Chapter 27

1.9K 56 14
                                    

Nang lumabas ng banyo si Andrew nagulat siya ng hindi nakita si Faye sa kama. Gabi na ng makauwi sila mula sa dinner with the Angs at medyo nagaalala siya ng bigla na lang nanahimik si Faye habang pauwi sila.

Nang maisuot niya ang pang itaas na puting t-shirt dali dali siyang nag tungo sa pintuan upang lumabas ng kuwarto upang hanapin si Faye ng biglang bumukas ang pinto bago pa niya mabuksan eto.

"Sir, si ma'am po sinundo ng isang lalaki." Natatarantang sabi ni Manang Vangie sa kanya.

"Anong sinundo, sinong lalaki," Andrew asked the house keeper, his voice controlled but obviouusly panicky.

"Di ko po kilala, nakita ko lang po si Ma'am Faye na kusang sumama eh. Tinatawag ko po at hinabol pero di po ako pinansin.

Andrew started to panic,

"Puntahan niyo po si Daddy, sabihin niyo kailangan ko tulong niya."

Utos niya kay Manang Vangie dali dali naman sinunod siya ng katiwala at tumungo sa kabilang bahay.

Pagalis na pagalis ni Manang dali dali tumungo sa may kama si Andrew at kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Faye but his hand stopped, midway. Faye's android was besides his. Sumama eto kung kanino na hindi dala ang phone niya.

Kinusot ni Andrew ang mukha, he is getting frustrated. Hindi niya alam if he needs to contact the police already. Palakad lakad siya sa kuwarto habang nagiisip ng tamang gagawin when his phone beeped. It was a text message,

"Andrew, don't worry, nakalimutan ko lang na sabihin, sinundo ako ng driver ni Stace, mag cocoffee lang kami. I love you."

Dahan dahan niya binasa ang text message ni Faye nagamit ang phone ni Anasatasia. Unti unti lumuwag ang dibdib niya.

Pero hindi niya magilan isipin na parang may mali, he inhaled deeply and typed his reply to her text message.

****

-TBC-

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon