Chapter 23

1.7K 56 25
                                    

Nakatayo siya sa tapat ng isang bahay, animoy may iniintay na lumbas mula rito pero siya ay nabigo, halos isang oras na siya nakatayo sa ilalim ng isang puno ngunit walang lumabas sa bahay na minamasdan niya.

"Bakit ba tayo nandito?"

Sabi ng babae na katabi niya. Tumingin siya dito at bahagyang ngumiti ng malungkot.

"Inaantay ko lumabas ang asawa ko." Tipid niyang pahayag.

Tinignan siya ng babae na may gulat na gulat na ekspresyon sa kanyang mga mata.

"May pamilya ka?"

Tanong nang babae na tumulong sa kanya, makabangon ulit.

"Oo, asawa at isang anak." Pahayag niya sabay sulyap sa bahay na kanina pa niya pinagmamasdan.

"Isang buwan na nagbalik ang lahat sa iyo bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat ng eto?"

Marahang tanong sa kanya ni Mela. Tumingin siya dito at malungkot na ngumiti.

"Dahil hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa buhay nila."

Tipid na sagot niya sa anak ng negosyante na nagligtas sa kanya.

"Tara na baka hinihintay na tayo ng Daddy mo." Dagdag niya at pumasok na sa kotse na naka park sa harapan nila.

****

Tahimik na sumunod si Mela sa lalaking kasama, pumasok siya sa loob ng kotse at tahimik na bumuntong hininga.

"Kaya ba nagpumilit ka kay Dad na dito sa Pilipinas magbakasyon?"

Tanong niya sa lalaking katabi niya habang dahan dahan ng nagdrive si Manong Edwin papalayo sa bahay na pinagmasdan ng lalaking kasama.

"Look Mela, just forget what I said. Nandito tayo dahil dito  napili ng daddy mo itayo ang flagship hotel ng kompanya niyo. Nandito din tayo to meet with the investor ng dad mo to start with the project kaya kalimutan mo na may sinabi ako sa iyo."

Medyo galit na sagot sa kanya ng lalakeng inampon ng kanyang Daddy. Dati galit siya dito dahil her dad somewhat got what he wanted for a long time.

A son that will help him with his empire.

Oo, siya si Carmela 'Mela' Smith-Ang, the only child and Daughter of Augustus Ang the famous businessman who was hailed as the richest man in the world.

Mela look at the man beside him and sighed,

"Anong balak mo sa pamilya mo, ngayon na may pagkakataon ka na balikan sila?"

Sinubukan niya tanungin ulit ang katabing lalake.

The man shrugged his shoulder and look at her.

"Babalikan ko din sila pagdating ng tamang panahon, kailangan ko lang bayaran ang utang na loob ko sa daddy mo."

Malaman na tugon neto.

****

-TBC-

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon