Prologue

16.4K 304 149
                                    

Sa isang bundok sa malayong lugar ay may isang Diyosa na namamahala sa kamatayan at buhay.

Sa pananatili niya nang mahabang panahon, ay nakibagay na rin siya sa mga tao. Gumagamit din siya ng teknolohiya para hindi maubos ang kanyang enerhiya.

"Mahal na Diyosa." isang nilalang na walang kasarian ang biglang dumating kaya mabilis niya itong dinaluhan. Tiningnan niya ito at hinintay na magsalita.

"May mga taong namamatay na hindi kasama ang kanilang pangalan sa Book of Death. Ano po ang maaari nating gawin?" pagsabi nito ng problema.

Gumawa ng vision ang Diyosa at nabigla siya sa nakita. "Paano nangyari ito? Paanong nawala ang balanse ng iba't ibang mundo?" gulat na gulat na tanong ng Diyosa.

"May magagawa ba ako mahal na Diyosa?" Tanong ng taong nasa likod ng Diyosa. Nag-type sa Computer niya ang Diyosa. Napakabilis nito dahil gumagamit din siya ng mahika.

"Hindi ko inakalang magagamit ko ang method na ito. Maghanap ka ng apat na kaluluwang namatay na wala sa listahan. Siguraduhin mong maganda ang mapipili mo, yung may potensyal na maligtas ang buong kalawakan. Wala akong pakialam kung saang planeta man sila galing," saad ng Diyosa. 

Yumuko naman ito saka nilabas ang Book of Death.
Tatlong oras ang lumipas ay nakakita na siya ng kaluluwa.

Name: Shaina Deshna Lievere
Strength: Can make a good tactic over a worst situation.
Location: Earth (World of Normal Human)
Cause of Death: Betrayal

Name: Edelyn Flair Fugoso
Strength: Can make a powerful blow that cannot hindered by anyone
Location: Gerva (World of Unfairness)
Cause of Death: Curiosity

Name: Roselyn Xyrell Doctolero
Strength: She can manipulate anyone and have a high flexibility to adapt situation
Location: Findo (World of Advance Technologies)
Cause of Death: Stupidity

Name: Samara Kie Pemscoth
Strength: She can see future and able to change it
Location: Haima (World of Visibility and cunningness)
Cause of Death: Suicide

Ang sumunod na pahina naman ay puro mga confidential data ng mga taong ito. Ngumiti naman ang Diyosa dahil na rin sa nasayahan siya sa nakuhang tao ng may hawak sa Book of Death.

"Give them a Mission to improve their strength. Para na rin mapalabas nila ang totoo nilang kakayahan. Balitaan mo ako kapag maayos mo ng nagawa ang pinagagawa ko," utos ng Diyosa. Nag-bow naman ang may hawak ng libro saka bigla rin itong nawala.

"Hindi ako papayag na masira ng tuluyan ang balanse ng mundo dahil lang sa kanila," saad ng Diyosa.

At dahil na rin sa utos ng Diyosa ay nagsimula na nga ang misyon ng apat na napili. At ito ang kuwento ng taong nakatira sa Earth Planet na si Shaina Deshna Lievere.
--*--

WRIFIA

Written by: Violet_Ybrehl07 (Balugao07)
Language: Taglish (english-tagalog)
Genre: Action
Story started: October 3, 2018
Status: Complete
Duration of Writing: 6 Months
Story ended: April 22, 2019
Revision Started: September 29, 2020
Revision Ended: October 7, 2020

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon