Laking gulat ko na lang ng makita kong team sina Dante at mr. Martinez ang unang maglalaban ngayong araw. First match, ang magkapatid agad ang maglalaban. Hindi ko tuloy alam kung sino sa kanila ang i-cheer ko.
Nakita kong may binulong si mr. Martinez kay Dante dahil nagiba ang aura ni Dante ngayon. Ano naman kaya iyon?
Nagsimula na rin ang laban at sobrang tense ang labanan ng dalawang team dahil sa kanila ang gustong magpatalo. Sabagay kailangan ibigay ang best nila sa laro.
"Bes, sino ang gusto mo i-cheer? Ang past or ang present?" Tanong ni Mich sa akin at mabuti na lang maingay sa loob ng gym dahil sa sigawan ng mga taong sumusuporta sa dalawang team.
Hindi ko nga rin alam kung sino sa kanila ang i-cheer ko, eh. Si Dante ba o si mr. Martinez. Ang hirap.
"Hindi ko alam. Ang hirap at saka hindi ko naman inaasahan ganito ang mangyayari sa unang araw ng labanan. Teka nga, nasaan pala sina Angel at Nath ngayon? Hindi ko pa kasi sila nakikita simulang pumasok ako kanina." Tumingin ako kay Mich ng tanungin ko siya.
"Hindi daw makakapasok si Nath ngayon dahil kailangan daw niya tulungan ang mama niya. Tutal, hindi naman talaga requirement ang pumunta ngayong araw hanggang finals ng laro. Na sa atin naman kung gusto nating pumunta ngayon, eh. Si Angel naman may pinuntahan yata kaninang umaga pero ang sabi ay hahabol na lang siya mamaya." Nakita sa gilid ng mata ko parang lumingon sa akin si Mich. "Ano na ang balak mo sa last day ng school festival?"
"I don't know. Pagkatapos siguro ng awarding ay uuwi na rin ako."
"Hindi ka sasayaw pagkatapos? Baka yayain ka ni Dante sumayaw."
"Nah, pagod pa kasi ako dahil sobrang dami nating ginawa ngayong linggo. Since Friday naman iyon at pwede naman umuwi after awarding. Gusto ko lang naman malaman kung sino mananalo sa booth contest ngayong taon."
Nakita kong magsisimula na ang 2nd quarter ng laro nila at nakakalamang ang team ni mr. Martinez. Ano kaya ang nangyari kay Dante?
Sisigaw na sana ako para i-cheer si Dante pero may epal na sumigaw sa likuran ko.
"Go! Dante!" Sigaw ng epal na estudyante sa paaralan na ito. Lumingon pa si Dante sa gawi ko o doon sa sumigaw at ngumiti pa ito sabay kaway. Nakakasira ng eardrums yung tili ng babaeng nasa likuran ko.
"Mich, punta na muna ako sa canteen para bumili ng makakain ah. Nagutom ako bigla." Paalam ko sa kaibigan kaya nag-excuse ako sa mga tao para padaanin ako.
Naiinis ako. May nalalaman pang mahal niya ako pero palihim na lumalandi sa ibang babae. Psh.
It sounds like I'm jealous girlfriend.
No, no, no. Erase, erase.
Pagkarating ko sa canteen ay bumili na ako ng burger with fries. Kulang na lang stress eating itong gagawin ko ngayon. Umupo na rin ako sa upuan pagkakuha ko sa binili ko, tutal wala rin naman mga estudyante sa canteen dahil nasa gym silang lahat para suportahan ang laro.
Habang enjoy na enjoy ko ang pagkain sa burger ay naagilap ko si Louie naglalakad sa direksyon ko.
"Ano ang ginagawa mo rito? Wala si Dante dahil may laro siya ngayon."
"Alam ko." Umupo siya sa harapan. Hindi ko nga siya inalok na umupo diyan. Ang kapal ng mukha, tinalo pa ang encyclopedia sa sobrang kapal. "I know you are mad at me because of what happened before, Faye. I'm sorry. Hindi ko intensyon saktan si Mich noong magtapat siya sa akin. I'm sure you know Dante talked to me about it. Sorry talaga sa nangyari."
Seryoso ba ito? Ang isang cold prince na si Louie Aguilar ay humihingi ng sorry sa akin? Daig pa kaya niya ang Antarctica sa sobrang lamig niya para bang walang pakialam sa mundo.
"Huwag ka sa akin mag-sorry. Kay Mich dahil siya ang sinaktan mo, hindi ako." Sabi ko sabay kuha ng fries at subo sa bibig ko.
"Alam ko pero sa tuwing lalapit ako sa kanya para kausapin siya ay lumalayo naman siya sa akin. Alam kong nasaktan ko siya kaya lumalayo sa akin si Mich."
"Give her some time. Ikaw kasi ang first crush niya at ikaw nga lang nagpaiyak sa bruhang iyon." Sabay kagat sa burger. Hindi naman ako patay gutom nito. Dalawa dalawa ang kinakain ko at the same time.
"Really? Oh god, I'm so sorry talaga sa nangyari." Ginulo niya ang kanyang buhok at nakikita ko ang guilt sa mga mata niya ngayon.
"Louie, look. It's already February at isa lang ibig sabihin noon, malapit na ang Valentine's Day. Subukan mong bigyan ng flower sa araw na iyon baka kiligin ulit iyon sayo."
"Ayaw ko naman paasahin siya. Ang gusto ko lang naman ay mag-sorry sa nangyari. Sa totoo lang ay pinag isipan ko ang sinabi ni Dante sa akin noon, hindi ko nga alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko noong nagtapat na sa akin si Mich."
"Hindi mo dapat sa akin sinasabi iyan. On February 14, subukan mo ulit lapitan si Mich pero kapag hindi mo ginawa iyon. Sorry, Louie pero hindi na kita matutulungan. Ayaw ko rin masaktan ang kaibigan ko dahil sa nangyari at mauulit lang ang lahat. Simulang mga bata pa lang ay kami magkaibigan na kaya ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil dito."
"I know, I know. Susubukan kong gawin ang suggestion mo sa akin. Mag mala anghel ka sana, Faye. Sana patawarin na ako ni Mich at kapag nangyari iyon ay ililibre pa kita ng kahit anong gusto mo."
Napangiti ako ng malawak. Libre, eh. Bakit pa ako tatanggi sa grasya?
"Bet ko iyan! Ipagdadasal ko na lang magkaayos na kayo ni Mich. Basta huwag mong kalimutan ilibre ako."
"Oo, Faye. May isang salita ako kaya aasahan mong ililibre kita." Tumayo na ito sa kinauupuan niya. "I have to go. Babalik na ako sa gym."
Sorry, Mich. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang si Louie. Kahit mag-ritwal pa ako ora mismo. Basta sa pagkain!
BINABASA MO ANG
When A Playboy Fell In Love With An Otaku
Chick-LitOnce a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa paaralan namin ay binola na niya at nagpapauto naman sa kanya, maliban na lang sa akin dahil hindi tum...