ng girlfriend."
"Madalas ang paguusap namin sa text at kapag hindi ako busy ay hinahatid ko si Rian sa school niyo hanggang bahay nila."
"Gaano na ba katagal ang relasyon niyong dalawa bago nagisip na magpakasal na kayong dalawa?"
"Almost 3 years na tayo, diba?" Tumango naman si ate Rian. Wow, saglit lang pala ang relasyon nila.
"At saka hindi na kami bumabata ng kuya mo, Faye."
"Bigyan niyo ko ng maraming pamangkin ah." Masayang sabi ko. Mahilig kasi ako sa bata kahit makukulit sila.
"Actually, kaya rin naman biglaan ang pagpapakasal namin ni Peter dahil buntis ako ngayon." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko pero yung mga kasama ko sa table ay nagulat.
"Talaga? Congrats."
"Congrats po." Sabi naman ng tatlo kong kaibigan.
Tumingin ako bigla sa direksyon ni mr. Martinez. Yes, he's here. Siya ang kinuhang bestman ni kuya Peter at ang balita ko ay hindi siya kasal sa ina ng anak niya. Kasama niya rin ang kanyang anak na si Kotaro. Ang cute nga ng anak niya, eh.
"Sorry, I'm late. Traffic dahil may banggaan kanina."
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
ChickLitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...