Chapter 33

935 58 12
                                    


"Sa limang taon na nawala ako at naging Terrence Ang, my only goal is ibalik sa akin ang natitirang mga alaala ng isang Paolo Gutierrez. Faye and Cobbie were my whole life bago ako nawalan ng katauhan at nag bago ng pangalan, Andrew."


Panimulang pahayag ni Terrence Ang sa kanya ng madatnan niya eto sa labas ng hospital room ni Faye. Nakaupo eto sa isang upuan sa hallway ng mga kuwarto ng hospital at mukhang inaantay siya dumating.


Umuwi kasi siya upang maligo at magpalit ng damit pagkatapos niya maihatid si Faye sa regular room mula sa delivery ward. Magaalas onse na ng gabi at nagulat siya nag makita si Terrence na nakaupo sa labas ng kuwarto ni Faye.


Natulala siya saglit sa pahayag ng lalaki na nakatingin sa kanya  at ng makabawi sa pagkagulat ay tahimik siyang tumabi dito.


"Mahal na mahal ko ang pamilya ko, ang anak at asawa ko. Sinumpa ko sa sarili ko na babalikan ko sila at papalitan ng saya ang mga lungkot na dulot ng pagkawala ko sa buhay nila.


Hindi ko naisip na may magaalaga sa kanila at papalitan ako sa mga puso nila.


Pero napalitan mo na ako, Andrew at kahit anong gawin ko sa puso nila isa na lang akong alaala ng nakalipas.


Sa dalawang buwan na pagpapanggap sa sarili na okay kami ng pamilya ko at sa wakas buo kami ulit tanggap ko na, na kahit kailan hindi na ako ang bubuo sa pamilya ko.


Hindi ako maramot, Andrew alam ko kung kailan ako susuko. Faye is a perfect woman a man can love, masuwerte ako naranasan ko mahalin niya.


I am a legitimate Ang by law and papers, Andrew. I am for the past three years. Kasabay noon ay ang pagwawalang bisa ng kasal namin ni Faye. Paolo Gutierrez is considered dead by the law. Simulat sapul ng bumalik ako, hindi ko na asawa ang asawa ko, sa pagaakala ko na mahal pa ako ni Faye umasa ako na papakasalan niya ako ulit bilang Terrence Ang at magsimulang buuin ulit ang pamilya namin pero ngayon na nakuha ko na sila,


Alam ng puso ko na hindi na ako.


Mabuti kang tao, Andrew and you are a much better man than me. Mahalin mo sila ng doble doble para sa akin, pare.


Ibabalik ko na sila sa iyo."



Makahulugan na pagtatapos ni Terrence habbang nakatingin sa mga mata ni Andrew.



"Give me two weeks, ako mismo ang magbabalik sa iyo sa kanila, pero pare, sana ibigay mo muna sila sa akin sa dalawang linggo na yun at huwag muna magpakita sa kanila. I have yet to talk to Faye, wala pa siyang alam sa decision ko.


Kaya kung puwede, ibalato mo muna ang dalawang linggo."


The young gentleman continued tumango si Andrew sa lalaking katabi at bahagyang ngumiti.


"Minahal ka ni Faye at ikaw pa rin ang ama ni Cobbie, hindi ko aalisin ang karapatan na iyon sa iyo, Paolo. Sige pare, in two weeks, then."


Maikli niyang pahayag sa lalaking katabi bago tumayo sa kanyang kinauupuan.


Tumayo na rin si Paolo at inalay ang isang kamay. Andrew shook Terrence's hand and gave the man a smirk.


"Alagaan mo sila para sa akin, sa loob ng dalawang linggo, Paolo. Sana maasahan ko yan."


Pahayag niya dito bago tuluyan tumalikod at umalis.


He is a man of his words kaya he will respect Terrence's request. Two weeks is nothing, anyway.


Ang mahalaga, Faye and Cobbie will be his Forever.


And after what seems to be the longest months in his life , he felt that a weight was lifted out  from his shoulder as darkness was replaced by sunshine.

****


-TBC-


A/N: Hold your horses, guys. The end is near but it is just a beginning of another twist.

Ciao

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon