Chapter Twenty Six- Continuation

1.6K 60 18
                                    

Bumababa na si Andrew at Faye sa sasakyan at dumeretso papasok ng mansyon ng mga Ang sa Forbes Park sa Makati. Nauna nakarating ng mansyon ang mga mugulang ni Andrew kaya masaya na ang mga eto na nakikipagkuwentuhan sa butihing asawa ng bilyonaryo ng abutan nila ang mga eto sa napaka engrandeng living room ng mansyon, kung saan sila hinatid ng butler ng mayamang pamilya.

Manghang mangha si Faye sa mga ginto at krystal na chandeliers na pumapalibot sa buong bahay. She live a life in luxury but this was way too much,

"Extravagant," bulong niya sa sarili. Naramdaman niya na humigpit ang hawak ni Andrew sa kamay niya.

"This is luxury," bulong ni Andrew na tila nabasa ang isip niya. Faye smiled at her lover and looked at his parents who stood up from their seat to greet them.

"Meet my one and only son and the love of his life, Carmencita,"

Pahayag ng daddy ni Andrew sa magandang may bahay ng bilyonaryo, na ngayon ay malugod silang binati.

"Good evening, Madame," Pormal ngunit taos pusong pagbati ni Andrew sa matanda ngunit eleganteng babae.

"I heard a lot of good things about you from your parents, Andrew,"

Carmencita Smith-Ang told Andrew as her lover kissed the elegant lady's cheek.

Andrew smiled at the elegant woman and introduced her,

"Madame, my partner in life, Faye."

Andrew said as the billionaire's wife swept her eyes at her.

Faye smiled at the old woman and tried to ignore the hint of hostility she somewhat saw in the woman's eyes.

"Good evening po," magalang na bati ni Faye kay Mrs. Ang.

"So, ilang buwan na yan?" Tanong ng matanda sa kanya.

"Seven months po." Pahayag niya, tumango ang matanda at nakipagusap ulit kay Mrs. Madrigal habang pinaupo sila ni Andrew  sa isang lounge chair sa living room.

Katapat nila ang mga magulang ni Andrew at si Mrs. Ang.

"Arnulfo, Barbara, padating pa lang si Agustus at Mela, lets have coffee first."

Narinig nila na pahayag ni Mrs. Ang habang sinisilbihan sila ng kape ng mga kasangbahay ng mga Ang.

"Si Terrence, hindi nila kasama?"

Tanong ni Mr. Madrigal sa babaeng Ang. Mrs. Ang gave Andrew's father a knowing smile and looked at Faye briefly.

"May inaasikaso lang si Terrence, hahabol na lang siya sa dinner."

Animoy malaman na pahayag neto. Andrew looked at her and squeezed her hand.

"Okay ka lang, mahal?"

Tanong neto sa kanya ng maramdaman neto na medyo nanginig ang kamay niya.

"Oo, nagulat lang ako may anak pala sila na lalake."

Bulong niya sa katipan.

Andrew smiled at her and ran a finger to her cheek. "Adopted son daw, dapat magiging son in law nila pero ewan ko why hindi napakasal kay Mela."

Bulong na explika ni Andrew, hindi nila namamalayan na pinapanuod pala sila ni Mrs. Ang.

"Alam mo Barbara, isang Andrew Madrigal ang gusto ko sana makatuluyan ni Mela, sayang."

May laman na sabi ni Mrs. Ang sa mommy ni Andrew ngunit sa lakas neto rinig na rinig nila lahat ang pahayag neto.

"Masuwerte din naman etong anak ko sa mapapangasawa niya, Faye is a good woman."

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon